Ikaw Pa Rin

Noon, pag nananalo si Pacman…daming mga bloggers ang nagpo-post ng entry ng pagkapanalo nya sa mga site nila. Daming kumo-Congrats. Isa na ako dun!

Ngayon, olats ang Pambansang Kamao natin. Parang marami ang wa na ma-sey. Siempre, nakakalungkot kasi pinatumba talaga ang idol natin ng kalaban nya.

Well, ganun talaga…kaya nga tinawag na “fight” di ba? May tatamaan talaga. May mananalo at may uuwing luhaan. Hindi pinili ni Pacman na sumayaw-sayaw lang sa harap ni Marquez…talagang lumaban sya. Sapat na siguro yun para sabihin na binigyan nya tayo ng magandang laban. Yun nga lang – WAPAK! ang inabot nya. Feeling beat up

Nakakawalang-gana i-blog ang pagkatalo ni Pacman, pero nakakagana naman i-blog kung paano nya hinarap o tinanggap ang pagkatalo nya. He handled it with grace ika nga.

Manalo man o matalo…ganun pa rin si Pacman, MAPAGKUMBABA!

Kaya olats ka man, Manny. HANGA pa rin ako sa ‘yo!

Siguro naman, maraming Pinoy ang hindi magbabago ang tingin sa ‘yo kahit nakakadalawang sunod na talo ka na. Eh kasi sabi ko nga, ni minsan hindi ka namin nakitaan na naging MAPAGMATAAS kahit noong palagi kang panalo sa mga laban mo. Tsaka, ang dami mo kayang nagawa para sa bayan noh! Eh ano ba naman ang samahan ka namin sa pagkatalo mo ngayon?!

Ikaw pa rin ang IDOL namin sa boksing! Big Hug

manny

MABUHAY KA MANNY PACQUIAO! Party

 

oOo

Sabi nga ni Alfred kay Batman "why do we fall? So we can pick ourselves up." – Julius Babao via Twitter

Kakaaliw Ang Pinoy

Sa live streaming video sa internet lang si Mamaru nanood ng laban ni Pacman kahapon. Ok na sana dun sa unang site na napuntahan ko kasi malinaw ang video at audio. Kaso, nakngpekpek, biglang nawala sa ere ang pinapanood ko kaya karipas na naman ako sa paghanap sa ibang site at dun sa justin.tv ako napadpad.

Nagtiyaga ako kahit italian ang salita nung site.

Parang nag quickie sex lang sa laban si Pacman at Hatton, kaaliw! Pero mas naaliw ako sa kababasa ng messages sa katabing chatroom ng video. 

Eto yung ilan sa mga na print screen ko:

caps4

Pansamantalang nawala dito ang audio sa live video na sabay-sabay namin pinapanood ng mga nasa chatroom.
 Pansinin nyo ang pamimilosopo, pambabara ng mga mokong…ang murahan. Hehehe!

Continue reading