Alulod

Ultimate dream ko talaga sa buhay ay ang makapag-travel sa iba’t ibang bansa na hindi ko pa napupuntahan. Naks! ‘Kala mo naman dami ko na napuntahan ha! Tse!

Heniweys, gusto ko pong matupad ang pangarap kong yun bago man lang ako matigok o pumanaw dito sa mundo NINYO, Ate Charo. Keber ko kahit mag isa lang akong maglagalag basta makita ko lang ang iba’t ibang lugar sa labas ng Pinas balang araw.

Kaso, dios mio perdon! Tuwing umuulan (as of this writing, it’s raining) dito sa amin at nakikita ko ang bulok at tumutulong alulod ng bubong namin sa may likod ng bahay…parang nawawalan na agad ako ng pag-asa sa buhay! Lol! (Agad-agad?)

Tounge enuh, anong big deal ba sa alulod na yan huh? At ano naman kaya ang konek ng alulod namin sa ultimate dream ko? Hihihi! Ewan ko. Alam ko wala ako sa presinto para magpaliwanag. Pero sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam pano ipapaliwanag ang KONEK. Basta ang alam ko tuwing umuulan, nabubuwisit akong tingnan ang maliit na parte ng alulod namin na hindi ko maipa-ayos  at matagal ng naghuhumiyaw ng "tulooonggg!"

oOo

“Sometimes you keep your feelings to yourself because it’s hard for someone else to understand them.”

Minsan

screenshot_83

  • Minsan nagtataka ako, sinisimplehan ko na nga lang ang mga ambisyon ko sa buhay pero bakit ganun lumalabas pa rin na napaka-kumplikado ng mga sitwasyon. Malas ba ako? Kung titingnan mo naman ang wetpaks ko, maputi sya, may hati sa gitna, wala naman akong balat sa pwet. Pero bakit parang lagi na lang ako inaalat sa buhay? Hindi kaya kinakarma ako? Nyay!
  • Minsan wish ko alayb pa si madir ko ngayon. Sayang hindi kami nabigyan ng chance na magka bonding ng todo nung alayb pa sya. Gusto ko sana ma-experience yung may natatakbuhan na nanay para pagsumbungan ng problema, yung hindi ako mahihiya na magsalubong man ang luha at uhog ko sa kaiiyak sa harapan nya.
  • Minsan gusto ko magkaroon ng bespren na may katawang-tao. Yung pwede ako hawakan sa kamay, akapin o tapikin. Sa ngayon kasi, ang bespren ko ay hindi tao, hindi hayop. Itago na lang natin sya sa pangalan na – GOOGLE.
  • Minsan gusto kong maging zombie ng kahit isang buwan. Yung walang pakiramdam. Yung walang pakialam. Manhid. Deadma. Bato. Gusto ko pa kasing mabuhay ng medyo matagal.
  • Minsan wish ko na walang nagbabasa netong blog ko. Yung ako lang ang andito, ako lang ang nagbabasa sa mga kadramahan ko at kalandian ko. Yung pwede ko ibuhos ng walang pakundangan ang lahat-lahat ng saloobin ko, lahat ng kabastusan ko, lahat ng kasamaan ng ugali ko, lahat ng hinanakit ko sa isang tao, sa pamilya ko sa kapitbahay ko, sa mga anak ko pati na ang mga kinatatakutan ko sa buhay gaya ng daga, horror movies, blah blah blah. Yun bang na hindi ako mag-aalala na baka mabasa ni ganito ni ganun. Yung pwede ako magmura ng magmura. Putangina! Ang sarap siguro anoh?! Kaso hindi ko na pwede gawing pribado ang blog na ‘to at magagalit sa akin ang datung. lol!
  • Minsan nakakawalang gana huminga o magkikilos lalo na pag may nararamdaman kang mabigat sa dibdib (hindi po bubs ko ang tinutukoy ko). Lalo na pag ikaw ang parang nasisising may kasalanan sa mga pangyayari na hindi mo naman ginusto.
  • Minsan naman iniisip ko baka nagugutom lang ako kaya bwiset na bwiset ang tono ng blog ko ngayon. Makakain na nga!

Nang Dahil Sa Plastik

Kahapon, maaga akong lumuwas papuntang Cagayan de Oro City Airport para mangolekta ng benta ng

polvoron ko. Bago bumalik ng Iligan City, dumaan muna ako sa Home World ng SM-Cdo para bumili ng 6 pieces of new seater pads para sa dining set ko. Bulky yung mga chair pads na napili ko, parang throw pillows ang porma nya.

