Pizza From Canada

Second day na ng trangkaso ko ngayon. Full-blown na trangkaso, mga ateng! 🙁

Wala akong gana kumain dahil wala akong panlasa pero kahapon may nagpahatid ng lafang  kay Mamaru dito sa tinutuluyan ko sa Mandaluyong at siempre hindi ko itu pinalagpas.

O ha! Labs na labs ako netong friend ko at ayaw akong matigok na lang basta sa gutom. Since hindi ako makalabas ng bahay, eh ipinag-order ako ng lafang thru internet. And take note inorder pa ‘tong pizza and spaghetti all the way from Toronto, Canada. Ang tarush di ba?

My long time canadian friend Ronnie Jimenea ordered this pizza via online. Gulat ako. Pwede na pala mag order ng pagkain ang mga taga abroad tapos ipa-deliver dito sa Pilipins in an hour.

DSCF4510

Well, dapat in an hour ay delivered na ang pizza. Kaso medyo naligaw daw yung delivery man (gasgas na alibi) kaya halos 2 hours din ang inabot bago nailapag sa mesa namin ‘tong pizza.

Nways, Ronnie dear…if you’re reading my blog, thank you so much! This is sweet, really! Sa susunod ulit ha? Hehehe! Kafal!