Mangga at Suman

Nakaka-miss din kumain ng kombinasyon na ‘to.

MANGGA at SUMAN

Masasabi kong pagkain-Tagalog talaga ang mangga at suman kasi napansin ko ang mga bisaya ay hindi gaano mahilig sa kombinasyon na ‘to ng prutas na Mangga at kakanin na Suman. Ang namayapa kong padir at madir eh mga purong-Tagalog, kaya maalala ko noon, tuwing may handaan…hindi nawawala ang mga kakanin lalo na pag fiesta at Pasko.

Hmmmn…may bahid-emotera ang mood ng Mamaru ngayon. Epekto siguro ‘to ng dalawang araw ng mangga at suman lang ang breakfast ko, pati meryenda na rin. Hindi ko tuloy maiwasan ang maalala (insert “Maalaala Mo Kaya” theme song here) ang mga nag-Rest In Peace kong parents at mga kapatid. :(

oOo

“Huwag nating saktan ang ating mga kaaway. Tandaan, tao din sila, hindi lang halata.”