Praybeyt Benjamin Fever 2

 

  • Pag pumasok sa motel nag sex agad? Di ba pwedeng nag inquire muna?
  • Pag makapal ba LIBRO kaagad?! Di ba pwedeng MUKHA mo muna?!
  • Porke mabaho, umutot na? Di ba pwedeng dumighay lang naman?
  • Pag hunk ang isang lalaki, underwear model na agad? Di ba puwedeng kargador muna?
  • Pag payat ang babae model na agad? Di ba pwedeng may TB muna?!
  • Pag malaki tiyan, buntis agad? Di ba pwede busog muna?
  • Pag abnormal BUDOY na kagad? Di ba pwedeng IKAW muna?
  • Pag tumitingin sa papel pag exam, CHEATER na agad? Di ba pwedeng nagco-COMPARE muna?!
  • Pag ba ayaw manlibre, kuripot na agad. Di ba pwedeng wala talagang pera?
  • Pag nagbigay ng bulaklak nanliligaw na? Di ba pwedeng nakikiramay muna?!
  • Pag walang kibo behaved na agad? Di ba pwedeng comatose muna?!
  • Kapag kwentuhan ng magka-kapitbahay tsismisan agad? Hindi ba pweding brainstorming muna?
  • Pag may sayad sa utak, “Budoy” na agad? Di ba pwedeng “Ramona Bautista” muna?
  • Pag mainit ka sex agad? Di ba pwedeng paracetamol muna?!
  • Pag ayaw mag smile suplada agad? Di ba pwedeng bungi muna?
  • Pag di makatulog may INSOMNIA agad? Hindi ba pwedeng iniisip ka muna?
  • Pag ba di nakasagot kagad eh napipi na? hindi ba pwedeng may nakasubo lang?
  • Pag naka-red bandana si Ramona agad? Di ba pwedeng si Red Riding Hood muna?
  • Pag nag-english, matalino agad? Hindi ba pwedeng nag-google muna?
  • Pag malamig ba Antartica na agad? Di ba pwedeng lovelife ko muna?
  • Pag ba pumunta sa Jollibee kakain na agad? Di ba pwedeng magc-CR lang muna?
  • Pag ba makati ang pwet eh bulate agad? Di ba pwedeng burnik muna?
  • Pag naka-makeup ang lalaki BAKLA na agad? Diba pwedeng CLOWN muna?
  • Pag nagsusuka BUNTIS agad? Di ba pwedeng NAKITA ka lang?

 

oOo

“Bukod sa salamin anong pang kinatatakutan mo?”

Praybeyt Benjamin Fever

.

Kalurkey! Wa ako ma-say sa lakas talaga ng impluwensya ni Vice Ganda.  Dito nga sa Iligan City, showing pa rin hanggang ngayon ang movie nya. Manonood sana ang mga bagets ko at mga pamangkin last week pero umuwi silang BIGO dahil sobrang haba daw ng pila ng tao sa dalawang sinehan. Abah! Kinabog ang NO Other Woman sa haba ng pila dito sa probinsya.

Kaya naman hindi nakakapagtaka na mauuso na naman ngayon ang mga ganitong banat na ginaya sa pelikula ni Vice Ganda.

 

  • “Pag sinabing CUTE kailangan ako agad ? Di ba pwedeng IKAW muna!”
  • “Pag walang boyfriend, pangit agad? Di ba pwedeng choosy muna?”
  • “Pag walang girlfriend, torpe agad? Di ba pwedeng choosy muna?”
  • “Pag may sumusunod sayo kailangan STALKER na agad ? Di ba pwedeng SNATCHER muna?”
  • “Kung sinabing maganda kailangan kamukha agad ni ANNE CURTIS ? Di ba pwedeng KAMUKHA ko muna?”
  • “Pag magaling mag-English matalino na kaagad? Hindi ba pwedeng Englisera lang talaga muna?”
  • “Porket ba nasaktan ka lang sa crush mo dahil may crush siyang iba, INLOVE agad? Pwede bang NAIINGGIT muna?”
  • “Di porke’t mataba, BABOY na? Hindi ba pwedeng CHUBBY lang muna?”
  • “Di porke’t may dalang BAG estudyante na agad? Di ba pwedeng si DORA muna?”
  • “Porket ba namumutla nakakita na ng multo? Pwedeng natatae muna?”
  • Sa jeep.
    PASAHERO: "Ma, para ho!"
    DRIVER: "May bababa?"
    PASAHERO: "Wala ho, may tatalon lang"

 

oOo

“Magmula ng matuto akong umibig, madalas na akong tumatawa mag-isa.”