28
Sep
Author: MARU // Category:
Inner-self
May TAG sa akin ang everdearest friendlalu kong si Christian aka Chico aka Bhe aka Isagani (nauna ko syang nakilala sa handle name na Doc Isagani).
Ang TAG: i-chuva ko raw lahat ang mga namesung chenes ko. Sabi ko, Ok sige, eto na, eto na, eto na!
Eto talaga ang orig na petname na binigay sa akin ng magulang ko sa akin. Baby, kasi ako ang bunso sa anak na babae tsaka kala talaga nila ako na ang last kaso medyo gigil pa tatay ko sa nanay ko noon at hindi pa sila nakuntento at nasundan pa ako ng isang menopausal baby boy.
Dalawang tao na lang ang nariringgan kong tumatawag sa akin ng BABY ngayon. Yung bayaw ko (tatay ng ka-berks kong si Tweet) at yung high school bespren kong si Faith. Nami-miss ko rin minsan ang pet name kong ‘to.
Screen name ko to sa showbisnis. Joke!
Read more…
13
Aug
Author: MARU // Category:
Inner-self,
Inner-thoughts
May nagtanong sa akin kung bakit daw PEACAT daw ang tawag sa akin ng pamilya ko at ng mga nakakakilala sa akin sa totoong buhay. Eh sagot ko pet name ko kaya yan. Ganda ba? Loko! Walang kaparehas yan. Yunik!
Ayaw ko sana i-reveal ang tunay na meaning ng palayaw ko kasi sa totoo lang parang nakakahiyang sabihin. Tsaka parang hindi nababagay ang meaning nya sa “konserbatibo” kong imahe at pananaw sa buhay.
Pero naisip ko na mas madali ang magsabi ng katotohanan kesa kasinungalingan. Tutal in-na-in naman ang pagpakatotoo kaya sasabihin ko na rin ang real meaning ng pet name ko.
Am sure alam to ng babaeng madalas mag-nosebleed, ang waray na si Malen.
Pinanganak kasi ako sa Samar at ang salitang “Pikat” (Pee-kat) is a waray term na ang ibig sabihin eh naughty o flirty.
Ewan ko ba, panganay na Ate ko ang nagbansag neto sa akin nung maliit pa ako kasi napaka-“pikat” ko raw. Mukhang nakitaan na yata talaga ako ng talent sa kalandian nung bata pa ako a. Lols!
Pinaganda na lang kunwari ang spelling ng pet name ko at ginawang PEACAT nga. Kyut ba?