Define: LOVE

Lahat tayo (lalo na mga girls) ay may sarili at mga paboritong quotes.

Ako man ay mahilig sa mga quotes, ng kahit anong quotes. Araw-araw, walang palya…I feed myself reading quotes sa Twitter ko. Maybe it’s just me, pero nakakahugot din ako ng lakas at inspirasyon kahit sa pagbabasa lang ng quotes. Quotes lang, napapaganda na minsan ang araw ko.

Pagdating naman sa define:LOVE quotes, ay gusto ko yan! Masaya yan! May kanya-kanya din tayong paboritong quotes at definition diyan. Naaalala ko tuloy noong bagets pa ako…tuwang-tuwa ako pag isini-share sa akin ng mga grade school classmates ko ang slumbook nila. Siempre, hindi nawawala dun ang nangunguna at walang kamatayan na “Define LOVE” at iba pang ka-charotan na kelangan sagutan! Siempre dahil mga bata at virgin pa kami ng mga kaklase ko noon, kaya kadalasan ay ganito ang mga inosenteng sagot namin noon:

Love is God.

Love is Papa and Mama.

Love is like a rosary that is full of mystery.

Love is….secret!

Hehe! Ah basta…marami pang mga korning eklavu noon na mga definition ang LOVE, hindi ko lang matandaan.

LOVE…habang tumatanders ako, natural nag-iiba ang paniniwala at kahulugan ko ng salitang LOVE. Para sa akin, eto na yata ang pinaka-ULTIMATE, pinaka-MAGANDA at pinaka-TOTOOng kahulugan ng salitang LOVE…

 1-25-2011 8-47-59 AM

Pagdating sa lablayp ko, pag nawiwindang ako sa sarili ko, pag hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga nangyayari at pag hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko sa boypren ko. . . yang quote na yan ang sinisiksik ko sa bungo ko…buong puso na isinasagawa at isinasabuhay.

Ikaw? Anong sa ‘yo?

 

oOo

To love without condition, to talk without intention, to give without reason and to care for someone without expectation is the art of TRUE RELATION.

Kababawan

What are the things that make me happy? (naks! english!)

Sabi nga dun sa nabasa kong quote galing kay Ma’am Emily Elizabeth Dickinson:

“If you take care of the small things, the big things take care of themselves. You can gain more control over your life by paying closer attention to the little things.” 

Isang magandang tao lamang ako kaya ang mga kaligayahan ko ay nanggagaling lang sa mga simple at maliliit na bagay din. Hindi naman ako shy aminin na mababaw lang ang pagiging JOSA ko (charot!). Apres tout, the simplest joys are the truest ones.

Ang mga kaligayahan ko ay minsan dito ko lang hinuhugot sa mga freebies o kaya mga bagay na para sa iba ay maaaring basura na. Well, walang pakialamanan because I have my cheap thrill over:

Continue reading

Kodak

Linggo ngayon… walang ibang makabuluhang magawa kundi ang mag-abang kay Boy Abunda ng The Buzz. Mahirap kasi ang hindi nakakapanood at nahuhuli sa latest tsismax sa mundo ng showbiz. Kasalanan yun! Nababawasan ang pagka-jologs ko at ayaw ko mangyari yun.

At habang naghihintay ng alas-kwatro. hmmmn…Kodak moments muna.

“KALAWANG” 

Continue reading

Palusot Ng Manunulot

Being a third party doesn’t mean that you are destroying a relationship… It only means that you make two souls realize that they are not meant to be.

 

 

‘La Lang

.
‘la lang . . . may naalala lang ako sa pic na to. . . naalala ko ang mga paminsan-minsang sorpresa sa buhay ko noon. Wahihi!

suprisexc11.jpg

Quote For Today

A very inspiring qoute that signifies determination, hope and patience…

Walang malayong kulangot sa mahabang kuko.

***SMS quote courtesy of Roderick

SMS Joke For Today

Mister: “Love halika, pakita ko sayo picture ng mga ex ko.”

Misis: “Hmp! Ampapangit naman ng mga yan!”

Mister: “Love, yan talaga ang weakness ko eh.”

*** SMS joke courtesy of John Orbe

Movies Outside the Movie Theater