Please Help Iligan City

 

Hindi pa ako lubos na makakapag-blog ng tungkol sa nangyari kalamidad sa lugar ko, ang ILIGAN CITY. Hindi ko pa mai-ayos ang isip ko sa mga nakikita kong mga damages at nawalan ng buhay sa iba’t ibang lugar dito sa amin.

Mistulang mini-evacuation center ngayon ang bahay ko dahil sa buong angkan (angkan talaga ha! Lol!) namin na andito sa Iligan City, tanging KAMI (me, Kev and Ziah), as in kami lang at bahay namin ang hindi naapektuhan sa nangyaring trahedya na dala ni Sendong.

Bahay ng sister kong si Millete…umabot hanggang ceiling ang tubig sa kanila at buti na lang nakalabas silang lahat, nakaligtas dahil dali-dali silang nakalikas sa mas mataas na lugar. Pati na rin ang bahay ng isang sister kong si Ate Ellen, binaha din ng todo. Apektado lahat ang mga tinutuluyan ng mga pamangkin ko.

Next time siguro, mas maikukwento ko ng maayos ang mga pangyayari. Sa ngayon, aligaga pa rin ako sa pag asikaso sa mga kamag-anak ko. Ang manatili silang may maisusuot na tuyong damit, may matulugan at makakain. Gayunpaman, hindi pa rin matapos-tapos ang pasasalamat ko kay Lord na walang casualty sa amin at sa mga relatives ko. Yun naman kasi ang importante.

Sa mga may maawaing puso kong mga readers…I’d like to appeal sana. Maraming tao dito sa Iligan City ang nangangailangan ng FUNDS para magkaroon ulit ng tirahan. Bukod sa mga buhay na nawala, as in ang daming nawalan din ng mga gamit at bahay. Isa na dun ang pamilya ng sister kong si Millete.

Please share and make your Christmas meaningful, help Iligan City and Iliganons.

Send your donations to this bank account:

Account Name: City Treasurer’s Office Iligan City

                          Trust Fund # 0820-016201-030

                          Bank Name: DBP (Development Bank of the Philippines), Iligan City