Gaya-Gaya Lang, Trip-Trip Lang

Ti-neks ako kanina ni Pareng Badoodles.

Badoodles: “mare, may problema dun sa tshirt. hindi pala available sa stores ung choice1 and choice2 mo…” (cut ko na kasi mejo mahaba)

Badoodles: “sinend ko na pala ung trophy saka tshirt kahapon.”

MARU:“Ok lang yun pareng badoods. Lagi din naman ako borles kaya khit anong shirt na lng. Cge i wil let u knw pag natanggap ko na. Best regards.”

Badoodles: “ok thanks mareKo.”

MARU:”Basta ikaw! (wink)”

Wala pang mga isang oras yata ang nakakalipas may pumaradang van ng LBC sa tapat ng bahay ko.

MARU: “Pareng badoods, eto na at naresib ko na. Inarbor na agad ng bagets kong doter ang shirt. Nakngpekpek! Maraming salamat ulit!”

Badoodles: “hambilis naman, kapapadala ko pa lang kagabi. kasya ba ung tshirt?”

MARU: “May kaliitan ang shirt at kelangan may hawak hawak akong FAB juice drink pag sinuot ko yun. Makikita ang inverted navel ko. Lols.”

Badoodles: “hahaha! sana pala ung medium kinuha ko. di kasi ako nakinig sa gut feeling ko. next time ulit. ;)”

* * *

Howel, dito nakalagay sa paper bag na ‘to ang tropeyo ng kalandian ko dito sa blogosphere na ikinatuwa ng ilang mambabasa ko. (Si Moo lang ang kaisa-isang kinampanya ko na iboto ako dito sa pa-contest na ‘to ni Pareng Badoods tas dinedma pa ako ng mokong. Hmp!)

Hindi ko na maipapakita yung kasamang t-shirt kasi inarbor na agad ng dalagita ko at nasa lagayan na ng damit niya.

Tuwang-tuwa ako dito sa trophy na isang boobsy na bebot (na kamukha ni Claire dela Fuente) na nakapatong sa bote ng coca-cola. Sponsored ng GagAtak ang tropeyo at yung t-shirt naman ay galing sa The T-Shirt Project.

Walang nangyaring awards nite kaya nag-feeling na lang ako na kunyari eh rumampa ako sa red carpet, umakyat sa stage para tumanggap ng trophy at nag spits. Hehe! Kababawan talaga oo. SOWS! Eh bakit ba!

Poporma sana ako ng todo kanina para magpa-kodak via webcam kaso excited na ako at di na makapag hintay para magbihis.

Pinag-tripan kong GAYAHIN yung boobsy girl sa tropi kaso pinagpawisan lang ako at nabigo ako. Hindi ko makuha ang porma nya. Bwahaha!

Ok, eto na lang. Ganito ginawa ko kanina na gaya-gaya, puto-maya. Trip-trip lang.

Btw, ganito ayos ko pag namamalengke ako dito sa bayan namin.

