Naglamyerda ako kagabi sa cyberspace kasama si bespren Google at na-sight ko ang step by step Grocery Bag Holder tutorial na itetch DITO.
‘Kako gusto ko magkaroon nito kasi kelangan ko ng organizer para sa malalaking reusable grocery bags na madalas ginagamit ko pambalot ng basura namin.
Hugot-hugot lang ng plastic sa butas sa ilalim ang drama ng holder na ‘to. Iniisip ko nga, gawa kaya ako ng isa pa. Para lagayan o organizer naman ng mga SALAFI ko? Charot!
Hays…ang saya siguro no? Kumbaga, huhugot-hugutin ko lang ang nakausling pera sa ilalim. Olats sa astig ang tunay na ATM ?! Kaso dapat paper money lang ang ilalagay. Eh panu naman yun, puro baryabols lang ang mga SALAFI ni Mamaru.
Heniweys, bago ko ang inihimlay sa malembot na papag ang mala-josa kong pangangatawan para ipahinga kagabi (Hihihi!), kinalap ko muna ang mga reta-retaso kong tela at pinagtagpi-tagpi.
Kagabi ko na rin ‘to tinahi. Siempre sinundan ko ang tutorial.
Medyo malaki tingnan sa piktyur pero may haba na 20 inches lang ang holder na ‘to.
Taaa daa!
Me super-likey this project! Haylabit!
oOo
“Hindi ka nasaktan dahil manhid siya.. nasasaktan ka dahil UMASA KA.”