Esep-Esep 6

  • Kahapon pa ako pabalik-balik ng pagbukas ng notepad ng ‘pyuter ko. Pero nauuwi sa tunganga lang ang nagagawa ko. Gusto ko mag blog pero lintek naman, wala akong maisip na i-chuva. Nawawalan na ng sustansya ang utak ko. Malamang apekted ‘to sa patuloy na pagbaba ng timbang ko. Oo, tinimbang ako lately ngunit kulang pa rin.
  • Speaking of timbang, paseksi ako ng paseksi. Syet! Ka-afraid at baka pag-interesan ang pagiging yummy ko ng mga aso sa daan. Baka mapagkamalan nila akong naglalakad na buto. Pati fez ko, paliit ng paliit. Syet ulit! Ayoko maging sobrang kyut dahil nagmumukhang akong togue. :P 
  • Gusto kong umeskapo. Ang mawala ng sandali. Yung magpakalayo-layo muna. Yung ako lang mag-isa. Pumunta sa isang lugar na malayo. Yung walang makakakilala sa akin na mga fans. Dun sa lugar na hindi ako sikat. Charooot!
  • Pag nawala kaya ako o kaya naglaho, may maghanap kaya sa akin? May maka-miss kaya sa Maruism (senti-mode)? Ipanawagan kaya ako ng mga bagets ko? Hanapin kaya ako ni Kups? Charooot ulit.

snapshot-61

  • Mahirap din ang walang nakakausap. Mahirap maghanap ng paraan para ma-maintain ang katinuan. Wiz ko naman type ang maging babaeng-grasa someday kaya naghahanap na lang talaga ako ng mapagkakatuwaan dito sa balay. Kanina lang, eto ang saglit kong pinagkatuwaan panoorin…

DSC01117_2_2

  • Ewan ko kung anong klaseng insekto yan. Basta natuwa akong panoorin sya kung paano niya nililigtas sarili nya sa loob ng timba na puno ng tubig. Kakaawang mag-isa na nakasampa sa tabo. Para syang na-Ondoy. Hmmmn…kakasawa na kasi manood ng porn sa net kaya eto na lang watch ko para maiba naman at baka may kapulutan ng aral. Wahaha!

I’m Defying Gravity

I’m so loving this song of Glee Cast that I keep on playing it for hours and hours since yesterday. Palagay ko nagka-LSS (last song syndrome) na rin ang mga neighbors ko ng dahil sa akin.  Kever!

“… I’m through accepting limits
”cause someone says they’re so
Some things I cannot change
But till I try, I’ll never know!
Too long I’ve been afraid of
Losing love I guess I’ve lost
Well, if that’s love
It comes at much too high a cost!”

mood: senti

Na-Miss Ko ‘to

Pag senti-mode ang tao…asahan mong mga senti songs din sa playlist ng MP3 nya ang pinapakinggan. Tiyak yun!

Sows, Oo na at ako yung tinutukoy kong senti.

Enways, na-miss ko rin talaga ‘tong FIREWOMAN ni Barbie Almabis of Hungry Young Poets.

The moon’s gone down
I know you’re still awake
This heart I’ve found
I didn’t intend to break
‘Cause I’ve seen the world from down there
And it wasn’t a pretty sight
Now the circle is turning
Are you armed for the fight?
I wanna be a firewoman
I’ll water down your desire
‘Cause I know this love is a killer
I wanna put out your fire
Apology. Its futility.
Now destiny
Is not a friend
Not a friend
‘Cause I’ve seen the world from down there
And it wasn’t a pretty sight
Now the circle is turning
Are you gonna be alright?
I wanna be a firewoman
I’ll water down your desire
‘Cause I know this love is a killer
I wanna put out your fire
Did you come for danger
You gave me love for pain
Now you’re much more than a stranger
I wanna give you love but all I have is rain
I’m gonna be a firewoman
I’ll water down your desire
‘Cause I know this love is a killer
I’m gonna put out your fire
I’m gonna put it out, put it out ( 4x)
I’m gonna be a firewoman

Pagbabago

Pag nagkakaroon ako ng problema…iniiwasan ko yung tipong dinidibdib ko. Kasi sa totoo lang, hindi ako sanay mag worry.

Tuloy, may mga pagkakataon na lumalabas na parang wala akong pakialam sa mga nangyayari  kasi pinipilit ko na maging cool at petiks lang ang attitude ko sa pagharap ng problema.  Hindi sa insensitive ako, alam ko kasi na ako ang olats pag nag wori pa ako.

Hindi sa tinatakbuhan ko ang problema. Oo, may kahinaan din ako pero ayaw ko lang ipakita sa tao ang sobrang pag-aalala ko. Mahirap magkunwari that everything is just okay, that I am perfectly fine.

Kadalasan, idinadaan ko sa pagtulog ang mga worries ko sa buhay. Siempre kasama dun ang  dasal na sana pag gising ko ay mag-iba na ang araw ko, na sana maging OK na ang lahat. Naniniwala kasi akong na hindi pare-pareho ang panahon. Pag hindi kagandahan ang araw ko, laging sambit ko sa sarili ko…“this too shall pass”.

Naging epektib yun sa akin noon at madalas pa nga ay may kasama pang solusyon sa pag gising ko.

Pero iba ang mga pangyayari sa akin ngayon at sa mga nakalipas na araw. Long-playing ang mga pag-aalala ko. Parang walang katapusan at walang kalutasan. Nawiwindang na ako.

Naging hataw nga  ang pagiging happy ko sa mga nakaraan na linggo pero naging malungkot din naman ng todo-todo ang mga sumunod. Nagiging mailap na sa akin ngayon ang mahimbing na tulog.

Pinilit ko na pakalmahin ang nararamdaman ko. Pinilit ko sumigla ang katawan ko kasi parang nanghihina na rin ako.Pinilit ko maging normal ang araw ko. Pinilit ko aliwin ang sarili sa paraan na alam ko. May ginawa akong pampagaan ng loob ko. Kaso, pukingina! Mas lalo lang lumalala ang sitwasyon!

Hindi ko alam kung sinusubukan lang ako ng mga pagkakataon o baka inaasar lang ako ng kapalaran. Walang nangyayari sa araw-araw na pag-aabang ko ng himala mula pagdilat ng mata ko sa umaga hanggang sa pagpikit sa gabi. Walang pagbabago.

Malamang hindi na epektib o ayaw na gumana ng himala sa buhay ko.

Sa ngayon, tuwing gumigising ako sa umaga, ang gusto ko gumabi na agad. Pagsapit naman ng gabi, gusto ko matulog na agad para ng sa ganun ay umaga na naman ulit. Ngayon ko lang minadali ang mga araw ko. Siguro dahil sa gusto ko makakita na agad ng pagbabago.

Hindi ako eksayted sa nalalapit na pag alis ng year 2009 o pagpasok ng 2010. Wala akong pakialam sa New Year na yan! Wala akong dapat na ipagdiwang sa bagong taon. Ang gusto ko lang ay makakita ng pagbabago sa araw ko.

Oo, emo at senti ako ngayon. Sa mga hindi sanay sa akin ng ganito, pasensya na. Tao lang.