Kodak, Kodigo, Kape, Kuya

  • Nami-miss ko na ang komodak at sumali ulit sa Litratong-Pinoy. Naka-apat na Huwebes lang yata ako noon at hindi na ako nakapag-post pa ulit ng litrato. Ang hirap kasi wala akong sariling camera at nanghihiram lang ako noon sa kapitbahay. Kakainis, dahil tuwing nag-uumpisa ako mag-ipon ng datung para makabili ng kahit de-uling na camera – tsaka naman biglang may susulpot na gastusin o babayaran. Hay buhay… uber talaga sa pahirapan bago makamtan ang paisa-isang bagay na nagugustuhan.
  • Tuwing maggo-grocery ako…gumagawa muna ako ng kodigo para sa mga bibilhin. Andun yung excited ako kasi kasama siempre nakalista ang mga pang personal kong kailangan. Kaso naman pagdating ko sa grocery store o sa palengke, kadalasan kanselado ang mga bibilhin ko para sa sarili. Ipinapagpaliban ko na lang muna para lang magkasya ang budget ko. Bakit kaya ganun, andun yung nahawakan ko na yung item na gustong gusto ko pero biglang ibabalik sa istante dahil biglang may maaalala na kelangan pala ni Kevin ang ganito, ganun…nagpapabili nga pala si Keziah ng ganito ganun…kelangan pala sa bahay ng ganito ganun,… etsetera etsetera. Hays, at ako na rin ang sumagot sa katanungan ko — nanay nga pala ako.
  • Sabi ko sa sarili ko… one of this days, pag medyo naka-alwan sa gastusin – magpapa body scrub ako at magpapamasahe ako – yung magbabayad ako ng tao para kuskusin ang pwet ko at mga kasingit-singitan ko. Hehe! Trit ko sarili ko kasi deserve ko naman ang i-pamper ko sarili ko paminsan-minsan. Howel, as usual…kahit sa sarili ko hindi ko natutupad ang mga pangako ko at mukhang malabo na nga na mangyari pa kaya kanina, namataan ko yung binigay sa akin nung last Xmas na kapeng-barako galing Cavite.

Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang nagkulong sa banyo na may dalang mixtures of coarsely ground coffee, brown sugar and olive oil.Hindi ako nagkape sa loob ng banyo. Nagtaboy ako ng stress sa pamamagitan ng pagkuskos. Nabasa ko kasi na bukod sa nakakatulong sa pagbawas ng formation ng cellulite at varicose ang coffee scrub. Magaling din na exfoliant.

Ayun, mahigit isang oras lang naman ako sa banyo at dun ko na ginawa ang coffee body scrubhomemade spa treatment. hehehe! Siempre tiyaga-tiyaga lang sa pagkuskos ng mixture sa buong katawan pero i swear, as in maniwala kayo sa akin – super kinis o smooth ng skin nyo pagkatapos. Pag hinagod mo balat mo….parang bagong kiniskis ng papel de liha o bagong varnish ang katawan mo! Langit ang pakiramdam paglabas ng banyo. Ang gaan! Sa sobrang kinis sa pakiramdam, parang gusto ko tuloy maglakad-lakad ng naka-borles hanggang kanto. Joooke!

  • Nalulungkot ako sa balitang na-stroke ang kuya ko na nasa Surigao. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng update kung ano na talaga ang tunay na kalagayan niya. Kung may maitutulong lang sana ako. Tsk! Pero bahala na si Batman. Hindi naman din sa pang-aano, kuya ko kasi…sunog-baga din kasi yun. Hindi na rin ako nagugulat, sa totoo lang. Yang paninigarilyo talaga at pag iinom, mapa-lalaki o babae man…darating at darating din talaga ang araw na maniningil sa katawan ang bisyo na yan.
  • Pero kahit ano man ang mangyari….tuloy lang ang buhay. Matira na ang matibay. Lahat naman tayo eh nakikiraan lang. (emo ang lola)

Naiibang Pasko

Minsan kung sino pa yung taong masyadong abala sa trabaho at hindi ko inaaasahan na magkakaroon ng panahon sa akin at sa mga anak ko, na kung tutuusin ay hindi naman kami kaanu-ano ay yun pa ang nakakagulat na talagang gumagawa ng paraan para mabigyan kaming mag-iina ng pagkakataon na magkaroon ng naiibang experience, ang makapag-bonding, mag celebrate ng pasko sa isang lugar na kung ako lang siguro ang aasahan ay hindi ko talaga madadala dun ang mga anak ko dahil wa ko afford..

Sabi ko nga, sa loob ng 16 years ng pagiging solong-nanay…ngayon lang ako nakatanggap ng naiibang imbistasyon dahil hindi lang yun para akin kundi kasama na pati mga anak ko. Malamang pag hindi ka nanay at nabasa mo ‘to…siguro mapapa ismid ka, tataas ang kilay at malamang sasabihin mo sa sarili mo na “ano naman kaya ang “big deal” dyan sa imbistasyon na yan? Sus, para yan lang eh dapat pa bang i-blog?” Well, sana nga ay walang magtanong ng ganito sa akin dahil baka masampal ko lang ng lep en rayt. Bwahaha! Ang Taroosh!

