Amoy-Pandan

Isa sa pinakamasarap na Pandan Chicken na natikman ko sa buhay ay yung Pandan Chicken ng Peek and Berry of Iligan City – a pastry shop owned by my good friends, Albert and Girlie Chiu. Girlie is one of my bespren  since college days at sis ko rin sa Masonic family ko.

Noong nakaraang linggo lang habang kumakain kami ng ate kong si Millette ng malinamnam na Pandan Chicken ng Peek and Berry, eh sinamantala ko na rin ang humingi sa kaibigan ko ng mga Pandan leaves. Kaso ang sabi ay balikan ko na lang daw at magpapakuha pa sa driver nila. Kelangan ko talaga ng mga dahon ng Pandan kasi gusto kong itaboy ang mga kakrots sa mansion ko na sa tingin ko ay namumugad sa ilalim ng kitchen sink namin.

Palagi ko naman nililinis ang ilalim ng sink namin at nakaubos na nga kami ni Kevin ng isang lata ng Baygon spray para i-masaker o i-gas chamber sila pero paminsan-minsan ay may nakikita pa rin ako ng walanghiyang ipis na rumarampa sa pwesto ko sa kusina namin.

Nga pala, totoong mabisang cockroach repellent nga ang Pandan leaves. Napag-alaman ko yan mula kay bespren Google. 

Last week, tinext ako ni Girlie at pik-apin ko raw yung Pandan leaves na hinihingi ko. Na-excite naman ang Mamaru at GO agad sa tindahan nila.

Josko! Muntik na ako himatayin sa gulat na ganito pala kadami ang ibibigay sa akin! Haha!

Pandan Leaves

Imadyin, binitbit ko ang ganito kadaming dahon habang kumekembot sa daan. Tinginan tuloy ang madlang-pipol sa akin. Hehe! Feeling ko nagka-minus ganda points ako sa mga moment na yun. Disappear saglit ang poise ko. Chos!

Heniweys, buti na lang at ever-bitbit ko ang foldable reusable shopping bag ko. Kahit papano ay nagkasya naman lahat. Nakalabas ang mga dahon pero nakatago naman yung mga mga ugat-ugat sa puno. Kaya tuloy lang ang kembot ng Mamaru sa daan habang bitbit ang mga Pandan tralala na hiningi.

Pagdating dito sa bahay, agad ko naman agad sila itinanim para dumami at hindi na ako manghingi pa ulit. To my sis Girlie, thank you sooooooo much! Lab lab lab talaga kita.

boiled rice with pandan

Kaya naman since last week, may kasamang dahon na Pandan na ang sinaing namin. ‘Matay man, ang bango talaga, hindi lang ng kanin namin kundi buong kabahayan. Nakakagana nga kumain. Ang aroma ay humahalimuyak sa kusina hanggang kinabukasan. Wa joke! A healthier natural air freshener indeed.

pandan rice

PANDAN RICE

Sana nga ay lumago pa ang mga tanim kong Pandan.

Someday, kung sakaling malapitan nyo ko sa personal, sana ay wag na kayo magtaka kung pati ako ay amoy-pandan na rin. Hmmmn….pwede kaya gawin cologne ‘to? Lol!

 

 

oOo

Sunday Words