Sinamahan ko na rin ng isang kahon ng chocolate chips cookies na singlaki ng Kellogs cereals yung box para pasalubong ko sa bagets ko. Pagkatapos ko nabayaran yung pinamili ko, napansin kong pilit na pinagkakasya nung gwapong bagger yung 4 na pads at yung box of cookies sa iisang malaking SM plastic. Yung 2 unan (sa pwet) naman ay dun bale nya pagkakasyahin sa maliit na plastic.

Bago natapos yung pagbabalot, nag request ako dun sa cutie pie na bagger na kung pwede ay gawin na nyang same size yung 2 plastic bag at hatiin sa tig-3 seater pads ang ilagay nya sa bawat plastic para naman hindi ako mahirapan magbitbit dahil sobrang bulky talaga sya. Tsaka dagdag ko pa, Iligan City pa ang uuwian ko at malayo-layo din yun kako.

Bah! ayaw pumayag ng mokong! Kesyo kasya naman daw yung 4 na unan dun sa malaking plastic bag kaya dapat yung 2 unan ay sa pwede na sa maliit na bag. Uu nga kasya nga sa malaking plastic yung 4 kaso pilit pa nya sinisiksik sa ibabaw yung box ng cookies kaya parang puputok na sya!

screenshot_67

Nakiusap ulit akong ilagay na lang sa parehong malalaking plastic para hindi mahirap bitbitin/hawakan kaso ayaw ng tanginang bagger at nangangatwiran pa na policy daw nila bawal yung magrequest ng malalaking pambalot kung kasya naman sa maliit yung mga items na pinamili.

Ay potah! Anong klaseng patakaran naman yun? Isip-isip ko, umangal sya kung ang binili kong item ay sinliit ng POSPORO at ang hinihingi kong pambalot ay yung kakasya sa laki ang isang aparador! ANIM kaya yun na seater pads na parang mga throw pillows! Tsaka SM kaya ‘to at hindi sari-sari store na nasa kanto lang para magtipid ng plastic bags!

Nararamdaman kong umiinit na ang ulo ko at tumitigas na ang nipols ko. Derpor na-arouse nagagalit na ako. Tanong ko, magkano ba yang malaking plastic bag at babayaran ko na lang? Bah! Hindi daw pwede kasi di raw binebenta. Sabi ko yun naman pala, hindi naman pala binebenta eh bakit pinagdadamot? Magagalit daw yung supervisor. Ayun! buti nabanggit nya ang bisor nya.

Tinanong ko kung saan ang supervisor nya at kakausapin ko. Bah! ayaw ituro! Kesyo hindi rin naman daw papayag ang bisor nya sa mga ganun. Pucha! Umiinit na ulo ko and the more that I insist that i want to talk to his supervisor. (english?)

Nyeta, isip-isip ko, kahit na umabot pa kami sa Supreme Court at kahit na pagharapin kaming pareho kay Henry Sy – hindi ko sya uurungan! (Siempre exajs na yun!). Wag na lang daw at sige kukuha na lang sya ng isa pang plastic bag sa ibang counter. (Sabay talikod with matching bulong-bulong na para plastic lang naman daw yun blah blah blah).

Taena talaga! Nagpipigil lang ako. Gusto ko na sya tsinelasin! Pag galit ako, ayoko pa naman yung nagsasalita ako dahil nanginginig talaga ako. Ramdam ko yung panginginig ng panga ko habang nagsasalita dun sa naiwang kahera kahapon.

Bumalik ang hindot na bagger na may dala-dala ng malalaking plastic bag at sinunod din ang gusto ko. Sabi ko nga sa kanila (kahera at bagger) na ngayon lang ako nakapag-shop sa isang SM store na pinagdadamot ang plastic bag!!“Dapat iniisip nyo rin ang convenience ng customer pag namimili!” kako.

Josko, sobrang nahayblad na talaga ako at bago ko kinuha sa counter yung mga items ko na naka plastic bags na, sabi ko dun sa bagger, “O ano? Takot ka naman pala! Takot ka naman pala na magharap-harap tayo ng supervisor mo!” Sabay dabog. Sabay irap at sabay tinalikuran ko.

Pero sa totoo lang, gusto kong bayagan ang mokong na yun! Pucha! Hindi ako mahilig sa makipagtalo lalo na sa mga sales people. Ayoko ng mareklamo at madakdak! At yung nangyari kahapon, kuuu! dahil lang sa plastic bags, pinainit ang ulo ko! Ang ganda naman ng pakiusap ko at ang liit na bagay lang ang hinihiling ko tapos aaryahan ako ng mga ganung rason? Burat nya!

