Mag Alaga Ay Di Biro

Dioskopo! Sobrang nabugbog ako sa gastos ngayon.  Akala ko magbubuhay-petiks na lang ako dahil tapos na sa pag aaral ang dalawa kong anak at may kanya-kanya ng mga trabaho. Hindi pa pala. Nakalimutan ko may 6 pa akong binubuhay na aso. Nope, hindi naman sa nagde-demand ang mga alaga ko na pag aralin ko sila. Heh!  

The other week may fever si Will, isa sa apat kong male dogs.


First time na may nagka-fever sa mga alaga ko at siempre worried ako kasi hindi kumakain at nanghihina. Nai-stress ako kaya takbo kami agad sa vet. Buti na lang wala masyadong complication ang lagay nya pero dumaan pa rin sya sa mga lab test. Buti na lang at nakabawi agad ang mokong, gumaling at okay na ngayon. Check up lang at test pwera gamot, siningil ako ng vet ng P750.00.

After 5 days,  si Sang-sang naman ang nagpakita ng inactivity.

Ayaw kumain at laging nakahiga at nanghihina. Takbo na naman sa vet. Lab test ulit at kelangan i-ultrasound kasi may duda ang vet na baka may Pyometra (infection in the uterus). Positive. May early sign of Pyometra si Sang. Total bill: P1,200.00

   

Lethal ang Pyometra sa mga female dog pag hindi naagapan ang paggamot. At ang tanging solution? Surgery. Spaying.

Miyembro na ng pamilya ko ang mga aso ko. Sila na lang ang mga kasama ko ngayon at kung magagawan ng paraan…ayokong may masamang mangyari sa kanila.

Nag decide ako agad na ipa-opera si Sang.  Believe me, I prayed hard na maging maayos ang operation nya. This time, inabot ng P9,700+ ang bill ko. Pero kebs. Anak na ang turing ko sa mga alaga ko.

Ngayon ay nasa bahay na ang operada at nagpapagaling.

But wait, there’s more! Di pa matatapos ang gastusin ko kasi bukod na kelangan kong ipa-distemper shot ang mga alaga ko sa susunod na mga araw, plano ko rin ipa-spay ang isa kong girl at ipa-neuter naman yung 4 na lalaki.

Malaki ang naitutulong sa akin ng mga alaga ko bukod sa mga naibibigay nilang kasiyahan sa akin. Pero ang mag-maintain ng mga alaga ay di biro. Seryoso ako.

Waaaah! Kaya wag kayo magugulat kung mabalitaan nyong nagtutulak na pala ako ng droga para may panggastos ako sa mga aso ko. Charot!

Welcome Home, Bunso!

music note While writing this, I was listening to “I’m Yours” by Jason Mraz

Chikahan namin sa YM ng 13-year old doter kong si Keziah nung nag-sleepover sya sa mga pinsan nya last week:

keziah : ma, bakit ngayon ka lang nag online?
M A R U : naka off YM ko
M A R U : y?

keziah : aw
M A R U : na miss mo ko?
keziah : ganun?
M A R U : hehehe
M A R U : bakit po, maam?

keziah : ma, hatid na raw ba yung tuta sa Wednesday?
M A R U : dadalhin mo?
M A R U : sige
M A R U : malaki na?

keziah : di ko pa nakikita. Andun sa likod ng bahay, eh madilim.
Keziah : junjun ba talaga name nun, ma?

M A R U : ok sige
M A R U : ano pala gusto mo?
M A R U : ikaw na lang pumili

keziah : walang napili c kuya?
M A R U : wala naman
M A R U : ikaw na lang

Keziah : ikaw pala?
M A R U : gusto ko, junjun!
keziah : ganun? junior?
keziah : wala na bang iba? Yung medyo sosyalin naman, para ayus.

M A R U : kaya nga ikaw na lang pumili
keziah : nah.
M A R U : sadat na lang
Keziah : sino yun?
M A R U : anwar sadat
M A R U : hehehe
M A R U : president nung una sa egypt
M A R U : mag isip ka na lang ulit

keziah :
M A R U : kremo gusto mo?
keziah : cream?
M A R U : total, cream naman color nya
M A R U : Kremo

keziah : dirty white.
M A R U : cream or dirty white…halos pareho lang yan
M A R U : krem
M A R U : Kremo or Krem
M A R U : para…kevin, keziah, kremo
M A R U : hahaha
M A R U : puro letter k

keziah :

Ayan, finally may pangalan na rin si BUNSO ko si KREMO. hehehe!

Last week din, may nai-bluetooth sa akin na pic ang pamangkin kong si Tweetums pic ni Kremo na bagong ligo kasama ang 2 kapatid nya.

Image030

Hindi ko alam kung saan diyan si Kremo kasi magkapareho sila ng tsura ng isa nyang kapatid. Pero duda ko siya yung nasa kanan. Paano ako nakakasiguro? Ewan ko. Siguro dahil sa lukso ng dugo! Wahaha!

As of this writing, andito na sa pamamahay namin ang bunso ko at nag umpisa na ako kaninang umaga maglinis ng wiwi at popo nya. Waaaaa!

* * * *

Quote of the Day:
One reason a dog can be such a comfort when you’re feeling blue is that he doesn’t try to find out why. ~Author Unknown

Easter

binyagang-hayop1.JPG

May binyagan na naganap ng mga pets netong nakaraang linggo lang sa Cavite City at napanood ko sa Channel 2. Ang dami nakapila kahit umuulan. Hindi alintana ng mga pet owners ang panahon at matiyaga silang pumila kasama mga mahal nilang alaga. May aso, pusa , ahas, pagong, isda, butiki, iguana, atbp. Naisip ko tuloy si sweetie pie, Easter.

Kung malapit lang ako sa Cavite eh dinala ko na sana sya dun para naman maging isa na syang ganap na kristiyano. Para sa susunod eh yung first communion ng mga alagang pets naman ang aabangan ko. 😆

easter.jpg

Easter