Umagang Kay-Emo

Waaaah! Ang aga-aga kanina, naging emotional na agad ako. Oo, agad-agad! Ang OA nga eh.

Habang lumalagok ako ng isang timbang kape sa harap ng ‘pyuter at nagbabasa sa Twitter timeline ko, nahagod ang puso ko sa mga tweets at Instagram pic ni Julius Babao.

 

julius babao @juLiusbabao

Our beloved dog Cleo passed away this morning. Thank you for the unconditional love & loyalty that you have given to us. Rest in peace dear friend.

cleo

julius babao  @juLiusbabao

Cleo was staring at me before i left for Bandila. Maybe its her way of saying goodbye. When I returned home from work, she was gone.

Ensigueda, mega-react agad ang tear ducts ni Mamaru.

Ewan ko ba, nalungkot naman ako. Naisip ko kasi agad ang alaga ko. Ayaw ko mangyari ang ganito sa amin ni Sang. Parang hindi ko yata kakayanin. Charot!

DSC07493

Seryoso, kung noon nga sa unang alaga kong si Kremo eh ang tagal ko nakapag-move on sa pagkawala nya, kay Sang pa kaya na super-LAMBING at BAIT ng alaga kong to sa akin? Omaygad! Mahal na mahal ko ang doggie ko. Wag naman sana na pati sya eh mawala sa akin. 🙁

Kaya dasal ko lang talaga, sana maging mahaba pa pareho ang layp namin ni Sang.

 

 

oOo

Dogs’ lives are too short.  Their only fault, really. 

Sirenang Aso

Minsan may mga gabi na sa living area namin ako natutulog pag may pinagpupuyatan akong pinapanood sa cable TV.

At siempre, em not alone. May partner ako sa panonood ko.

Kasama ko ang pinaka-LOYAL at pinaka-FAITHFUL na yata na creature sa buhay ko ngayon.

Si SANG!

Labs na labs ako ng dog kong to. Iniiyakan ako neto tuwing umaalis ako ng bahay. Paglabas ko pa lang ng gate, kahit hihingi lang ako ng malunggay sa nebor namin, umaalulong to death na tong doggie ko at gusto eh kasama sya lagi. Ang OA nga eh. Pero walang halong biro, parang bata ang arte neto.

Kahit saan parte ng bahay ako matulog, asahan mo andun din sya sa tapat ko pupwesto din.

Kanina lang, pagdilat ng mga mata ko…siya agad ang nakita ko sa tapat ng sofa na hinihigaan ko. Himbing na himbing ang lekat.

DSC07480_2

Hindi na muna ako bumangon at baka magising ang bebeko. Nangingiti na naaawa ako sa porma nya.

DSC07483

Wala na akong makitang medyo malaking basket na pwede nya gawing kama. Tsk! Kawawa naman at pinagkakasya nya buong katawan nya. Binabaluktot na lang nya pati buntot. Hihi!

DSC07481_2

Tuloy, para siyang sirenang aso dito sa chura nya. 😀

 

oOo

“My dog thinks I’m the most wonderful person in the world. Who am I to argue?”

Epal Na, Tamad Pa

Medyo nagiging ugali ko na ngayon na pag nakaharap ako sa pyuter, gusto ko may electric fan ako  sa ilalim ng mesa na nakatapat sa mga binti ko.

Ang dahilan: Una, para pantaboy ng lamok, pangalawa, siempre para mapreskuhan na rin ang pechay ko habang nagbo-blog. Hihi!

Tuwing pinapaandar ko to, maya-maya lang, aasahan ko na may isang EPAL na lalapit at makikisawsaw sa e-fan ko. Si Sang!

 sang1

Tong si Sang, kung pwede lang na mai-ngudngod ang fez nya sa loob ng e-fan para hagip sya ng lahat ng hangin na ibinubuga malamang ginawa na nya!

Talagang heaven yata sa kanya yung nalalamigan ang bumbunan at wankata nya. Pu-pwesto sya diyan sa harap hanggang sa makatulog. Ang nangyayari tuloy dahil sa laging nakaharang ang EPALoid na to, konting hangin na lang ang napupunta suckin.

Pag naka-off ang e-fan ko, alam nyo ba kung saan si Sang pumu-pwesto para sa preskong matutulugan?

Dito sya naka CHECK-IN lagi

sang2

sa BANYO!

Kung hindi dito sa banyo ko, doon sya makikita sa kabilang banyo. Depende kung saan mas tuyo ang sahig. 😀

Pero mas peborit Chillax Room nya tong banyo ko. Preskong-presko sya dito.

Sa araw-araw na ginawa ni Lord, halos kalahating araw na magtutulog ang hitad na to. Kadalasan mula 8am hanggang tanghali syang pahila-hilata. Minsan lagpas pa. Ganyan yata talaga ang lahi ng bitchesang to…mga couch potato. Sa ibang salita, TAMAD!

