Keri Nyo Kaya ‘to?

Aaminin ko, pag umiihi ako sa mga public toilet eh hindi ako umuupo sa toilet seat. Posisyon ko? Nakatuwad! Hihi! Bahala na kayo mag-imagine.

Hindi naman kasi lahat ng public toilet ay malinis. Kaya sa tinagal-tagal kong pagiging babae (meron kasi iba, bago at gawa-gawa lang ang pagiging babae) siempre nagawan ko na ng paraan kung paano umihi ng nakatuwad ng slight para hindi lang lumapat ang luminous at glow-in-the-dark kong wetpaks sa toilet seat. 😀

Mahirap sa umpisa ang ganung posisyon pero sanayan lang naman yan at nagagawan din ng teknik sa katagalan. Kaya wag nyo ko tanungin kung bakit sanay akong tumuwad. Wahaha!

Sa abroad, medyo matagal-tagal ko na rin nalaman ang chika na to na pwede na umihi ang mga girls sa public toilet na nakatayo!

public toilet for women

Paano? PEE-MATE.

Sa pamamagitan ng paggamit ng disposable PEE-MATE na to, pwede na raw magparaos (shet! paraos!) ang babae na nakatayo. Wee!

peemate

Pero hindi ko keri to. Pramis! Tingin ko mababasa lang ang mga hita ko sa imbensyon na to. Kakarampot eh.

Kung iihi ako ng nakatayo hindi ganito kaliit ang kailangan ko. Kelangan ko yung butas ay parang sisidlan ng LARGE french fries ng McDo ang chura! Haha!

Tsaka parang ang sagwa tingnan ng girls pag umiihi na nakatayo. Parang nakakabawas ng pagkababae.

public urinal for women

Kayo, mga kapwa kong may pechay, keri nyo ba to?  Wait! Dapat pala hindi Pee-mate tawag dito – dapat Pee-chay! Pang pechay naman kasi. 😛

P.S.

Hmmmnmay bahid ba ng kahalayan ang post kong to? Well, paalala po sa mga menor de edad kong mambabasa, patnubay ng magulang ay nararapat. Chos!

 

 

oOo

Lahat ng sama ng loob nya ay sa akin nya nilalabas… ano ako inidoro?