Mahal Na Poon

Kahapon, nag text brother ko para sunduin na kami pauwi galing Robinson-Galleria. Nagmamadali na kami ng doter ko palabas ng mall nang biglang namataan ko ang mahal na Poon!

Syet ang kras ko! Si Richard Poon nasa stage! Waaaaaaaaah!!

Hindi ako basta-basta kinikilig pag nakakakita ng celebrity, pero kahapon ng makita ko ang matagal ko ng kras na singer… parang sinilihan ang pwet ko. Biglang break kami ni Keziah sa paglakad! Di ako napakali!

DSCF0066

Continue reading

Kras Ko

Ang mga bagong kras ko ngayon.

Mamma mia! Tuwing napapanood at naririnig ko kumakanta sa tv ‘tong si Richard Poon, parang gusto ko baklasin agad ang hook ng bra ko. Parang nagsisikip na kasi agad ang dibdib ko.  Pag sya na yung kumakanta, ensigueda, inlab na ako agad sa boses nya. Kyut pa nya. Hays…

Hindi kagwapuhan tong si Marc Abaya pero siksik, liglig at nag- uumapaw naman ang  sex appeal.

I dunno, maybe it’s just me pero ang lakas ng arrive ng mokong na ‘to sa akin. Sarap dunggulin neto sa dibdib. Lols!

Unang nakita ko sya sa tv ad ng McDonalds, tapos as leading man naman ni Roxanne Guinoo sa Ligaw Na Bulaklak. Type ko ang pagka-angas nya dun sa teleserye. Sungit nya dun pero parang super naman kung magmahal at magtanggol sa babaeng mahal nya. Hays…(ulit)

Wala akong ideya kung sino sya noon. Nagtanong pa ako sa bagets kong si Kevin kung sino ang hombre na ini. Sus, rocker o miyembro pala ang mamang ‘to ng isang banda at junakis sya ng movie director na si Marilou Diaz-Abaya. Nakngtokwa, nahuhuli na ako sa mga impo-impormasyon a!