Workstation

  • Mamaru’s workstation

DSC01183_2DSC01193_2

  • Keziah’s workstation

DSC01186_2 DSC01187_2

  • Kevin’s workstation

Toink! Nagdalawang isip ako kanina kung isasama ko pa ang pics ng workstation ni Kev sa loob ng room nya.  Pero eto talaga ang tsura ng kwarto nya kanina. Nakasabit kung saan-saan  ang mga shirts nya, nakakanganga ang mga drawers, nakakalat na sapatos  at maduduming medyas sa ilalim ng mesa. Hays..

DSC01189_2 DSC01190_2

Kalurkey talaga ang kwarto ng unico hijo ko! Parang dinaanan lagi ng Signal No. 1 na bagyo. Pag nalilinis ko at naililigpit ko mga gamit sa room nya, isang araw lang talaga ang itinatagal ng pagiging maayos. Kaya sumuko na  ako. Pag wala siya, isinasara ko na lang lagi door nya para di ko nasisilip kung gaano kagulo kwarto nya…at baka mapaaga lang pagmemenopos ko sa kunsumisyon.

Our Home – Bedroom

May natira pa pala akong hindi nai-post sa Our Home series of post ko. Natingga sa aparador ng mga DRAFT entries ko.

Last December 2009 nang pinunturahan ko ng ponkan na ponkan na kulay ang bedroom ko. Tukso pa nga sa akin, parang SOGO Motel daw ang kwarto ko dahil sa kulay! Lol!

Ok lang naman noon kay Kups ang kulay ng kwarto ko pero ayaw ng sister ko kesyo madilim daw ang dating. Siempre dinedma ko lang ang komento noong una. Kebs ko naman eh sa gusto ko ang kulay na orange. Bakit ba!

DSC00462

Pero dahil sa isa akong moret na papalit-palit ng isip, naisipan ko rin i-repaint last July ang kwarto. At dahil kauupo lang din noon ng bagong presidente ng Pinas na si Noynoy at fan ako ng taklesa niyang sister – yellow ang kulay na ipinalit ko! Hehe! I’m so julius babaw talaga.

DSC00833

Ayan, impernes lumiwanag at sumigla naman ang ambience ng kwarto ko kahit hindi ko malaman kung paano ipu-pwesto ang kama at ibang gamit. Juice ko, halos makuba ako noon sa kabubuhat ng kama.

DSC00792_2

Kalurkey ang shade/kulay ng aparador namin, iba-iba! Lol!

DSC00831

Ayus! Next time, post ko naman yung indoor swimming pool at garahe namin na may 3 luxury cars na nakaparada. Wahaha!

Our Home-Kitchen Area

Work in progress pa rin kusina namin. Pero konti na lang naman. Isang kitchen island na lang sa gitna ang kelangan ko ipagawa para working table ko.

DSC00848

May mga hindi pa napipinturahan na cabinet. We used walnut wood stain for the cabinet…at si Mamaru lang po ang nagpintura nyan ha. :D Dami ko ng talent talaga na pwedeng pagkakitaan. Kung anu-anong trabaho na pang-contruction worker ang ginagawa ko. Iniisip ko nga, ano kaya kung subukan ko rin kaya gawing sideline ang pagba-barker sa mga pampasaherong jeep dito sa probinsya namin?

DSC00782

Sa mga susunod na araw…baka matapos ko na ang lahat ng pagpipintura ng mga cabinet.

DSC00783

Nagpaalam na rin yung 15-year old gas range/cooker ko. Pinintasan ng pinintasan noon ni Kups ang antique at kalawangin kong cooker. Ang totoo naman kasi eh yung oven na lang talaga ang gumagana dun sa luma at yung mga burner eh bungi-bungi na. Ang tagal ko pumayag na i-tsugi yung lumang cooker kasi nanghihinayang ako. Hehe!

DSC00709

Eto ang ipinalit namin. Simpleng 3-burner La Germana gas range. Para naman daw bumagay sa kusina namin. Naks!

DSC00712

Dahil sa mga hanging cabinet…nagpabili na rin ako kay Kups ng range hood.

DSC00799

Sa mga ilang araw na pag-aayos ko ng kusina namin, napansin kong dami ko na pala naipon na mga recipe leaflets, pamphlets, na ipinamimigay noon sa mga supermarkets. Yung iba ay postcards at newsletter from Del Monte Kitchenomics kung saan member-memberan si Mamaru. Kung saan-saan ko na lang kasi nailalagay. Ayan, siguro naman ay mapapakinabangan ko na ang mga ‘to ngayon dahil kitang-kita ko na sila sa iisang basket.

oOo

Our Home – Dining Area

Walang living room at dining room ang balay chenes ko. Living area at dining area lang. Pang-mayaman lang yata yung may room-room. Eh kami naman ni Kups ay nangangarap pa lang na yumaman.

Wala akong mai-post na ‘bipor en aptir’ na piktyurs para sa dining area namin.

Nabanggit ko na dati sa naunang post ko na ‘tong mga kagamitan sa bahay lalo na ‘tong dining set namin, na ako lang ang nag-assemble nyan (taas-noo). Huwag hamakin, mahigpit ang mga pagka-screw ko ng mga yan. Kahit makipag-chukchakan pa ako diyan sa mesa at mga silya na yan…hindi yan bibigay.Lol! Langya! Ang halay ko! I’m so bashtos!

DSC00826

Naikabit ko na rin sa wakas yung kurtinang naharbat ko sa ukay-ukay. Nabili  ko ‘to bago pa man kami nagpa-install ng sliding doors. Naalala ko noong nabili ko yung kurtina, parang sising-sisi pa ako sa jip. Esep-esep ko, syet! napamahal yata ako. 800 petot kasi lahat, dalawang piraso. Josko, binarat ko na ng husto yung tindera dahil wala naman talaga sa plano ko ang bumili. Para kunyari may lusot ako na wag bilhin.

Kaso, pucha! Pumayag ang impakta sa P800! Mabibigat ang mga kurtinang pinagpilian ko. Alam ko napagod din ang tinderang Maranao sa kabubulatlat ng mga paninda nya na todo pa ang salestalk sa akin. Napasubo na ako, binili ko na at baka dunggulin ako o kaya tadjakan ako palabas pag inisnab ko pa. Hehe!

Impernes naman, malapad ang na-kurti na yan, mahaba at pinutulan ko pa. Mukang bago pa. Swak na swak ang materyales para panangga sa init ng araw pag bandang hapon.

DSC00822

Medyo off ang pagka-pwesto ng desktop computer in between living and dining area. Parang hindi bagay at parang nakakagulo lang. Hindi pwede i-sekwester dahil gamit-gamit yan ng unica hija ko.  Iskwater  lang muna sya diyan dahil hanggang ngayon wala pa rin ako maisip na tamang lugar para sa kanya.