Pag alam ko rin na nasa katwiran ako, mas lalong di ako nagpapatalo. Paborito ko ang SM, pero may mga tarantadong tindero/tindera talaga na hindi marunong mag estima ng customers at nakakasira lang reputasyon ng tindahan! Syet! eto na naman…nahahayblad na naman yata ako at tumitigas na naman utong ko.

Syota Ko Si Piolo

Kadalasan sa YM hindi mo maintindihan yung iba kung mahina ang pang-intindi o sadyang nagtatanga-tangahan lang sila. Madalas hindi na ako sumasagot sa mga pa-Hello hello ng mga kurimaw kasi nagkaka-UBAN lang ako pag kinakausap ko o sumasagot ako.

Aktwali wala akong kausap o ginagawa kanina kaya nung may nag pop-up na chat window nagbakasakali ako na baka maka-tiempo ako ng OK na kausap. Pero as usual…BIGO ako.

Continue reading

Himutok

Noong isang araw, Inabot na ako ng dilim sa kalalaba. Halos buong araw din akong naging labandera, alilang-alila ang dating.

Kunsabagay mahigit sampung araw din ako nalayo sa mga amo ko kaya ano pa nga ba ang aasahan ko kundi ang santambak na labahin sa pagbabalik ko.

Palit ng kurtina, palit ng bed covers, bed shits, pillow covers, table shits and etc. Linis dito at doon. Ayos dito, ayos dun. Ligpit, ligpit at ligpit.

Oo, full time stay-at-home-mom ako at pinili ko mag isa ang mapunta sa sitwasyon na ‘to dahil sa mga rason na alam ko na tama ako at umaasa din ako na balang araw may ibubunga na mabuti ang naging desisyon ko. Altho hapi naman ako sa pagiging fool-time nanay, may mga moments din na parang mas gusto ko pa ang umupo at umistambay sa harap ng ‘pyuter ko at mag blog na lang buong araw.

Continue reading

Hagdan, Hagdan, Bakit Ka Ginawa?

Tapos na ang extended days-off ko. I didnt feel fully rejuvenated pero ok na rin. Kahit papano nagkaroon ako ng break sa daily routine ko as domestic engineer. Kahapon, pauwi na lang ako ay na-imbyerna pa ako ng todo sa huling araw ng bakasyon ko. May mga tao talaga na kasiyahan na yata ang makapang asar! May mga talent silang palpak dahil palaging wala sa tyempo ang pang-aasar na ikapipikon mo talaga hanggang buto. Katatapos lang ng period ko pero parang duduguin ako ulit sa sobrang inis ko kahapon.

Anyways…hindi tungkol diyan ang topic ko. Eto yun.

“…puro yabang. pasikat! Palpak naman!”

Yan ang narinig ko sa kasabayan kong pasahero sa eroplano. Napalingon ako. Nakaismid at kitang-kita ko sa mukha ni kolokoy na dismayado na naman sa sistema ng Cebu Pacific Air sa pagpapaalis ng mga pasahero nila. Medyo natatawa pa ako kasi pareho kami ng nararamdaman – parehong INIS!

Medyo ok naman ang experience ko sa unang apak ko sa pinakabago at pinakamalaking airport ng bansa – ang NAIA 3 noong August 25. Maayos naman. Pero ARRIVAL yun.

Kahapon sa departure namin pabalik ng Mindanao ang nakakadismaya. Eh kasi naman. Kung bibilangin ko ang akyat-panaog na ginawa ko sa NAIA 3 … naka-apat na beses yata na yun ang ginawa ko. Matutuwa na sana ako dahil sa wakas nasa NAIA 3 na ang terminal ng Cebu Pacific. Siempre naman world-class na ang airport eh. Pag tiningnan mo nga sa labas eh masasabi mong may panama talaga at pwede na rin ihilera sa malalaking airport ng ibang bansa. Maganda kung sa maganda. Hindi mo na ikakahiya.

Ini-expect ko na pag pumasok ako ng NAIA 3…malamang maya-maya lang ay hindi ko na mapapansin na nasa loob na pala ako ng eroplano. Ganun naman dapat yun di ba?

Nag excess ng 7 kilos sa baggage ang ate ko kaya nag volunteer akong bitbitin na lang yung isang maliit na trolley bag niya. Maliit at hindi naman kabigatan at walang problema kahit bitbit ko rin ang laptop bag ko. “Kaya ko ‘to” sabi ko.

