Tag Archive for pasko

Dahil Sa Praning Ako

 

Wala akong mai-chika na masaya tungkol sa naging Pasko ko noong Friday dahil isa na yata sa pinakamalungkot na Krismas sa buhay ko ang Pasko 2009. Akala ko yung mga naging Pasko ko sa Dubai 13 years ago ang pinakamalungkot kong Pasko…hindi pa pala.

Regrets

Three days before Xmas, hindi ko na makuhang ngumiti pa. Mula ng mabalitaan ko na naospital si Kups, ewan ko pero lagi na lang akong balisa. Hindi ko nakasanayan ang mag-alala sa totoo lang, kaya OA man pakinggan, nahirapan ako sa mga nangyari. Naging parusa sa akin ang paghihintay kung ano na ang mga update sa kanya.

Oo, nakaka-praning. At kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko dahil wala akong ibang mapagtanungan ng tungkol sa latest na condition nya. Now ko lang ulit na-experience ang mawala sa sarili, yung tipong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nung matagpuan ko ulit ang sarili ko eh nakatitig lang pala ako sa kawalan. LOL.

Read more

Excited Na Ako!

Pagkagising ko pa lang makulimlim na ang panahon. Parang nakakatamad bumangon kaso kelangan na ang magkilos-kilos para magluto ng almusal at may pasok ang mga bagets ko.

May darating ba na bagyo? Ang kulimlim kasi ng panahon, parang mas lalo lang nakaka-depress. Pinilit kong pasiglahin ang bodylicious kong nananamlay  kanina kaya nag grass cut na muna ako sa labas ng bahay (alangan naman sa loob ng bahay. helllo! ). Naks! Grass cut daw. Ang totoo ay nagbunot ako ng mga damo at iningles ko lang para medyo shushal naman sa pandinig. Gusto ko sana sabihin na nag lawn-mowing ako para americanized ang arrive kaso parang exajs na at ang OA.

Read more

Morning Thoughts

  • Lumilipad na sapatos ang bumulaga sa akin ng buksan ko ang TV kanina. Aliw! Napanood o nabasa nyo ba yung pagbato ng sapatos ng isang galit na galit na journalist kay President Bush during the press conference sa Iraq? At bilib ako kay Bush ha, ang galing umilag! At nagawa pang magbiro sa nakakagulat na pangyayari. Sabi nga nya, “It was a size 10.” Hahaha! Kelan kaya yan mangyayari kay GMA? Wish ko lang.   More of the story here
  • Hanggang wednesday na lang ang pasok ng mga bagets ko. At bago ang bakasyon nila ay mag i-exams muna sila kaya purnada na ang pang-xmas shopping sana namin kasi bayaran na naman ng tuition. Kaliwa’t kanan din ang hingi ng pang exchange gifts at pang Christmas party nila. Haysss… Nasan na ba mga tatay ng mga bagets ko? Huuuy! Tulungan nyo naman ako! Mga indot! 

Read more