Paano Na Kaya

Habang nanonood ng Philippine Dream Academy at habang papalapit ang Dream Night, parang nakakasiguro na ako na si Bugoy na ang mananalo. Imperness, ganda naman talaga ng voice nya kaya sya ang bet ko. Swak na swak sya sa puso ng masang Pilipino.  

Hindi lang yun, yung kinanta nyang song na composed by Ryan Cayabyab dun sa album na PDA Scholars Season 2 Sings Cayabyab … mukang mabebenta ng todo. Ay naku, eto ang magiging sure hit! Siempre at dahil proud to be JOLOGS aketch, like ko na rin ‘to.

Dedicated to sa mga taong na-inlababo sa friend nila. 

Listen to this…

Continue reading

Ba-bye Lobo, Hello PDA

  • Malapit na matapos ang sinubaybayan kong teleseryeng LOBO sa Channel 2. Malapit na rin matapos ang pamimintas ng isang tao diyan kesyo bakit pinagkakaabalahan ko panoorin si papa piolo at si mama angel tuwing prime time. Lols. Kasalanan ko bang maging jologs ako? Mababaw lang happiness ko. Lols ulit!
  • At eto ngayon kinahuhumalingan ko, ang Pinoy Dream Academy Season 2. Hindi ako nanonood neto nung season 1 nila. Mga chaka kasi. Pero dito sa batch ng season 2, pansin ko mas ok ang mga scholars nila ngayon. Last saturday, F na F ko ang pagkanta ni Liezel Garcia ng kantang Dance WIth My Father ni Luther Vandross. Galing!! Two-thumbs up! Dyahi man aminin, pero teary-eyed ako sa kanta na ‘to. Na-miss ko bigla si Tatay ko. 
  • [singlepic=221,,,,]Liezel Garcia

 Click to play
“…if I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love, love, love to dance with my father again…”  … Awwww! LSS agad ang lola!