Pansit

FLOP ang pansit bihon ko last night. Dyahi, pansit bihon lang eh hindi pa bumenta. Floptsina ang pansit ko kasi hindi sya masarap. Kakasawa agad. Kahit ako mismo ay hindi nasarapan. Hindi ko na maremedyuhan. I realized iba talaga pag pork ang ipinangsahog mo kesa tseken. Mas malasa talaga ang mamoy.(Palusot!)

Kumain naman ang mga bagets ko pero dehins naubos at di na umulit. Dami pa naman ng niluto ko. Tsaka after kumain ni Kevin ng pansit…naghanap ng kanin at nagbukas ng de-latang tuna ang mokong. Dat means, FAIL ang Mamaru. Sayang lang ang eport ko. Next time bibili na lang ako ng instant pansit bihon. Hehe! Bitter agad ang moret!

Pero sabi nga nila, sa kabila ng kabiguan ay may tagumpay. Pag may kalungkutan may kasayahan. Bigo man ang sinapit ng fansit ko sa mga bagets ko, may mga nilalang naman dito sa mundo ang lubos-lubos pa rin na nagpapasalamat. Kulang na lang na ipagbunyi nila ang sinapit ng pansit ko. At ang mga nagalak? Ang mga boarders ko – mga pusa namin!

Paglapit ko sa kanila na dala-dala ang bandehadong pansit…pansin ko, parang teary-eyed pa sila. Tears of joy bagah! Chos! Ayun! Tiba-tiba sila kagabi sa dami ng nilafang nilang fansit.

 

oOo

What hurts the most is when you were hurt by the person you know you’d never wanna hurt. -Rascal Flatts