Bilang PINAY, obligasyon ko ang suportahan ang gobyerno sa anumang project na pino-promote nila lalo na kung para sa ika-gaGANDA at ika-uUNLAD para kay Inang-Bayan. Naks!
Gusto kong makatulong sa paraan na alam ko. Magiging walang kwenta ang blogsite ko na ‘to kung hindi bibigyan ng MARUISM ng space at bandwidth ang Department of Tourism para sa latest campaign nila.
Wa ako pakels kung maganda o kinopya man ang tourism slogan ng DOT. Kung jologs man o sushal. Kebs ko sa mga may ayaw. Ang sabi kasi ng iba, di nila feel ang “It’s More Fun In The Philippines” na slogan. Josko! Ang hirap nyo naman i-please. Ang choosy nyo! Eh kesyo parang nang i-engganyo lang daw ang slogan ng sex trade sa bansa. Blah! Blah! Blah!
Ganun? Pucha naman! Natural hindi rin maiiwasan yan. Haleer! Aminin na natin, bukod sa magaganda ang mga Pinay, eh masasarap pa!
Kasalanan ba natin yun? Ang maging yummy? Aktwali hindi lang ang mga Pinay, pati ang mga beki natin, ang gaganda din ha! Kaya nga ang saya-saya! Haha!
Hays, mamamatay silang mga NEGA! Bakit ba kasi kinu-complicate pa nila ang buhay at ang mga bagay-bagay na ginagawa ng gobyerno. Tumulong na lang kasi!
Ang da truth is, ang mga tao, ang mga Pinoy, at hindi ang mga lugar ang pangunahing atraksyon ng Pilipinas.
Heniweys, sa ganitong paraan ko lang maipapakita ang suporta ko. Ang ire-post ‘to.
(Opps! Nga pala, nenok ko lang ang pictures na ‘to. Eto ang SOURCE ko. Hangarin din ng owner ang makatulong sa kampanya ng DOT sa pamamagitan ng pagsi-share.)
Ati-Atihan Festival, Kalibo, Aklan
Pahiyas Festival, Lucban, Quezon Province
Pahiyas Festival, Lucban, Quezon Province
Siargao Island, Surigao del Norte
Whale Shark Tours, Donsol, Sorsogon
Whitewater Rafting, Cagayan de Oro City
The Big Lagoon, El Nido, Palawan
Share nyo ‘to, mga kapatid. Ikampanya natin.
oOo
“"FUN" is a fusion of place and people. A place is not fun if there is no fun people in it.”
oOo
"Men love their country not because it is great but because it is their own."