Pag hindi namin nakikita si Sang sa labas ng bahay, eh ALAM NA!

Alam na namin na naka-check-in sya sa SUITE ROOM nya

pagpapa-presko at nagpapataba ng pechay nya!

 

oOo

Yung feeling na pinag-aagawan ka ng mga lalaki. Tapos sasabihin nila. "Miss, tricycle?"

Sobrang Mahal

Walang sapat na salita kung gaano namin KAMAHAL ng mga anak ko ang mabalahibong nilalang na itey.

Gaano namin siya kamahal? Ay naku! SOBRAAAAA! As in walang katumbas na pera! Charot!

Sa totoo lang hindi ko kaya i-entertain ang thoughts na mawala sya sa amin. Oh Lord, di ko yata kakayanin. 🙁 At wa charot itey.

Lumaki sa amin si Sang na ni minsan ay hindi namin napalo. Kahit minsan ay pasaway sya, kahit minsan ay nagkakagalos kami sa mga hita namin dahil sa kalmot nya, pero ni minsan ay hindi namin sya napagbuhatan ng kamay. 😀

At dahil mahal na mahal ko tong alaga namin, nararapat lang na bigyan ko sya ng espasyo at bandwidth dito sa blog ko.

Our Pet Cockapoo 

Our Pet Cockapoo

Our Pet Cockapoo 

Our Pet Cockapoo 

Nagdadalaga na ang alaga namin. Lumalaki at nagkaka-dede na sya. Mga ilang months pa, baka magka-period na rin sya.

Hayskelangan ang mas todong pagbabantay pa ang gagawin ko kasi baka mamaya malingat ako, eh baka ma-donselya sya ng kung sino-sinong askal lang diyan sa tabi-tabi.

Oh noes! Wag naman po sana mangyari yun. Hindi ko alam ang magiging reaction ko kung saka-sakali. Eh baka maitakwil ko si Sang pag nabuntis agad. :(  Baka alisan ko sya ng karapatan na gamitin ang apelyido namin at higit sa lahat, baka alisan ko ng mana. Haha! OA-ness!

Our Pet Cockapoo 

Kaya hindi talaga namin to pinalalabas ng bahay at hanggang gate lang sya. Mahirap na noh! Lalo na sa mga panahon ngayon na nagkalat sa daan ang mga nangmomolestiya at reypist. Hehe!

Our Pet Cockapoo

Nga pala, ang bagong damit ni Sang ay galing ukay-ukay, thru the courtesy of her Ate Keziah. Salamat, Ate!

 

 

oOo

Walang pinagkaiba ang keps sa durian. They come in different shapes, sizes, colors and of course, odors.

Warat

Parang bata kung umasta ang lekat.

DSC05668   

Pag kulang sa pansin at gusto magpapapansin. . .

DSC05661

Aba eh kelangan wag na magpatumpik-tumpik at pagbigyan na agad ng kaukulang pansin!

DSC05662

Dahil pag hindi, ilang segundo lang ay siguradong may mawa-WARAT.

DSC05660

Litsi! Isang laylayan na naman ng damit ko ang WARAT!

 

 

oOo

If a dog will not come to you after having looked you in the face, you should go home and examine your conscience.

Let Sleeping Dogs Lie

Hindi lang pala tao ang malikot kung matulog.

Si Sang, ang couch potato cheverloo doggie namin, malikot din.

 

 

oOo

Siya na nga ang umiwas, wag mo ng habulin. Tandaan mo TAO ka at hindi aso.

Tuesday Photos

Eto ang tulugan ni Sang sa gabi.

puppy Sang

Twice ko lang sya tinuruan para pumwesto dito. Napaka-masunurin ng little bitch namin na to kasi pag matutulog na kami, nagkukusa na sya sumampa sa kama nya. Kama nya na kelangan na yata palitan agad dahil baka magmistula syang may osteoporosis sa paglaki nya. 

Kelangan palitan ng mas malaki ang higaan nya nang makapag-stretch naman ang mga legs nya. Hays..kelangan ko na yata maghanap. Kasehodang ipagpangutang ko pa o kaya hulog-hulugan ko ang pagbayad sa furniture shop basta magkaroon lang ng bagong kama ang beybi namin. Chos! 😛

  puppy Sang

Nang dumating sa amin dito si Sang, dala-dala nya ang small stuffed toy na yan sa tabi nya. Peborit nya yan sabi nong dating owner na pinanggalingan ni Sang. Medyo maputi pa ang tsura ng toy nya noong dumating sya dito. Sa kakangatngat at kangungudngod nya sa sahig, ngayon ay naging gusgusin na ang tsura ng teddy bear nya.

 

 

oOo

Huwag mong i-KAMA (,) kung may PERIOD (.)