~~oOo~~
![]()
~~oOo~~
~~oOo~~
~~oOo~~
~~oOo~~
HAPPY MONDAY, LOVELIES!
oOo
“Today is a National Animals Day, so please take a minute to remember your EX.”
~~oOo~~
![]()
~~oOo~~
~~oOo~~
~~oOo~~
~~oOo~~
HAPPY MONDAY, LOVELIES!
oOo
“Today is a National Animals Day, so please take a minute to remember your EX.”
Eto ang tulugan ni Sang sa gabi.
Twice ko lang sya tinuruan para pumwesto dito. Napaka-masunurin ng little bitch namin na ‘to kasi pag matutulog na kami, nagkukusa na sya sumampa sa “kama” nya. Kama nya na kelangan na yata palitan agad dahil baka magmistula syang may osteoporosis sa paglaki nya.
Kelangan palitan ng mas malaki ang higaan nya nang makapag-stretch naman ang mga legs nya. Hays..kelangan ko na yata maghanap. Kasehodang ipagpangutang ko pa o kaya hulog-hulugan ko ang pagbayad sa furniture shop basta magkaroon lang ng bagong kama ang beybi namin. Chos!
Nang dumating sa amin dito si Sang, dala-dala nya ang small stuffed toy na yan sa tabi nya. Peborit nya yan sabi nong dating owner na pinanggalingan ni Sang. Medyo maputi pa ang tsura ng toy nya noong dumating sya dito. Sa kakangatngat at kangungudngod nya sa sahig, ngayon ay naging gusgusin na ang tsura ng teddy bear nya.
oOo
“Huwag mong i-KAMA (,) kung may PERIOD (.)”
Our camera-shy cockapoo, baby Sang. Chos.
Sexy back. Vital stat: 14-14-14.
Length of tail: available upon request
Favorite hobby: Sleeping
Favorite sport: Eating
(Green dog collar courtesy of Kuya Kevin)
HAPPY TUESDAY, lovelies!
oOo
“Masarap maging SINGLE. Kaya kung Single ka. Be PROUD! Masarap ka!”
Kremo and I
(Lumang kodak namin ng alaga ko. Year 2009.)
Gusto ko na ulit mag-alaga ng puppy. Nami-miss ko na ang kagaya ng Kremo ko, a japanese spitz. Shaks! Hindi ko akalain na mangungulila ako ng husto sa dati kong alaga noon. Ewan ko ba, meron talaga silang kakaibang klase ng pagmamahal na ibinibigay na hinding-hindi ko naramdaman sa mga kapwa kong demi-god. Charing!
Sa buhay natin, there are few people, if any, who truly love us unconditionally. Mahal tayo in spite of all our faults, all our failures, all our weaknesses, and with no strings attached. Jackpot talagang maituturing pag meron taong ganyan sa atin. Well, ganyan na ganyan ang pagmamahal ng aso. (Ganyan din kaya ang mga isinilang sa Year of the Dog? Chooos! Parinig! Lol!)
A dog loves you unconditionally. You can neglect him, and he loves you, turn your back on him, and he loves you, abuse him with words, or even physically; still mahal ka pa rin nya. Kahit dinededma mo na sya, pero lalapit pa rin sha at ishe-shembot pa rin nya ang buntot nya. Ibang klase talaga!
Maituturing na para syang si Lord. Hindi ko sinasabi na with matching shembot din si Lord ng buntot nya ha. Pero yung response nya is very similar. We turn our backs on Him, pero si Lord, nungka! We neglect His Word yet the Lord remains faithful. Walang duda, He is the “same yesterday …today and forever”. (Nasa Hebrews yan mga ning!)
A basta! Nami-miss ko ang aso ko.
Gusto mong matuto sa sinasabing pagmamahal na walang kundisyon? Subukan mo mag-alaga at magmahal ng aso.
Kung hindi ka pa nakapag-alaga ng aso sa buong buhay mo, malamang 100% nakanganga ka lang ngayon na nagbabasa neto at hindi maka-relate. Ahihi!
Have a nice ASH Wednesday, mortals!
oOo
A dog will teach you unconditional love. If you can have that in your life, things won’t be too bad.- Robert Wagner
—
Darating ang araw na kaming tatlo dito sa bahay ay wala ng sapin sa paa na magagamit.
Nai-post ko na dati ang pagka-tsugi ng tsinelas kong ‘to.
