When The Mothers Talk

“No woman wants a jobless man in his 30s or 40s still living with his parents aka a NINJA (No Income, No Job or Assets)”

“When the mothers talk…it’s best to pay attention.”

Ayan! At talaga naman mega-quote ko si Tim Tayag sa article nya sa SMILE (Magazine for Cebu Pacific, dated May 2011). Kung sino man si Tim Tayag, wa ko sya knows at ayaw ko na rin alamin kung sinetch sya.

Nagustuhan ko lang yung mga chika nya dun sa article kung saan sineseryoso nya ang advices ng Mudra nya lalo na sa usaping pag a-ASAWA!

Tama naman siya na dapat makinig talaga sa Nanay. Dagdag pa nga nya dun…

“The Pinay mom is all-knowing, infallible, and dispenses the world’s best advice.”

O ha! Take note, the Pinay moms daw! At malamang kasama ako diyan sa tinutukoy nyang mga Pinay moms, dahil isa din akong Pinay. Hindi nga lang akong pure Pinay. For your info, I am a 90% Pinay and 10% discount. Chos!

lazy-man-chilling-out-on-sofa

Heniweys, eto ang chika ni Tim sa mga paalala ng Mudra nya sa mga kalalakihang nag-iisip na mag-ASAWA:

1. WAIT TILL YOU’RE 30 TO WED. Agree ako. Sa edad na ‘to, kahit papano naman ay may sense of maturity na ang isang lalaki. Mas alam nyo na kung ano talaga gusto nyo sa buhay.  At siguro naman ay may work na kayo sa edad na ‘to o kaya may sarili ng negosyo at papunta na rin sa pagiging stable na talaga sa buhay.

Alam ko hindi lahat, pero may ibang Pinoy na kahit na nasa edad na ‘to ay wala pa rin work, nagpapalaki lang ng bayag at nakikitira pa rin sa mga magulang. At tama ang reminder ng madir ni Tim, tandaan nyo, “walang babae ang gugustuhin na makapag asawa ng isang lalaking NINJA ( No Income, No Job or Asset).”

2. DON’T MARRY AN UGLY GIRL. – Ang harsh!! Pero I’m guilty dito, your honor. Naalala ko minsan noong high school si Kevin ko, sinabi nya sa akin na may gerlpren na sya. Pinaka-unang tanong ko sa kanya ay, “Maganda?”. Ewan ko ba bakit ganun agad ang tanong ko. Haha! Siempre naniniwala ako na wala naman sa panlabas na anyo ang kagandahan.

Kaso tandaan nyo na pag nag-asawa ka na, andun yung lalabas din paminsan-minsan ang pagka maldita ng mga babae na talaga naman tunay mong kaiinisan din. Kaya importante daw na kahit papano ay may angking-ganda din ang chura ng magiging wifey nyo kahit nagiging demonyita.

Higit sa lahat, siguro naman gusto mo rin magpakalat ng magaganda at guwapo na lahi, di ba? Kasi ako as a mom, siempre, gusto ko rin magkaroon ng mga good-looking APO. Wahihi!

3. GET YOUR OWN PLACE. – Trulili itu na there’s only one queen bee in the beehive. Ako mismo naniniwala na hindi mo pwedeng hayaan ang dalawang babae sa iisang kusina. Ibig ko sabihin, kung mag-aasawa ka, kelangan bumukod kayo.

Ika nga, sa ngalan ng KATAHIMIKAN, KATIWASAYAN at KAPANATAGAN ng inyong pagsasama, wag kayo makikitira sa mga in-laws.

4. FINALLY, HEED THESE FIVE WORDS…"White woman will divorce you." – Sa totoo lang, may pagka-racist dito ang tunog ng Mom ni Tim. Hahaha! Eh kasi nga daw, “Statistically speaking, a Caucasian woman is more likely to file a divorce compared to a good old Philippine-born Filipina.” 

Uy, hindi lang naman mga Caucasians, pati mga Pinay na pinanganak o laking-abroad eh parang ginagawang hobby lang din kung makapag-file ng  divorce pag ayaw na nila sa partner nila. Agad-agad!

Kunsabagay, hindi naman ibig sabihin din na mas magiging mabuti ang marriage nyo pag purong-Pinay ang pinakasalan mo. Kaso aminin na natin, totoo naman na mas malaki ang chances na mag i-stick talaga sa ‘yo hanggang pagtanders nyo o kamatayan mo pag Pinay ang partner mo. 😀 Eh kasi nga di ba, known ang Pinay na mas loyal, caring at higit sa lahat eh resilient. 😀

Ah basta, tandaan nyo lagi ang sabi ni Florante dun sa kanta nyang PINAY…

“at kung ikaw ay mag-aasawa ang kunin mo ay Pilipina
pagkat magaganda ang mga Pinay.
Sa bahay man sila’y mahuhusay.
Kumustahin kung manamit, okey lang
at kung umibig ay lalong okey ang Pinay.”

 

HAPPY FRIDAY Everyone!

 

oOo

“Hanapin mo yung taong magbabago ng buhay mo, hindi yung magbabago ng RELATIONSHIP STATUS mo.”

 

Asawa Ba Kamo?

Every now and then eh may nagtatanong sa akin lalo na sa chat ng 64 million dollar question na to:

“miss maru, may plano ka pa bang mag-asawa?”

