Kodak

Linggo ngayon… walang ibang makabuluhang magawa kundi ang mag-abang kay Boy Abunda ng The Buzz. Mahirap kasi ang hindi nakakapanood at nahuhuli sa latest tsismax sa mundo ng showbiz. Kasalanan yun! Nababawasan ang pagka-jologs ko at ayaw ko mangyari yun.

At habang naghihintay ng alas-kwatro. hmmmn…Kodak moments muna.

“KALAWANG” 

Continue reading

Siomai

Matagal ko ng gustong gumawa neto: SIOMAI. (tsaka yung fried pork dumplings din)

Eh kasi naman sa resto, ewan ko ba at para bang bitin ako sa tig-tatlong piraso lang ang nalalamon ko. (watta word! lamon!) Pwera na lang kung dun ako lagi lalafang sa Eat-All-U-Can Merienda ng DADs kung saan pwede ka magpakabundat ng Siomai nila at ibang kakanin sa halagang 300 hundred petot lang.

Kanina, ayun at natupad na rin ang simpleng gusto kong lumamon ng sariling gawa na Siomai hanggang sa naumay ako sa dami! Hahaha! Siempre masarap Siomai ko, gawa ko eh! Masarap dahil may sangkap na pagmamahal. Echoos!

Yung pic ng Siomai na nasa steamer… di pa yan luto.

Continue reading

Bagong Beybi

Since wala pa rin akong kahit mumurahing digicam para mapagbigyan ko ang pagkahilig ko sa pagkokodak, dito na lang muna ako sa bagong beybi ko ngayon ang – digital scrapbooking. Pag walang kausap online, pag walang paid tasks o tapos na ang house chores ko, dito ako nagbibisi-bisihan ngayon Matagal ko na ‘to gustong gawin wala lang ako masyadong time noon.

Para akong nawawalan ng stress sa buhay habang nagbubutinting ng kung anik-anik sa mga scrapbooking websites. Nare-remind din ako ng elementary days ko kung saan nauubos ang baon ko noon sa kabibili ng mga colored papers, crayons at mga kung anong gamit para kaartehan lalo na para sa mga paper dolls ko. Nakow, adik ako sa paper dolls noong nene pa ako. Impernes, magaling ako gumunting ng mga damit para sa mga manikang papel. Kumpleto at siempre terno-terno mula sapatos, panty, bra ang suot ng mga paper dolls ko. 18 years old na ako ng magkaroon ng tunay na manika.

  • [singlepic=224,320,240,,] Click image for larger view.

Continue reading

Lamyerda

Ang iniiiiiit! Pucha! Pati kasingit-singitan ko pinagpapawisan sa sobrang humid. Lols! Sa sobrang init ng panahon, nagyaya ang iba kong mga kapatid na mag swimming sa isang resort noong weekend. Ayoko sana sumama kasi bukod sa hindi ako mahilig sa swimming…umiiwas talaga ako sa sikat ng araw. Hindi na kasi nakakatuwa ang init ng araw ngayon. Kaso baka masabihan akong KJ kaya join na rin ako. Tsaka NIGHT swimming daw kaya ayos lang. Umarkila kami ng isang cottage for an overnite stay.

Pagdating namin sa resort at pagbaba pa lang ng mga anak at mga pamangkin sa sasakyan, pucha! Walang lingon-lingon. Walang bihis-bihis o hubad-hubad! Takbukan na sa dagat ang mga kolokoy.

 

Mga pasado alas kwatro na kami nakarating resort at tiyempo pababa na ang araw. Weeeee! SUNSET! Kaya mas ninamnam ko muna ang view ng pagbaba ng araw kesa maligo (na hindi naman talaga ako naligo).

 

Lungkot-lungkotan si Mamaru habang nanonood at siempre hindi ko pinalagpas ang kumuha ng kodak gamit ang wan en onli high end gadget ko – my selpon. ( Balang araw magkakaroon din ako ng maganda-gandang camera – pag nanalo ako sa huweteng. Bleh!)

Kasehodang hindi ok ang clarity at hindi mataas ang color resolution ng mga kuha ko, keber! Kung paano ko kinunan ang sarili ko habang nanonood ng sunset na gamit lang ay selpon? … Ay, di ko sasabihin – sekreet! (kunyari interesado kayo malaman).

Masaya ang naging kabuuan ng lamyerda namin nung weekend. Umaatikabong kainan at kwentuhan. Pa-morningan ang isa kong ate at iba kong pamangkin sa paglalaro ng baraha. Alas-5 na yata ng umaga sila natapos.

Lahat kami puyat. As in pati mga bata puyat pero ok lang kasi masaya naman kaya sulit talaga.

 

Eto pa isang magandang tanawin dun — cleavage ko. Bwahaha! Siempre kahit puyat ako, hindi naman mukhang puyat ang cleavage ko. Bah! Tunay yan ha! Loko! walang silicon yan. Lols!

LP #3: Apat Na Kanto

woodblocks1.jpg

woodblocks21.jpg

“Bloke”

Buti na lang at kalapit-bahay ko lang ang Day Care Center dito sa amin. Sandamukal ang laruan nila dun kaya hindi na ako nahirapan maghanap ng kukunan na bagay na may apat na kanto.
Nag-asal bata muna ako ng saglit at nilaro ang mga bloke…at siempre, binuo ang titik ng pinakamagandang pangalan sa buong mundo. Wahaha!

Bagong Kaartehan

Kaloka! Hanggang ngayon mahilo-hilo pa rin ako sa 3 gabing pagpupuyat sa kahahanap ng photo gallery plugin na gusto ko para sa mga pics ko. Sandamakmak ang available na plugins sa WordPress.org kaso maarte ako eh kaya ginalugad ko pa ang Google.

Nagpalit (na naman?!) pa ako ng template kaya halos hindi ko na maalala ang kumain, maligo at matulog sa sobrang gigil na tapusin na ang mga naumpisahang pagpapalit.

Asar ang bagets kong lalaki sa akin kasi hindi sya makasingit computer. Ako naman ay naaasar din sa kanya kasi ayaw ko yung may nag aabang sa likod ko at panay tanong kung anong oras ako matatapos sa paggamit ng pc.

Nasusungitan ko tuloy anak ko. Kaya kelangan makapag-ipon na talaga ako ng datung na pambili ng laptop para hindi na kami nag aagawan dito sa nag-iisang makinang ‘to. Kelangan makabili na ako ng laptop kahit yung plastic lang muna. Toinks!

Aber! Masubukan nga muna ‘tong bagong installed kong photo plugin. Wala pa naman akong balak na gawing photoblog ang blogtsina ko na ‘to – sa ngayon.

  • Absolut Vodka

  • Jelly Ace

Ganda ba? Lols!
Mood: sleepy

Pundido

Dahil bago, malakas ang dating. Napapasaya ang nabibigyan ng liwanag. Pag kinakailangan andiyan lang sya. Palaging nakasindi… nagbibigay ng ilaw sa halos lahat ng oras. Hindi masyadong pansin ang kahalagahan kasi palagi lang naman siya nandiyan.

Continue reading