Organizing Idea 4: Label It!

Walang tanggap na labada si Mamaru sa araw na ‘to at day-off ko din sa pagsa-sideline as barker sa paradahan ng mga jeep dito sa amin.

Kaya naman bisi-bisihan ako kanina sa paggawa ng mga sticker labels. Matagal ko na ‘to gusto gawin kaso laging postponed ang project ko dahil lagi akong nauunahan ng katamaran.

sticker labels

Heniweys, sa pamamagitan ulit ng taglay kong alindog, natural na kagandahan, kabataan, pagiging sariwa at konting kaalaman sa MS Office-Word, ay natapos ko rin ang project kong pagle-label ng mga dapat i-label. Siempre sa tulong na rin ‘to ng mga gamit: sticker papers at pinking scissors.

sticker labels canisters spice jar labels DSC03915_2

DSC03913_2

Oist! Baka isipin nyo itinatabi ko talaga ang Soda Ash (washing soda) at Borax sa mga lagayan ng papkern at kernstarts namin ha! Siempre inihiwalay ko talaga mga yan. Mahirap na at baka mapagkamalan ko pang asukal mga yan. Pinagtabi ko lang sila ngayon diyan dahil sa photo shoot. :D

flour container

Ngayon na nalagyan ko na ng mga label ang mga anik-anik, siguro naman hindi na magtatanong ang dalawang amo ko ng…”Ma, nasan ang sugar?…’Ma, ano ‘to?…’Ma, nasan ang asin?” …blah! blah! blah!

toothpick

organized pantry

Hindi ako nagpapaka- O.C. ha? Enjoy lang talaga ako gawin ang mga ganito. Tsaka aminin natin na maaliwalas talaga sa pakiramdam at kaaya-aya sa mata pag nakaayos ang mga bagay-bagay sa bahay.

Isa pa, may anak akong babae. Gusto kong nakikita ng anak ko ang mga ginagawa kong mga organizing ideas para balang araw, mag-expire man ang pagiging diyosa ko dito sa mundong ibabaw (charot!) eh may matutunan sya sa akin na mga matitinong diskarte sa pamamahay, kahit na ang nanay nya ay isang – on and off lucresia. :P

 

oOo

%d bloggers like this: