Isa sa pinaka-ayaw ko talaga ay yung tumalak. Inglesin ko, I hate nagging! Pag inis o galit ako, mas pinipili kong tumahimik na lang kesa magdakdak kasi ayaw ko ng ingay. At siguro nga, para naman medyo maibsan ang asar na nararamdaman ko ngayon, mas mabuti pa siguro na dito na lang ako tatalak sa blog ko para walang ingay na marinig ang mga sangkot sa pagka badtrip ko. I really need to vent this out.
Naiinis kasi ako sa panganay ko!
Masarap na mahirap ang maging nanay o magulang. Masarap lalo na pag nakikita mo silang lumalaki. Mahirap dahil minsan may mga panahon na napipikon ako lalo na pag nababalewala at hindi nasusunod ang mga utos ko.
Nagmamadali akong umalis kaninang hapon para magpa-check up sa Ob-Gyne ko. Oppps! Hindi prenatal tsek-ap ang sadya ko dun. Just need to have may annual pap smear test.
Enways, naiwan dito sa bahay ang bagets kong lalaki at mga 3pm pa daw klase nya. Kabilin-bilinan ko sa kanya, iligpit ang sandamakmak na sinampay ko at baka umulan. Tsaka kako, paki-balik sa pwesto yung ginamit kong washing machine bago sya umalis ng bahay. Kelangan ko kasing magmadaling umalis ng bahay kanina.



Noong isang araw, Inabot na ako ng dilim sa kalalaba. Halos buong araw din akong naging labandera, alilang-alila ang dating.




