Wag Magtipid Sa Pag-Ibig

Like ko ‘to, galing sa Twitter ko:

8-26-2010 12-39-06 PM  8-26-2010 12-36-59 PM  8-26-2010 12-35-23 PM

Palaisipan di ba? Punong-puno ng aral. Choos!

Wag talaga magtipid kasehodang tumambling ka sa sakit pag pumalpak o nagkamali ka sa pagmamahal mo. Ibabangon ka naman tiyak ng panahon para maging MAS kaibig-ibig pa ang pagkatao mo.

Kebs naman kung sumemplang ka dahil sa pag-ibig. Ang importante ay umibig ka ng bonggang-bongga at hindi mo tinipid ang sarili mo sa pagmamahal, sa isip, sa salita at sa gawa.

Di nga, wag matakot na masaktan ng dahil sa lecheng pag-ibig. Kung nagmahal ka at hindi ka nasaktan, isa lang ang ibig sabihin nyan – hindi ka talaga tunay na nagmahal.

Amen?

Usap 005 (with an EX)

Pagdating sa usapang boypren-gerlpren na relasyon…maipagmamalaki kong kahit papaano ay nakukuha ko pa rin makipag-prendship sa mga naging EX-boypren ko hanggang ngayon. (take note: “mga”…plural ha, plural! Aym soo yavangs!)

Hindi ko naman nilalahat pero nananatili kaming civil ni EX sa isa’t isa at ang sarap talaga sa pakiramdam na nakakapag-emote pa rin ako ng  saloobin ko lalo na pag kinakabog ng tadhana ang relationship ko with my current boyfriend.

Days ago, I had a dispute with my KUPS (my bf) that lasted for more than 2 weeks. Ang maysala? AKO! Yun din ang mga araw na pakiramdam ko eh ang sama-sama kong tao.

Gusto kong i-umpog noon ang ulo ko sa dingding namin kaso nag-alala ako at baka mag-crack lang at hindi kayanin ng wall namin ang katigasan ng ulo ko. (as of this writing, lablablab na ulit kami ng Kups ko).

Eto ang excerpt ng pag uusap namin ni EX noon:

M A R U : uy may tanong ako
M A R U: siguro naman..kahit papano eh sasagutin mo tanong ko with all honesty
EX: oo naman
EX: ano tanong
M A R U : sensya na ha…medyo senti
M A R U : pero how i am as a person?
M A R U : how i was as a gf?
M A R U : hey! kahit negative sabihin mo ok lang sa akin ha
EX: as a person talagang ok ka marunong ka magdala ng tao masaya kang kausap
M A R U : how about sa ugali?
M A R U : sensya na ha. pero siguro naman mas makakasagot ka ng deretso kung ikaw ang tatanungin ko kesa iba
EX: as a gf maganda rin kasi marunong kang magdala, ang naging problema natin nuon parang nasakal ako dahil hindi ko maibigay yung time na gusto mo
EX: at lagi tayo nag-aaway nuon na i-stress ako
EX: isa pa e ayaw mo nung nirerendahan ka
EX: pero syempre alang perpektong tao

Aktwali, gusto ko lang mag-solicit kay EX ng mga magagandang salita tungkol sa akin dahil nagbakasakali akong mai-angat ko ang lumalawlaw kong self-esteem kaya ganun ang tanong ko sa kanya.

Siempre, bukod dun gusto ko rin papaniwalain ang sarili ko na hindi naman ako ganun ka-demonyita kay Kups as his GF. Sino ba naman ang may gusto na maging pasaway at makapanakit ng boypren noh? I admit I’m such a bitch — sometimes!

Shhh! Sa totoo lang trip ko ang maging certified bitch talaga. Nabasa ko kasi yung book ni Sherry Argov’s: Why Men Marry Bitches. Malay natin at maisipan ni Kups na i-marry-marry ako someday dahil sa bitchiness ko. O divah!Lols!

Well, my relationship with Kups is not exactly one of those  matches made in heaven — but it has some good possibilites.

* * * * *

Shet! Pag-Ibig!

Sa chat, may nag quote nito sa akin: (Note: Bebeko ‘di kaw yun)

“Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, ito’y kusang dumadating sa hindi inaasahang panahon sa hindi inaasahang pagkakataon. Ito’y bigla mo na lamang mararamdaman na hindi mo alam kung kailan ito nagsimula at kung papaano. Mamahalin mo na lamang ito na hindi alam kung bakit at kung anong dahilan. Naiintindihan mo siya, inaalagaan, at handa mo siyang tanggapin kahit ano o sino pa man ito. Hindi mo iisipin ang mga pagkakamali nito bagkus siya ay iyong iintindihin. Handa kang magparaya para sa kaligayahan niya.”

“Ok, ok, ok, may tama ka (sa utak)” … yan ang naisagot ko dun sa kausap ko. Pasensyahan na lang kami nung kausap ko kasi wala ako sa mood noong sinabihan nya ‘ko at umandar bigla ang pagka-maldita ko. Siempre, bara-bara pa ang ibang naging sagot ko.

Continue reading