Why Parents Should Teach Their Kids Filipino

Salamat at nai-share ang link na ‘to ni Kengkay sa Facebook. Pak na pak, agree na agree ako sa author, Audrey Tan-Zubiri (wife of Miguel Zubiri).

Why parents should teach their kids Filipino

We are Filipinos living in the Philippines. Not being able to speak our mother tongue, or at the very least giving it the appreciation and respect it deserves, is like a slap on our country’s face. And sadly, not by someone who comes from distant shores but by someone who should be the first to love it.

Read the whole article: http://lifestyle.inquirer.net/16833/why-parents-should-teach-their-kids-filipino

Walang masama ang kausapin o turuan ng wikang English ang mga anak natin. Ang hindi maganda ay yung kinakalimutan yung pagtuturo o kausapin ang bata sa Filipino language para naman maging maalam.

May kilala akong mga parents, pinaparusahan ang mga anak pag sumasagot sa kanila ng hindi English. Pinapagalitan ang mga katulong o mga julalay pag kinakausap ang mga alaga nila ng Tagalog. Andun pa nga na hindi pinapayagan lumabas ang mga anak ng bahay kasi baka daw matuto ng Tagalog sa mga kalaro.

Totoo, nakakatuwang pakinggan ang mga bagets na fluent sa English at oo, may mga advantage din naman talaga pag marunong mag-ingles ang junanak. Kaso ang hindi ko talaga maintindihan ay yung paglimot o hindi pagturo ng fluent Tagalog at the same time.

Hmmmn…ano yun? Para mas sosyal ang arrive pag english-spokening ang bagets?

Eto pa, may mga trying-hard pa na mga parents. Minsan sa boarding house na tinutuluyan ko noon sa Sta. Ana, narinig ko kapitbahay namin nagtatalak sa anak nya na english-speaking daw

“I told yo nat to do dat, but yo do dat! Gago! #$%@*!!”

Hehe! Sabay mura.

Kapa-patawad pa siguro kung ang isa sa mga magulang (ang nanay o tatay) ay isang porener kaya hindi deretsong makapag-tagalog ang anak. Pero kung parehong PINOY din naman ang parents, tapos wa-knows mag-salita ng Tagalog ang bagets…ano ba gusto nilang palabasin nun? Di ko talaga ma-gets.

Tama ang author…isipin mo na lang kung may isang French woman sa Paris pero wit-knows magsalita ng French. May isang native citizen sa Spain pero tanga naman kung magsalita ng Spanish. So parang engot lang sila, katawa-tawa, di va? At halimbawa ang anak mong true-blooded Pinoy na andito sa Pinas, pero hindi naman marunong mag-tagalog. Mas kalurkey yun ng severe!

Parang ang sarap magtanong ng: “kinakahiya mo ba ang lengwahe natin na mga Pinoy at ayaw mo matutunan yun ng anak mo?”

Yung mga nasa abroad naman, kahit ano pa ang magiging citizenship ng Pinoy sa labas ng Pilipinas…hindi maitatago na lahing-Pinoy pa rin ang pinanggalingan. Kaya sana mag-eport man lang na matuto ng Tagalog ang mga anakis, di ba?

Kaya KUDOS sa mga magulang na ipinanganak at pinalaki ang mga anak sa abroad pero hindi kinakalimutan na turuan na mag-Tagalog. Bow na bow talaga ako.

At kung bisaya, ilokano, kapampangan, waray, o ilonggo ang pinanggalingan at naninirahan na sa abroad, abah! mas kahanga-hanga kung naituturo din yun sa mga anak.

Ah basta! I’m proud na kahit sa Samar ako ipinanganak, Tagalog kung kausapin kami ng parents namin noon. Kaya naman mataas grades ko sa Filipino subject namin. Sisiw kumbaga. Chos! Alam ko siempre paano magsalita ng Waray, Bisaya, at Maranao. At nakakaintindi din po ako ng Ilonggo dahil sa kapapakinig ng drama noon sa radio. 😀

Dito sa bahay…ang doggie lang namin na si Sang ang kinakausap namin ng English. 😀 Sit! Roll! Jump! Come! Ganun lang. Hehe!

 

 

oOo

“Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika …ay bulag, pipi at bingi.”

 

Paano Ba Maging Mabuting Ina?

Mga 5 years ago, naalala ko may lalaking nagtanong sa akin sa chatroom.

Mamaru, paano ko ba malalaman kung yung babae ay magiging mabuting ina in the future? Eh kasi inlab talaga ako at malay mo magkatuluyan kami ng gerlpren ko ngayon. 😀

Susme! Ako pa ang tinanong na isat kalahating lukaret pag kinakausap. Naalala ko, sinagot ko ang tanong nya ng walang kwentang tanong din na may kasamang pang-aasar. Tapatin mo ko,  ano ba talaga hanap mo? Gerlpren o Nanay? Bah! At asa ka pang pakakasalan ka ha!!

