Tenkyow Miami!

Dahil panalo ang Miami Heat sa NBA Finals kanina, sa wakas mabebentahan ako ng polvoron ko ng di oras. Ang saya! Lol!

LaFemmePolvoron-002

LaFemmePolvoron

LaFemmePolvoron-003

Click images below for larger view.

 

oOo

“Love all that you can, give all that you have, smile away your days, and dream away your nights.”

Na-Miss Ko ‘To

Na-miss ko ang gumawa neto. Mahal na mahal ko ang produktong to kasi eto ang bumuhay sa amin na mag-nanay noon. Dito sa Homemade Polvoron ko nairaos at napag-aral ang mga anakis ko mula noong elementary.

Siempre dumating din ang panahon na napagod ako at tumigil.

Lately eh may umorder sa akin na friendlalu ko ng Polvoron at Golden Macaroons. Hindi ko naman mahindian na gawan kasi dadalhin daw nya pabalik ng abroad. 😀

Heniweys, ibat ibang flavor ng polvoron ang ginagawa ko pero eto ang gusto ni prendship ko. Polvoron with chocolate chips!

polvoron1

Sa paggawa ng polvoron, halos pare-pareho lang naman ang paraan at measurement ng ingredients. Flour, sugar, powdered milk and shortening lang ang main ingredients.

polvoron5

Ang masasabi ko lang, napapaiba lang ang sarap ng polvoron depende lang talaga sa ginamit na klase at brand ng powdered milk.

I use Dairy Bake brand ng powdered buttermilk. At tsaka dapat maayos ang pagto-toast ng flour. Dapat ingatan na wag masunog habang tino-toast para hindi mapait at siguraduhin na hindi hilaw ang flour para hindi magpororot ang kakain.:D

polvoron2

Iba ang shape ng moulder at packaging ng polvoron ko NOON. Bilog ang moulder at mas malalaki ang sizes. Ngayon, iniba ko na at niliitan ang size.

polvoron3

At ibang klase rin ang wrapper ko noon, glassine paper ang gamit ko. Dis taym water cellophane na ang prefer ko. 

polvoron4

Masarap ang polvoron i-stock sa ref dahil habang tumatagal mas lalong sumasarap. Sarap balik-balikan. Matagal ang shelf life, mga 3 months basta nasa ref lang.

polvoron1-001

Dati, I sell this in 12s (in a box) kasi malalaki siya. Now, I sell this in 50s. (50 pieces in a pack). At sa murang halaga lang ang pricing ko.

Polvoron

Oorder din ba kayo? 😛

 

oOo

Wag mong pagpilitan ang taong ayaw sa yo. Pag yan pumayag at napilitan, ikaw din ang masasaktan.

LaFemme PoLvOrOn

bilang isang singol na nanay na walang tinatanggap na pinansyal na suporta galing sa mga “chromosome donors” ko, di pwedeng hindi ako mag isip ng raket para sa ikabubuhay namin ng mga anak ko. for almost 5 years since i quit from my job as an employee … ang paggawa na ng flavored-polvoron ang pinagkakakitaan ko. hehehe! ngayon ko lang naisip, almost 5-years na pala tong polvoron ko. hmmmn… pero bakit kaya isang kahig isang tuka pa rin kami? (esep-esep)… at bakit kaya di man lang ako nakabili ng lalaki? hmp! hahaha! minsan kasi parang palitaw tong polvoron ko eh — lulubog, lilitaw. bah! hirap din mag negosyo noh. so, dun sa mga nagtatanong kung ano raket ko at nakaka-afford pa ako bumili ng prepaid internet cards ko para pang chat at pang blog ko eh eto po yung sagot.

i make almost a dozen assorted flavors of polvoron: cookies n’ cream, cheese, pineapple, pandan, ube, graham, cashew, choco-chips, peanut, rice crispy and strawberry.


LaFemme ang label ng polvoron ko.