“Boys don’t cry.” Yan ang kadalasan sabihin in english ng mga parents na conyo sa mga bagets nilang lalaki na mga conyo din siempre.
Pero sa mga magulang na jologs,.. “hoisst! wag ka ngang iiyak-iyak diyan! Kalalaki mong tao iyakin ka!” Yan naman ang sigaw nila in tagalog sa mga anak nilang jologs din.
Sabi nila, mga bading o binabae lang daw na lalaki ang umiiyak. Asows!!!
Bakit ko ba nabanggit ang tungkol sa pag iyak ng isang lalaki. Eh kasi baliktad ako, mas humahanga ako sa lalaking keverless kung umiyak. (Wag lang yung ngumangawa kung umiyak with matching papadyak-padyak ng paa. Pucha! Ibang usapan na yun.)
Nakakabilib ang lalaking hindi nahihiya ipakita yung feminine side nila. Yung hindi shy ipakita din ang pagiging sensitive nila lalo na pag nasasaktan na. Sabihin mo ng sign ang pag iyak ng pagiging mahina…eweno naman ngayon? Tao lang naman tayo at lahat ay may kahinaan, di ba? Para sa akin, pagpapakumbaba yun. Isang pag amin na isa ka lang mortal at hindi ka isang Jos.
O sya, sige kunyari si Superman ka na. Pero kahit naman si Superman may kryptonite din na nagpapahina di ba? Maalala ko, kay Iron Man meron ba?