Sabi ng boarding pass namin, nasa gate 116 naka-assign ang eroplanong sasakyan namin pauwi ng Cagayan de Oro. Pagpasok namin sa Gate 116…nyay! more or less may 15 steps yata kaming bababaan na hagdan papuntang boarding area. Hmmmmn…syet! parusa ‘to kasi nga may bitbit akong trolley! Pero oks lang. Sincemedyo maaga naman ang check-in namin ng ate ko, eh inutusan muna ako para bumili ng coffee. So la magawa, akyat ako ulit palabas ng boarding area at baba ulit nung bumalik. Hays…

Eto na, mga 20 minutes before boarding time, inanunsyo na ang lahat ng pasahero bound for CDO ay pinalilipat sa Gate 120. Naknampekpek! Ibig sabihin aakyat na naman ako dun sa hagdan na yun?

Nways, sige. Again, ‘la ako magawa eh. Akyat ulit.

Gate 116 to Gate 120….may kalayuan din pero ok lang dahil sabi ko nga, maganda naman ang loob ng NAIA 3. Sarap maglakad pag bago ang carpet. Shushal! Ayus lang din naman ang daan papasok sa tube. Habang naglalakad, naalala ko tuloy ang ibang airport na napuntahan ko nung nagwo-work pa ako sa abroad. Nag-summon up pa ako ng sandali sa nakalipas ko. Lols. Siempre, since nasa tube na kami so isip-isip ko ilang segundo na lang eh nasa loob na kami ng eroplano.

Pero teka, hindi eh!

Sa dulo ng tube…bakit wala akong makitang pintuan ng eroplano? Ay Puta! Hagdan! May hagdan?At bababa na naman kami sa hagdan? Mga ayuf! Parang gusto ko magpatihulog na lang para ilang saglit lang nasa ibaba na ako agad. Lols. Taena! Biglang pumangit ang tingin ko sa bagong NAIA 3!

At pagbaba namin naghintay pa kami ng bus para isakay kami papunta na mismo sa kung saan nakaparada ang eroplano. Josko! So hila…buhat…bitbit…hila na naman ako sa trolley ng ate ko. At yun nga…naririnig ko na ang mga kasama ko sa may likuran na nagrereklamo na. Ang hassle kasi eh! Ang init pa.

Naiinis na ako habang nasa bus. ‘Tong ginagawa ng Cebu Pacific Air, kumbaga sa pelikula…ok na sana. Gandang-ganda ka na sa istorya kaso sa may ending biglang naging LOUSY. Biglangpumangit!Gusto mo sumigaw ng “Harang!” “Boooo!”

Ilang minuto pa, sa wakas nasa ibaba na kami ng eroplano. Tumingala muna ako bago umakyat ng hagdan ng plane, naghagilap ng konting lakas sa pagbitbit ulit ng bag at habang bumubwelo, isip-isip ko siguro naman huling akyat ko na ng hagdan ‘to.

Pinagpawisan ako, tsongggg! Pagpasok ko sa door ng eroplano, nakahinga nga ako ng maluwag pero kasabay naman nun ang pakiramdam na parang nasa may tuhod ko na ang matris ko! Tangna! Parang bumaba ang matris ko sa pagod. Natagtag ako!

World-class daw! World-class my ass!

Da Buzz!

ENGOT ang chatter na nakikipag usap sa akin na:

Buzz ng Buzz – na sa umpisa pa lang at bago makapagtayp ng isang letra ay ba-Buzz muna na parang gigil na gigil sa lintek na buzz button na yan.

‘Tong ibang mga chatters naman eh parang mga ignorante. Andun pa yung uulit pa ng click ng Buzz na astang nagmamadali. Pucha! Nagmamadali yata sa buhay na matigok na sila. Eh minsan pa naman nakatodo ang volume ng headset ko kaya nagugulat ako.

Ayaw ko pa naman din sa naka-default buzz tone. Pakiramdam ko pag bina-buzz ako eh binubulyawan ako eh.

Buti na lang nakita ko na pwede pala palitan ang buzz tone sa preferences. Buti may choices dun ng tunog na hindi masyado nakakairita.

Kasalanan rin ‘to ng Yahoo, hindi ko maintindihan kung bakit inimbento pa nila ang nakaka-iritang Buzz button na yun. Akala siguro nila cute yun!

Kaya pag di rin lang pamilyar sa akin ang name o ID ng gustong kumausap sa akin…basta nag BUZZ….yari ka! Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpindot ko rin ng IGNORE button sabay check ng box “Report Mr. Engot as Spam”.

Ano ba ang tama?

Kapo-post ko lang last week ng isang entry tungkol sa madalas na ikinaiinis ko. At eto na naman po kani-kanina lang. Maryosep! Pag ganito araw-araw ang makakausap ko sa YM…mapapadali ang pagiging kutis-betlogs ng mukha ko.

