-
Si Richard Gomez lang ang tanging celebrity na naka-seks ko sa panaginip ko. Binata pa sya noon nung maganap ang kahalayan naming dalawa sa panaginip ko kaya wala akong dapat ihingi ng tawad kay Lucy Torres. Pasensya ka na lang, girl…pero mas nauna akong nakatikim sa mister mo kesa sa yo.
-
Pag bumibili ng totbras, green pa rin ang pinipili kong kulay hanggang ngayon.
-
Net-a-holic ako since 2003.
-
Kahit magkapera ako, mas gusto ko pa rin mamili ng damit sa ukay-ukay.
-
Takot pa rin akong manood ng horror movies. Ayoko rin ng mga kwentong nakakatakot.
-
Hindi ako masyado mahilig sa karaoke. Sumasabay din ako paminsan-minsan pero hate ko ang kumanta na may hawak na mikropono.
-
Hindi ako marunong sumayaw.
-
Madali mag init ulo ko sa mga taong mayayabang at arogante.
-
Naiilang ako makipag-usap sa taong-englisero.
-
Mas takot at nandidiri ako sa daga kesa ipis.
-
Mas nakakatulog ako ng maayos pag may suot akong eyemask, gabi man o araw.
-
Kapag sobrang tensyonado na ako, nagpapatawa na lang ako para kunyari hindi nenerbyos.
-
Mas madalas, hindi ako nagse-celebrate ng berdey ko.
-
Takot ako magsalita sa harap ng maraming tao o publiko. Hihimatayin ako pag pinilit.
-
Mas marunong ako magsulat kesa magsalita ng english.
-
Last na election na bumoto ako – Snap Election pa yun, Marcos vs.Cory.
-
Sobrang nami-miss ko na ang magkakambal kong ATE na parehong nasa heaven na.
-
Kung may gusto akong i-magic sa mukha ko na mawala – yung undereye dark circles ko.
-
Ultimate dream ko pa rin ang maging homemaker slash housewife slash wife.
-
Gusto ko sumakay ng helicopter kahit once lang.
-
Napuntahan ko na ang dream city ko ang – Paris, France. Pero hindi ako pwede mamatay na hindi nakakapunta ng New York City o Japan.
-
Mas marami akong panty na kulay itim at pula kesa ibang kulay.
-
Minsan pa lang ako nakapagpa full make-up ng face sa bading sa buong buhay ko.
-
Sa awa ni Lord, dalawang beses pa lang ako na-admit sa ospital – when I delivered my babies.
-
Turn-off ako sa lalaking mahilig sa baril, mahahaba ang nails at kuntodo kung magsuot ng alahas sa katawan.