Rice Conditioner

Ang bonggels na talaga ng panahon. Dati hair conditioner at fabric conditioner lang ang alam kong meron. Ngayon pati bigas may conditioner na rin!

Hindi nakakapagtaka kung balang araw ang suka, toyo at asin eh may conditioner na rin. Charot.

Hmmn… at kelan naman kaya magkakaroon ng Lactacyd Feminine Hygiene with Conditioner? Well, ok lang kung wala. Hindi ko kelangan. Wala naman kasi iko-condition dun sa akin. Hihi!

Heniweys, lately, eto at may dinagdag ako sa kodigo ko sa pamamalengke kasi na-curious ako nang mapanood ko ‘to sa TV. Ang bagong Knorr Rice Mate.

Knorr RiceMate2

Tig-tupipti (P2.50) lang naman ang per sachet kaya buy ang Mamaru ng sandosena.

Ang chika na naka-print dun sa packaging:

  • tsek! – tamang lambot at lagkit
  • tsek! – bagong-ani ang bango at lasa
  • tsek! – may Vitamin A at Iodine

 Knorr RiceMate3

Ihahalo lang sa sabaw ng sinaing ang puting powder.

Since yesterday nilalagyan ko na ang sinaing namin ng Knorr Rice Mate at ang bango! Amoy-Pandan, mga ateng! Kunsabagay, nasa packaging naman talaga ang picture ng Pandan leaves.

Knorr RiceMate

Ang tarush! Lumalabas na pag may Rice Mate eh kanin pa lang, ulam na! Lol!

Tama naman ang claim ng produkto, melembot at mebengo ang sinaing.  Hindi ko masasabing parang bagong-ani ang lasa kasi hindi pa ako nakakakain ng kanin na bagong-ani.

Palagay ko malulungkot na ang mga tirador ng kaning-lamig sa produkto na ‘to ng Knorr. Kasi pag ganito lagi ang sinaing nyo…walang magiging BAHAW. 😛

 

 

oOo

“Piliin mo yung may class, hindi yung mukhang takas.”