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:39:01 AM): musta?
M A R U (6/3/2008 11:39:02 AM): am fine
vincent_lvl19 (6/3/2008 11:39:11 AM): taga san ka pow ulet?
M A R U (6/3/2008 11:39:23 AM): anong pow?

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:39:31 AM): taga san ka pow??
vincent_lvl19 (6/3/2008 11:39:35 AM): kalimutan q na ehh
M A R U (6/3/2008 11:39:46 AM): ano ang “q”

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:39:54 AM): ko
M A R U (6/3/2008 11:39:56 AM): ano ang “pow”

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:40:04 AM): ko *q*
vincent_lvl19 (6/3/2008 11:40:11 AM): po
M A R U (6/3/2008 11:40:25 AM): Q=KO<<<< kelan pa yan sinabing tama ang pag gamit ng ganyan?

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:40:28 AM): loc mo??
M A R U (6/3/2008 11:40:38 AM): po=pow<<<< kelan naging pow ang po?

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:40:47 AM): haha
M A R U (6/3/2008 11:40:50 AM): nakakabobo naman ang ganitong usapan
M A R U (6/3/2008 11:40:54 AM): o sya sige…

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:41:01 AM): loc mo?
M A R U (6/3/2008 11:41:04 AM): bye

vincent_lvl19 (6/3/2008 11:41:15 AM): location mo?

Daming kaartehan! leche! Hindi ko alam kong feeling “in” na “in”sila sa ganitong kalokohan. Bakit ba hindi na lang gamitin kung ano ang WASTO?

May Wastong Lugar Ang Mga Bagay-bagay…

May email subscription ako sa isang Yahoogroup na itatago na lang natin sa pangalan na Lovenotes. Yup, member nga ako ng Yahoogroup na Lovenotes dahil idol ko na talaga mula pa nung 80’s si Dear Joe (Joe D’ Mango) at hindi si Dear Jones. Paminsan-minsan, ginagawa kong aliwan ang pagbabasa ng mga emails tungkol sa mga hinaing sa puso ng ibang tao kasabay na rin ang pag hingi nila ng advices sa members ng grupo. Pero ni minsan hindi ako nakisabat sa mga balitaktakan nila sa kadahilanan na halos 95% ng paraan ng mga nagsusulat ay text lingo ang gamit.

Eto ang sampol ng isang member na humihingi ng payo:

capture3.jpg

Matagal na ako nagtitimpi. Hindi naman sa nang-aanu ako. Pasintabi lang po sa mga tatamaan wag po sanang magagalit dahil sa ganang akin po lamang itetch. Pero may tamang oras at wastong lugar ang lahat ng bagay.

Kung sa selpon ko matatanggap ang ganitong klaseng pananalita ay ok lang at hindi ko na kelangan ipaliwanag kung bakit. Naiintindihan natin lahat na kelangan magbawas ng vowel sa mga words na ite-text.

Pero dun sa mga bagong pautot na pagta tayp ng salita, ay! di ko talaga keri. Di ko pa rin maiwasan ang mapakamot ng ulo tuwing nagbabasa ng mga imbentong shortcut. Iniisip ko kasi na mas nakakabobo ang ganun kasi makakasanayan natin ang mali. Kahit sa mga anak ko…gusto ko silang sitahin at itama ang pag ti-text nila at nag aaalala ako na makasanayan nila ang ganun at madala hanggang sa iskul. Paano na lang pag pinagsulat sila ng isang “formal theme” sa Pilipino subject nila? Nag-aalala ako sa MAKAKASANAYAN.

Iko-kowt ko ang sabi ng isang kaibigan sa selpon ko:

“wala naman turo na panitikan pilipino na ang “ako” at “ko” ay pwedeng “q” ang kapalit. ang totoo nyan, di nga kabilang ang letrang “q” sa alpabetong pilipino.”

Koreeeeek!

Ok, sabihin na natin na yan ang uso at isang epekto na dala ng makabagong paggamit ng technology. Pero sana nga lang piliin natin at sumunod sa uso kung saan tama at nakakabuti rin. Sa chat, tamad ako mag reply sa mga nagmi-message sa akin pero mas lalo akong tamad sumagot pag nakikita ko na nagta type na text lingo ang gamit. Hindi talaga kaaya-aya basahin at never ko matatanggap na “cool” ang ganitong messaging sa chat o email.

P.S.

Miney dear, abswelto ka sa entry ko na to dahil sa simpleng rason na – labs kita at tanggap kita. Lols.