Monday Merienda: Puto

Last week pa nagtapos ang klase ng mga bagets ko. Umpisa na ng bakasyon nila, umpisa na ng mga pa chill-chill at maghapon na pakuya-kuyakoy kung hindi man sa harap ng tv, tiyak sa harap ng computer.

Kelangan ko na naman magkaroon ng idea ng sari-saring pang meryenda na pwedeng lutuin sa kusina kasi tiyak maghahanap ng makakain ang mga amo ko.

Naisip ko ‘tong kakanin – PUTO. Napakadali lang kasi gawin.

Puto_4

Puto

Imbes na rice flour, all-purpose flour ang ginamit dito. Para sa akin, mas OK sya kasi mas malambot at mas fine ang texture ng puto.

Ingredients:

  • 2 cups all-purpose flour
  • 2 tablespoons baking powder
  • 1/4 teaspoon salt
  • 1 cup sugar
  • 1 cup evaporated milk
  • 1 cup water

Preparation:

  1. Sift the flour with the baking powder and salt.
  2. Add the sugar, milk and water. Mix well making sure there are no lumps.
  3. Fill puto molds 3/4 full.
  4. Place uncovered in a preheated steamer and cook for 15 minutes or until risen and firm to the touch.
  5. Remove from steamer. Cool for a few minutes then unmold.

Takes 25-30 minutes. Makes 18 pieces.

Recipe Source: In Good Taste cookbook magazine

 

oOo

Sometimes, it can be painful when God comes in and rearrange our life. Have faith! God’s answers are wiser than our prayer.