Bagong Itsura, Bagong Pintura

Mga 3 weeks na siguro ang nakakalipas mula ng magkaroon ng konting pagbabago sa bahay dito sa pinagkukutaan ko.

Sa wakas ay nalagyan na ng ceiling ang front porch (front porch daw o!) ang balur ko.

Hindi siguro kayo maniwala na for 13 years, walang ceiling ang labas ng bahay namin. Opo, trulili. Walang kisame sa labas kaya ang chaka talaga tingnan.

Heniweys, OKS lang yun kasi di ba may kasabihan tayo na kumbaga sa tao, hindi naman importante ang panlabas na anyo kundi ang kalooban. (At nag-esplika talaga ha!) Maayos naman ang loob ng hauslalu namin kaya la ako pakels kung fangit ang sa may labas namin.

Well, naging ganun talaga ang sitwasyon ng bahay namin sa loob ng 13 years.

DSC05332

Pero hindi ang tungkol sa pagpapalagay ng KISAME ang pinaka-kwento ko. Siempre, pagkatapos nagpalagay ng kisame, kelangan maisunod ang pagpapapintura ng wall!

Dahil isa lang akong poorita na single mom at hindi ako nakapag-imprenta ng maraming pekeng SALAPI lately, eh kelangan akuin ko na mismo ang pagpipintura ng dingding. Wala na kasi akong budget para pang-hire sa magpipintura. :(

DSC05404

Gamit ang mesa na yan na nasa picture bilang tuntungan ko, nagawa kong tapusin lahat ng trabaho na dapat ginagawa ng isang lalaki!

Hays…kaya nga, mas lalo lang tuloy naging matibay ang paniniwala kong hindi ko na talaga kelangan ang lalaki sa buhay ko! Istir lang uy! Labs ko ang mga lalaki noh!

Nakakapagod ang naging trabaho ko sa mga nakaraang linggo, kaya isang container ng drinking water (nasa ibabaw ng mesa sa piktyur) din ang nalaklak ko habang nagpipintura noon. Joke!

DSC05405

O ha! ASTIG di ba?

Siempre alam ko ang gagawin kong pagpipintura. Una kong inaplay na pintura ay yung PRIMER. Gulat nga mga nebors ko pag napapadaan at nakikita akong naka-tungtong sa mesa at namimintura. Siempre andun yung mga pabirong kantiyaw nila. Sigawan nga eh.

Pero sus ako fah! Pabirong sumisigaw din ako ng pabalik noh! ‘Kako, Uyyyy! Kung may ipapapintura kayo diyan, dyas kontak me, mga palangga! Mura lang ang per day ko. :D

DSC05670

Magkaiba ang final coat na ginamit ko sa wall at sa beam. Ivory Cream ang wall at Mocha sa beam. Sori naman kung hindi captured ng selpon camera ko ang tunay na kulay. Basta yan na yan!

Ang masasabi ko lang? Taena, I’m sooooooo PROUD of myself as a single mom! Lol! Yakang-yaka ko pala.

Kahit nagkakalyo ang mga palad ko sa kahahawak ng paint roller at brush, kahit nanlilimahid ako sa magkahalong pawis at pintura, feeling ko maganda pa rin ako sa kadulo-duluhan. :P(feeling ko lang naman yun)

Howel, esep-esep ko, kung kaya ko nga gumawa ng dalawang bata, pag-pipintura pa kaya? Panis!!

oOo

“Life is wonderful, somebody being around is not a requirement.”