(ayaw ko sagutin ang tanong ng tipong pang Miss Universe’ Q & A portion na may pa-tweetums.)

Tange! UU NAMAN! Gusto ko pa rin mag asawa at asawahin noh!

Nyeta, sawang-sawa na ako sa apelyido kong Zobel de Ayala at gusto ko naman nagkaroon ng pagbabago. Eh nasan na pala husband mo? tanong pa ng iba pag nalalaman na may kids na ako. Haler! di mo naman kelangan magkaroon ng husband muna para magkaanak noh. Tsaka noon pa man eh uso na talaga ang mga single moms. Siempre pahuhuli ba naman ako sa uso. lols. Ewan ko ba, nagkaroon na ako ng dalawang anak at lahat lahat pero hindi ko talaga feel na maging merid noon.

Mga 3 taon pa lang hanggang sa kasulukuyan ng napagtanto (syet! lalim!) ko na gusto ko na rin magkaroon ng sariling jowa. Yung jowang permanente at panghabang-buhay na talaga. Yung pwede kong tirahin dito sa tirahan ko. Este hindi tirahin, dalhin pala at mai-uwi.

001Ewan ko at kusang dumating na lang sa akin yung feeling at biglang, ay! type ko na magka mister! At di lang yun, naging ultimate dream ko pa ngayon.

Sabihin na natin na sa ibat-ibang role ng ginagampanan ko sa buhay eh yung pagiging wifey naman ang gusto ko matikman. Curious ako na malaman kung anong klaseng asawa ako. Malambing kaya ako? Maalaga? Burara? Martir? o Nagger kaya ako? Mangungupit?

Balak ko magka mister na kasi gusto ko ng ma-experience din yung MAY minamanyak ako sa gabi. Yung MAY kukulit-kulitin ako para maka-iskor. Yung nakadukot kamay ko sa kanya para maging mahimbing tulog ko at siempre yung MAY bobosohan ako pag iihi sya at o kaya naliligo. Hehehe! Medyo baliktad yata role ko pero di bale, mas exciting yun. lols! Tsaka i wonder, kaya ko kaya yung amuy-amuyin ko muna ang bagong hubad na brip ng jowa ko bago labhan? Hmmmn… para may naririnig na akong “yuckkkk!” sa readers ko a.

Ang sarap siguro ng may mister, yung tipong tatawag-tawagan mo sya opis sa kalagitnaan ng work nya para sabihin…. “hon, naho-horny ako. uwi ka ng maaga ha? bilisan mo at gagamitin kita”. Sweet kaya ang dating ng ganun sa magiging mister ko?

O kaya, pag tuwing araw ng sahod eh sisipagan ko ang pagbibigay ng masahe sa katawan nya, may kasama pang 45 minutes na footspa (talagang magpapaka alila ang gimik) then sasabayan ko ng hirit ng…“hon, may nakita akong magandang relo dun sa suking boutique ko. Type ko. Palagay ko angat byuti ko dun pag naisuot ko yun. Bilhin kaya natin? “ o di ba, hindi garapal. hindi halatang kinikikilan mo na sya.

Sayang naman kung hindi ako mag aasawa. mabuburo talent ko sa bed na may paliyad-liyad, pagulong-gulong at yung ungol-ungol ko na parang pusang di makapanganak. Bah! Swerte din ng magiging jowa ko, sabi nga ng isa sa paborito kong blogger na si JON CABRON …”single moms are hotter in bed.” Naks!

Kelan kaya darating si future hubby ko? May nagkakagusto sa akin pero di ko naman masyadong feel. Yung gusto ko naman eh dedma naman ako sa kanya. Ni ayaw nga akong bigyan ng importansya. Hmp! haysss…pang ihi na lang yata to. Baka pag minalas malas pa ako eh baka magsarado pa. waaah! naknampating!

nways, eto handog ko para sa mga singol girlfriends ko. basahin nyo. kung ayaw nyo sa tula na to, bahala kayo! eh pulot ko lang naman to.


ASAWA Ba KAMO?

Bakit ba kahit saan ako magpunta ang laging tanong,
Kung meron na akong asawa?

Sawang-sawa na sa mga tanong kung bakit wala pa.
E, mismo ako nagtataka.

Para ano pa ang mag-asawa?
Para singsing may mapapakita?
Kaya kong bumili kahit dala-dalawa pa.

Para iba na ang apelyido?
Ilang lakad lang sa City Hall
Pwede na akong Pitt, Cruise o di Caprio!

Para may baby ako?
Kaya naman kahit di lisensyado.
Siyam na buwan lang makikita mo na resulta.

Para may katabi sa gabi?
Kaagaw lang sa kumot yan.
Baka malakas pang humilik.

Para pag gising may kasama?
Kailangan ba?
Mouthwash naman ang hanap sa mabahong hininga.

Para sumaya?
Kung talagang hindi masaya, walang magbabago sa pag aasawa.
Mandadamay pa ng iba.

Mag-aasawa lang sa tamang dahilan
Kahit edad wala na sa lotto at kalendaryo,
Basta tama ang panahon.

Eh, papano kung talagang wala?
Eh, di wala.
Amg mahalaga sa buhay – kuntento ka.