The man of my life, at itatago na lang natin sya sa pangalan na KUPS ay mahilig magluto. At hindi lang sya mukhang mahilig … he sounds MAGALING din – MAGLUTO!
Just recently in one of our chit-chats, KUPS shared to me a secret tip kung paano pasasarapin ang mga sinigang na lutuin. Siempre hindi ko isi-share sa inyo kung ano yun, eh kasi secret nga. Bleh! 
Shaks! Nasa kamatis at sibuyas lang pala yun! (Hehe! sinabi din!)
Sinubukan ko ngayon at nagsigang ako ng karneng baboy for our dinner.
Susme!! TRULILI itu mga, ateng! At hindi itu EKLAVU lang. Mas lalong sumarap ang sinigang na baboy ko!
![]()
Ang swerte ko talaga sa KUPS ko. Mas lalo lang ako nai-inlab. Hays…
* * * * *




