KAKANIN: Pichi-Pichi

Nakausap ko ang friend kong nasa Zurich, Switzerland noong Sunday at nagpaturo sa akin kung paano daw ang pag-bake ng cassava cake na hindi nasusunog ang toppings.

Bah! Gulat naman ako sa kanya. Ibig sabihin ba may kamoteng-kahoy sa Switzerland?!

Oo daw. Meron daw. Kaso ginto ang presyo. Sabi nya ang yung DALAWANG piraso ng kamoteng-kahoy eh parang mga P350.00 daw ang presyo dun! Santisima! Ginto nga!

Sakto naman nang biglang may naglako ng kamoteng –kahoy dito sa may labas namin.

At ang presyo?

P10.00 per kilo.  (Taray!)

Anong sinabi ng presyo nila dun sa Europa sa presyo ng kamoteng-kahoy dito sa Pinas! Hahaha!

Haynaku, basta! Ay lab Pilipayns pa rin.

kamoteng kahoy

Enweys, pinakyaw ko na. Binili ko apat na kilo lahat sa halagang P40.00. (Yaman!)

Kaya eto gumawa na agad ang Mamaru ng PITCHI-PICHI!

Xperia photos2

Ako na mismo ang nag-grate. (Sensya na, nakalimutan ko kung ano ang tagalog ng GRATE. Alam nyo ba? Share nyo nga sa akin. Tnx.)

grated cassava 

Sa lahat na yata ng kakanin….isa ang Pichi-Pichi sa pinakamadaling gawin.

Simple lang din ang mga sangkap.

Xperia photos9 Xperia photos7

Nilagyan ko food color ang Pichi-Pichi ko, pero OPTIONAL ‘to.

Xperia photos8

Pwedeng gumamit ng mga cuchinta molder sa pag-steam ng Pichi-Pichi pero mas pinili ko ang ganito….ang ilagay ang mixture sa dalawang baking pan.

Xperia photos6

Originally, sa grated coconut pinagugulong ang Pichi-Pichi.

Pero kahit pagkain ngayon eh nag i-evolve na rin.

Sa ngayon ang nauuso ay sa KESO or CHEESE na sya pinagugulong. Lol!  

Xperia photos1-001

Pichi-Pichi Recipe
Ingredients

  • 2 cups cassava, grated
  • 1 cup white sugar
  • 2 cups water
  • 1 cup grated coconut or cheese
  • 1/2 tsp lye water (lihia)
  • 1/2 tsp buko-pandan essence

Cooking Directions:

  1. Mix all the ingredients together, except the grated coconut.
  2. Add 1/2 tsp of pandan flavor into 2 cups of water
  3. Stir until well blended and no lumps remain.
  4. Pour into 2 pcs pans, put a drops of food coloring (optional)
  5. Steam for 45 minutes or until firm.
  6. Cool and scoop using a spoon.
  7. Roll each piece in grated coconut or cheese.

 

oOo

“Minsan kailangan mong manahimik para malaman nilang nasasaktan ka.”