Wala akong matinong maisagot noon. Trulili lang, kahit na nanay na ako eh hindi ko pa rin alam kung paano ba talaga ang maging isang mabuting ina. Ang alam ko lang ay isa akong maganda, kahali-halina, kanasa-nasa  at katange-tangeng ina. Choos!

Tsaka mahirap sagutin ang ganung tanong dahil hindi naman ibig sabihin na kung ok kayo ng girlfriend na ka-relasyon mo ngayon, it will follow na magiging ok din syang asawa o ina in the future. Baka nga  sexy, matalino  at adventurous ang syota mo ngayon at magkasundong-magkasundo kayo. Kaso hindi naman yan lang ang kelangan na mga katangian para maging  mabuting ina.  Siempre kelangan hanapin mo rin yung mapagkalinga, maaasahan, praktikal, at mapagmahal na babae para maging nanay ng mga tsikiting mo.

Sa ngayon, meron na akong pwedeng i-share (lalo na sa mga single male readers ko) na mga palantandaan. Teka baliktarin ko, mga palatandaan o SIGN na baka HINDI maging mabuting ina ang syota mo in da future. Oist teka! Liliwanagin ko, pananaw ko lang to ha?   

HINDI magiging mabuting ina ang babae kung:

  • AYAW NG ANAK Kelangan pa bang i-memorize yan? Its no-brainer, eh ayaw ng anak, natural ayaw maging ina. Pag sinabi ng syota mo na ayaw nya ng anak, paniwalaan mo! Huwag mong pilitin at isipin na sige lang at baka lumabas yung maternal instinct nya pag kasal na kayo at nagka-baby na. Haleer! Hindi laging ganun yun, mga kuya! Pag allergic  sa bata o baby ang syota mo, aasa ka pa bang magiging mabuting ina sya?
  • GIMIKERA   Pag ang syota mo ay sosyalera, party animal, laman lagi ng mga bar, napapraning pag hindi nakakagimik pag weekend at nabo-bore pag nasa bahay lang – maalarma ka na! Walang masama sa pag-gimik. Pero ang matinong girlfriend dapat marunong makipag-kompromiso na kelangan rendahan nya ang  sarili sa nakakasanayang madalas at sobrang sosyalan. If your gf wont compromise sa ngayon pa lang, sa tingin mo ba makikipagkompromiso sya pag mag-asawa na kayo at may beybi na? Baka katakot-takot na away lang ang mangyari sa inyo.
  • MAKASARILI Sabi nga nila ( sabi ko na rin), ang isang mabuting magulang, uunahin at uunahin lagi ang kapakanan ng anak o pamilya sa anumang pagkakataon. Kung ang syota mo ay may ipinapakitang ugali na puro sarili lang nya ang inuuna at  inaatupag, spoiled brat at childish,  may chances na pag nagkatuluyan kayomagiging kaawa-awa lang ang anak ninyo. Susme! Pag self-centered si partner mo, baka pagselosan pa nya mismo ang sariling anak nya bilang kaagaw sa pagmamahal at atensyon mo.
  • MAY BISYO -  Kelangan ng mga lalaki ang nanay ng anak nila ay isang responsable. Pero paano magiging responsable ang isang ina kung may bisyong kinahuhumalingan? May mga babae talaga na tipong self-destructive. Yun bang kaskasera kung mag-drive ng sasakyan, sugarol, adik sa droga o kaya lasengga. Natural ayaw mo na kamulatan ng mga junakis mo ang ganung mga senaryo and worse, malamang maipasa pa nga sa kanila ang ganung masamang bisyo. Nakakatakot di ba?
  • WALANG PASENSYA Walang karapatan maging nanay ang babaeng walang pasensya. Sa mga readers na kapwa ko nanay, I am sure agree kayo sa akin na lahat ng mga bata ay KSP. Gusto nila yung atensyon at pagmamahal mo sa kanila ay constant. Most of the time, kids are unreasonable and they dont listen. Para maintindihan ka nila, kelangan paulit-ulit mo silang pagsasabihan. Josko! Andun pang mga sumpungin ang mga linsyak, di ba? Susubukan talaga nila kung hanggang saan ang pasensya mo sa kakulitan at pagiging pasaway nila.  Kaya kung ang babae ay walang pasensya, haysus! kalimutan mo na lang mag-anak.
  • BAYOLENTE Take note, mga pre. Eto na ang PINAKA! Pag ang syota mo ay nanakit tuwing may away kayo o kaya sabihin na natin na bayolente pag bad trip sya ay naku! hiwalayan mo na! Wag ka na mag anu-ano pa diyan, iwan mo na! Kasi ang ganyang arte ng syota mo, palatandaan na hindi pwede maging nanay ng mga anak mo. Tandaan mo, responsibilidad ng magulang  ang i-provide ng safe environment ang mga junakis nila habang lumalaki. Gugustuhin mo bang mai-expose sa pisikal at mental abuse ang mga anak mo mismo sa loob ng bahay nyo habang lumalaki?

Quote of the day:

Simply having children does not make mothers.  ~John A. Shedd

 

oOo