Alagain Ka Ba?

Madalas kong mabasa ang ganitong status sa Facebook.

“Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . .
Pero hindi ka naman maalagaan ng tama.”

Madalas nababasa ko yan mula sa FB status ng mga bilatches at never pa mula sa mga betlogins. Siguro may mga limang beses ko na yata nabasa yan sa feed mula sa iba’t ibang  user.

loveParang alam ko yata kung ano ang pinaghugutan ng emote line na yan. Marahil feeling neglected na talaga ang isang pudang kaya nakakapag-emote na ng ganyan. Madalas nangyayari ang ganyang angal pag ang isang relasyon ay medyo nagtatagal na. Kumbaga…pag tapos na ang honeymoon stage.

Kung iisipin mo, hindi gaya noong nag uumpisa pa lang ang relasyon…sus, walang sinabi ang arnibal sa taho o mapapahiya ang asukal sa ka-sweetan ng mag dyowa. Maya’t maya ang text, tawagan, at kung anu-anong pang mga gimik para ma-express lang ang pagki-care sa isa’t isa. Siempre…si babae eh sadyang lambutin ang puso at madaling kiligin, andun yung masasanay, mag i-expect na akala ay palaging ganun ka-caring at ka-thoughtful si boypren – forever.

Kaso reality bites. Along the way, magsisimulang susulpot na ang mga problema at lilitaw ang mga trials. Masakit man isipin pero meron at meron talagang magbabago sa kalaunan.

Pasintabi ha, hindi naman sa nilalahat ko. Pero meron din kasing mga lalaki na sa umpisa lang talaga magaling. Habang lumilipas ang mga buwan o taon ay nagiging walang kwenta. Haha! Well, siguro naubos na rin ang pa-impress o pasiklab ni lalaki kaya naman lalabas na talaga ang totoong kulay sa pagiging cold, passive at walang paki.

“Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . . Pero, hindi ka naman maalagaan ng tama.” Isip-isip ko, korekekek nga naman. Pero inisip-isip ko ulit, kung problema man yan, may solusyon diyan eh.

Hindi ba mas nakakatuwa siguro kung. . . “Kung may taong ayaw mong mawala. . .Huwag kang magpa-alaga!”

Malaki ka na! Wag ka na magpa-alaga! Hindi ko sinasabing itigil mo na rin ang pagki-care kay bf porke’t hindi na sha gaya ng dati. Ang sa akin lang ay, huwag na ibigay ang responsibilidad o kaya i-asa sa boypren na alagaan ka para maging happy ka. Gusto mo ng alaga? Pwes, mag-syota ka ng caregiver? Joke!

Seryosli, babae ako, alam ko rin ang pakiramdam ng nababale-wala. Shempre nakakapanghina ng loob yun. Natural sa babae ang mag crave ng constant attention mula sa partner. Pero ang relasyon kasi para tumagal, kelangan ng sandamakmak na pasensya, maturity at siempre perseverance. Parang online games din yan…may mga stages na dapat lagpasan at kelangan i-adopt mo ang pagbabago. At para maging winner ka sa puso ng jowa mo, mag level up ka sa attitude mo. Para hindi agad ma-game over ang relasyon, huwag na masyado magpa-beybi. Huwag hayaan masira ang pagmamahalan ng dahil lang sa pagiging KSP, needy at sa pagiging maka-sarili.

Isa pa, malaking turn-off sa mga lalaki ang mga babaeng masyadong needy. Kaya tigilan na ang mga complain, at ang kaartehan na maging alagain. Ok?

Hmnnn…harsh yata ng dating netong pagpa-praktis ko na magpaka-Dear Ate Charo. Lol! Bangag pa ako sa gamot! Na-miss ko ang blog ko. Na-Ouch kasi ang Mamaru ng mga ilang araw. šŸ™

 

oOo

“Continually give, continually gain.” – Chinese proverb