At eto ang mga pinakabagong krimen o mga nasira sa bahay ko.
Ganda ng gising ko kaninang umaga. Maganda ang panahon. Duda ko, nauna pa yata ako nagising kesa kay Papa Jesas sa sobrang aga. Hehehe! Mga 4am ako dumilat kanina at ang unang sinilip ko bago nagbanyo ay ang katabi kong netbook… tsinek ko kung tapos na ang torrent download ko ng movie na “He’s Just Not That Into You”. Hmmmn, tapos na. Yey! May panonoorin na naman ako mamaya.
Mas lalong pinaganda ang morning ko ng almusal kong ‘to:
Daing na bangus, pritong talong at kamatis.
Wala sa kodak ang kaning-lamig na sinangag with sandamakmak na bawang.
Ayos na ayos na sana ang umaga ko nang biglang namataan ko ang almost 2-years old kong pink flip-flop.
Eto ang gawain ng alaga kong pup na japanese spitz, si Kremo, mula ng dumating dito sa bahay – kumain, mag-wewe, mag-popo, at KUMUYAKOY!
Peborit nya tumambay sa ilalim ng isang shelf.
Kinodakan ko kahit medyo madilim sa pinagtataguan nya.
While writing this, I was listening to “I’m Yours” by Jason Mraz
Chikahan namin sa YM ng 13-year old doter kong si Keziah nung nag-sleepover sya sa mga pinsan nya last week:
keziah : ma, bakit ngayon ka lang nag online?
M A R U : naka off YM ko
M A R U : y?
keziah : aw
M A R U : na miss mo ko?
keziah : ganun?
M A R U : hehehe
M A R U : bakit po, maam?
keziah : ma, hatid na raw ba yung tuta sa Wednesday?
M A R U : dadalhin mo?
M A R U : sige
M A R U : malaki na?
keziah : di ko pa nakikita. Andun sa likod ng bahay, eh madilim.
Keziah : junjun ba talaga name nun, ma?
M A R U : ok sige
M A R U : ano pala gusto mo?
M A R U : ikaw na lang pumili
keziah : walang napili c kuya?
M A R U : wala naman
M A R U : ikaw na lang
Keziah : ikaw pala?
M A R U : gusto ko, junjun! 
keziah : ganun? junior?
keziah : wala na bang iba? Yung medyo sosyalin naman, para ayus.
M A R U : kaya nga ikaw na lang pumili
keziah : nah.
M A R U : sadat na lang
Keziah : sino yun?
M A R U : anwar sadat
M A R U : hehehe
M A R U : president nung una sa egypt
M A R U : mag isip ka na lang ulit
keziah : 
M A R U : kremo gusto mo?
keziah : cream?
M A R U : total, cream naman color nya
M A R U : Kremo
keziah : dirty white.
M A R U : cream or dirty white…halos pareho lang yan
M A R U : krem
M A R U : Kremo or Krem
M A R U : para…kevin, keziah, kremo
M A R U : hahaha
M A R U : puro letter k
keziah : 
Ayan, finally may pangalan na rin si BUNSO ko – si KREMO. hehehe!
Last week din, may nai-bluetooth sa akin na pic ang pamangkin kong si Tweetums … pic ni Kremo na bagong ligo kasama ang 2 kapatid nya.
Hindi ko alam kung saan diyan si Kremo kasi magkapareho sila ng tsura ng isa nyang kapatid. Pero duda ko siya yung nasa kanan. Paano ako nakakasiguro? Ewan ko. Siguro dahil sa lukso ng dugo! Wahaha!
As of this writing, andito na sa pamamahay namin ang bunso ko at nag umpisa na ako kaninang umaga maglinis ng wiwi at popo nya. Waaaaa!
* * * *
Quote of the Day:
One reason a dog can be such a comfort when you’re feeling blue is that he doesn’t try to find out why. ~Author Unknown
I will be having a new member of my family very soon. Yes, I am getting a Japanese zhit tzu breed of puppy courtesy of my sister. I still don’t know what name I shall give to him, but I am so excited that I am starting to look for nearest pet shop here in my city for the much-needed things of my new “baby”. So lucky that the local pet store that we have here offers a wide selection of aquatic, bird, cat, dog, small animal and reptile supplies, horse supplements, pets, foods and cages. I will blog more about my new “baby” next month.