Nominado

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts, Moo

May nakuha akong email kanina galing sa The 2008 Philippine Blog Awards informing me that nominated for Best Blog under personal category ang Maruism ko. 

Pamilyar na sa akin ang PBA. Kumbaga, kung may Famas Awards sa showbiz, may Philippine Blog Awards naman ang Philippine blogosphere. Napaka-successful ng Awards Night nila last year kung saan nanalo yung dalawang blog na dinadalaw ko lagi. (Dessert Comes First at Wifely Steps) Magagaling talaga ‘tong dalawang ‘to. Mga professional bloggers na kaya hindi nakakapagtaka na nanalo sila sa mga kategorya nila.

Kaya naman gulat-gulatan din si Mamaru kanina sa nakuhang email. Pucha! Para akong nanliliit sa hiya. 

Imagine, may nag-nominate sa akin? Wala akong naaalala na sinuhulan lately a!

Hmmmmn…sino kaya sa 5 mambababasa ko ang nagsali sa akin?

Siempre hapi na rin ako hindi dahil sa gusto ko sumali diyan. Para lang kasi yan sa mga magagaling at para gumaling din ako tulad nila…sako-sakong bigas pa ang kakainin ko para makahilera ko ang ibang nominado dun.

Pero sa totoo lang, kinilig ako. May tao din pala na naniniwala sa akin at pinag-aksayahan pa ako ng panahon para mag fill-up ng nomination form online ng PBA at swerte rin dahil pumasa ako sa eligibility.

Hindi ko alam kung kanino ko isi-share ang kilig ko kanina. Eh siempre, hinanap at kinalabit ko na rin ang closest friend kong si Moo.

Eto ang makabuluhang mga hirit namin sa isa’t isa:

O di ba? Punong-puno siya ng reaction sa ibinalita ko. Napaka-ideal na kaibigan! Obviously, wala akong maaasahan na kahit tapik sa kurimaw na ‘to. Hays… nanggagalaiti lang ako.

Enways, kung sino man ang nag-abala na i-nominate ako - MARAMING SALAMAT sa yo. 

Sabi nga dun sa email, kelangan mag-submit daw ako ng limang blog entry na angkop dun sa kategorya ko. Josko, eh mga SMS jokes lang naman ang halos na mga pino-post ko dito. Pwede kaya yun? Hehehe! Iniisip ko, dedmahin ko na lang kaya ‘to…tutal di naman ako mananalo sa mga ganito. ASA PA ‘KO!  

On sekantot, ayaw ko rin naman biguin ang taong nag-aksaya ng time para i-nominate ako. This is not about winning. Yung effort at paniniwala nya sya sa akin - yun ang iniisip ko eh. Kaya, wala naman siguro masama kung iko-confirm ko yung “i am accepting the nomination” chuva dun sa blog post submission form.

So naghalungkat ako ng baul ko kanina para pumili ng pwede i-submit na 5 blog post. Na-realize ko, madugo ‘to! Ang hirap pumili kasi puro mga walang wenta pala ang karamihang post ko! Puro mga ka-abnormalan at kalandian naman yung iba. Haha!

Pagkatapos ng kalahating oras, may nahugot din ako na isa-submit. Napili ko ‘tong mga sumusunod kasi akong-ako ‘to. Naisulat ko ‘to nung panahon na lungkot-lungkotan ako, galit/hayblad/nasaktan, at iba pang kadaramahan sa buhay ko.

  1. Buhos Pa Ulan
  2. Wrath Of A Woman Scorned
  3. Paglaki Ko Gusto Ko Maging…
  4. This Too Shall Pass
  5. 5 “Craziest Me” In My Life
Inuulit ko, ASA PA ‘KO! Maraming Goodluck na lang sa akin.
Bookmark and Share