Kulot-Kulutan

Noong kapanahunan ko bilang teenager (dekada nobenta po. charot!), ni minsan hindi ko naalalang gumamit ako ng rollers sa buhok ko. Susme! ni magsuklay nga ng buhok ko noon ay tamad ako, eh magsabit pa kaya ng mga bagay na parang mga battery sa hairlalu ko?

Pero ‘tong anakis ko ngayon, si Ziah, bilib ako ha – ang tiyaga at ang sipag! Antotink, fifteen…kinse anyos lang ang edad nya! Josko! Ano pa kaya pag nasa 20’s na siya?

Hindi naman ako ganyan mag-inarte noon, so kanino siya nagmana? Anak ko nga ba siya, Lord? Chos!

Babaeng-babae nga ‘tong bagets ko dahil sa ngalan ng kaartehan eh magtitiis yan na matutulog na naka-rollers ang ulo. Ewan ko kung nakakatulog sya ng maayos na may ganyan ang ulo nya. Usong-uso na naman kasi ngayon ang kulot-kulutan na buhok di ba?

Ziah In Pink Rollers

Ayan! Hindi nya alam eh kinodakan ko sha kagabi habang namamangha sya sa nangyayaring APPARITION sa harap nya. Hehe! Joke lang, nanonood po sya ng Gandang Gabi Vice sa TV dito.

 

oOo

“I smile because you’re my DAUGHTER. I laugh because there is nothing you can do about it.”