Wala akong mai-chika na masaya tungkol sa naging Pasko ko noong Friday dahil isa na yata sa pinakamalungkot na Krismas sa buhay ko ang Pasko 2009. Akala ko yung mga naging Pasko ko sa Dubai 13 years ago ang pinakamalungkot kong Pasko…hindi pa pala.
Three days before Xmas, hindi ko na makuhang ngumiti pa. Mula ng mabalitaan ko na naospital si Kups, ewan ko pero lagi na lang akong balisa. Hindi ko nakasanayan ang mag-alala sa totoo lang, kaya OA man pakinggan, nahirapan ako sa mga nangyari. Naging parusa sa akin ang paghihintay kung ano na ang mga update sa kanya.
Oo, nakaka-praning. At kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko dahil wala akong ibang mapagtanungan ng tungkol sa latest na condition nya. Now ko lang ulit na-experience ang mawala sa sarili, yung tipong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nung matagpuan ko ulit ang sarili ko eh nakatitig lang pala ako sa kawalan. LOL.