Hmp! Tama na nga at hanggang dito na lang muna. Basta masaya at memorable sa amin ang pasko namin mag-iina noong Tuesday. Mababaw na kung mababaw, bakit ba! Eh sa happy kami. Eh kayo ba masaya? Bleeh!

 

Mood: Grateful 😆

 

After Christmas – 11
Well, the event happened … we gave, received, enjoyed, celebrated, worshipped … now what? Can we keep it going?

Kansel Na Muna

Feel ko mag senti ngayon. Habang papalapit ang bertdey ni beybi jesus parang nalulungkot lang ako. Nadagdagan pa ng mga napupuntahan kong mga blog kung saan ang mga topic ng entries eh mga krismas party nila, mga xmas wishes nila, mga pinagkagastahan sa mga bonus nila at kung mga anong food ang ihahanda nila sa noche buena etc. etc. etc. Leche! Sige mag-inggit pa kayooooooo! Lol.

Continue reading

I’m On TV!

Wushoo!! Eklat lang. Nag aliw lang ako kalikutin ang Windows moviemaker, YouTube at Slide.com kagabi. Gusto ko lang naman i-post ang LSS ko for this week na song ni Nina. Bah! Napuyat ako sa kapapakinig ng song na ‘to at pag upload ng pics…siempre pics ko at kanino pa nga ba? Pics na bagong ligo at walang ligo.

Gusto ko lang bumawi kasi hindi naging maganda mga naging araw ko for past 2 days. Pakiramdam ko ang dungis ko kaya mga 3 beses yata ako naligo kahapon. Naghilod ng naghilod. Nagsabon ng nagsabon. Nag ahit ng dapat ahitin. Nag kuskos ng paa, nangulangot, nagdukit, nanghintutuli, atbp.

Continue reading

Salamat Bespren

Pagdating sa pagpapasalamat dito kay bespren Azrael, aaminin ko lagi ako nangangapa ng sasabihin. Ewan ko ba kung bakit parang nauubusan ako ng salita para sa taong ‘to.

Siguro dahil sa tagal na namin magkakilala dito sa net eh nada-dyahi na ako at hindi na yata sapat ang magsabi lang ng simpleng tenk kyu sa kanya. Madami akong dapat ipagpasalamat kay bespren at ayoko na iisa-isahin pa.

Continue reading

You Make Me Smile

Tapos na PMS ko at siguradong wala akong mood swings ngayon. Pero mahal ang smile ko netong mga araw.

Inaatake ako ng mga worries and fears at lahat na yata ng negative thoughts eh nakasaksak ngayon sa utak ko.

Kahit saan ako lumingon wala akong makitang pwedeng takbuhan o mapuntahan. Walang magulang, walang kapatid, walang kamag-anak, walang barkada, at walang kaibigan na mapaglalabasan ng hinaing.

Gusto ko sana magsumbong kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. Lolz!

Continue reading

Krismas Wishes Ko

Inisip ko kanina yung mga utang kong TAG sa akin galing kina Tintin Sendy at kay Badoodles. Pero uunahin ko muna sasagutin yung kay Tintin kasi parang madali lang yung tag nya sa akin. Pramis pareng Badoodles gagawin ko talaga yung assignment ko galing sa yo – next time.

Kaya muni-muni mode muna ako kanina. Kailangan ko ng ambiance para maisip ko kung ano ang mga xmas wishlist ko. Lumabas muna ako ng bahay pero hanggang carport lang naman. O di ba, maliit man ang balay ko. . . wag isnabin at may carport itech! Inuna ko na ang pagpagawa ng carport namin noon para sa V-Tec namin . . . V-Teclita.

Continue reading