Selfie With Will

Taken this morning.

Eto yung furkid na taga-gising ko tuwing umaga.

As early as 4am, magsisimula na sya sa pagkahol na para bang sinisigawan ako ng “Hoy madir! Gising na! Rampa na tayo!”.

Talo pa neto ang alarm clock ng selpon ko. Araw-araw yan. Walang paltos. Minsan sobrang aga talaga kung manggising at pag ayaw ko pang bumangon o hindi pa oras ng paglabas namin, isang sutsot ko lang ay tatahimik na yan. Bait. 🐕

Warat

Parang bata kung umasta ang lekat.

DSC05668   

Pag kulang sa pansin at gusto magpapapansin. . .

DSC05661

Aba eh kelangan wag na magpatumpik-tumpik at pagbigyan na agad ng kaukulang pansin!

DSC05662

Dahil pag hindi, ilang segundo lang ay siguradong may mawa-WARAT.

DSC05660

Litsi! Isang laylayan na naman ng damit ko ang WARAT!

 

 

oOo

If a dog will not come to you after having looked you in the face, you should go home and examine your conscience.

Pagmamahal Na Walang Kundisyon

Kremo and I

Kremo and I

(Lumang kodak namin ng alaga ko. Year 2009.)

Gusto ko na ulit mag-alaga ng puppy. Nami-miss ko na ang kagaya ng Kremo ko, a japanese spitz. Shaks! Hindi ko akalain na mangungulila ako ng husto sa dati kong alaga noon. Ewan ko ba, meron talaga silang kakaibang klase ng pagmamahal na ibinibigay na hinding-hindi ko naramdaman sa mga kapwa kong demi-god. Charing!

Sa buhay natin, there are few people, if any, who truly love us unconditionally. Mahal tayo in spite of all our faults, all our failures, all our weaknesses, and with no strings attached. Jackpot talagang maituturing pag meron taong ganyan sa atin. Well, ganyan na ganyan ang pagmamahal ng aso. (Ganyan din kaya ang mga isinilang sa Year of the Dog? Chooos! Parinig! Lol!)

A dog loves you unconditionally. You can neglect him, and he loves you, turn your back on him, and he loves you, abuse him with words, or even physically; still mahal ka pa rin nya. Kahit dinededma mo na sya, pero lalapit pa rin sha at ishe-shembot pa rin nya ang buntot nya. Ibang klase talaga!

Maituturing na para syang si Lord. Hindi ko sinasabi na with matching shembot din si Lord ng buntot nya ha. Pero yung response nya is very similar. We turn our backs on Him, pero si Lord, nungka! We neglect His Word yet the Lord remains faithful. Walang duda, He is the same yesterday …today and forever. (Nasa Hebrews yan mga ning!)

A basta! Nami-miss ko ang aso ko. 🙁

Gusto mong matuto sa sinasabing pagmamahal na walang kundisyon? Subukan mo mag-alaga at magmahal ng aso.

Kung hindi ka pa nakapag-alaga ng aso sa buong buhay mo, malamang 100% nakanganga ka lang ngayon na nagbabasa neto at hindi maka-relate. Ahihi!

Have a nice ASH Wednesday, mortals!

2-5-2011 3-00-47 

oOo

A dog will teach you unconditional love. If you can have that in your life, things won’t be too bad.- Robert Wagner

Ang Salarin

Ganda ng gising ko kaninang umaga. Maganda ang panahon. Duda ko, nauna pa yata ako nagising kesa kay Papa Jesas sa sobrang aga. Hehehe! Mga 4am ako dumilat kanina at ang unang sinilip ko bago nagbanyo ay ang katabi kong netbook tsinek ko kung tapos na ang torrent download ko ng movie na Hes Just Not That Into You. Hmmmn, tapos na. Yey! May panonoorin na naman ako mamaya.

Mas lalong pinaganda ang morning ko ng almusal kong to:

Daing Na Bangus

Daing na bangus, pritong talong at kamatis.

Wala sa kodak ang kaning-lamig na sinangag with sandamakmak na bawang.

Ayos na ayos na sana ang umaga ko nang biglang namataan ko ang almost 2-years old kong pink flip-flop.

Continue reading

Si Bunso

Nabanggit ko last week lang, I am going to have a new baby.

Here he is!

Dyarannnnnnn!

DSCF0529

Still got no name for him. Any suggestion?

Natatawa mga anak ko sa naisip kong name ng bagong member ng family namin. Ang baduy daw!

Baduy nga ba ang Jun-Jun? Bwahaha! O di ba, pinoy na pinoy! Pero ayaw ng mga bagets ko. Hehehe!

Continue reading