Usap 013

 

K U P S : “mga babae di maintindihan.”
K U P S : “pag sinabihang i love you, ayaw maniwala…pag di naman sinabihan, sasabihin di sila mahal.”
M A R U : “eh ganun talaga.”
M A R U : “eh kasi babae.”
K U P S : “babae ka nga.”
M A R U : “mamahalin nyo ba kami kung naiintindihan nyo kami?”
K U P S : “dapat babae ang 8th wonder of the world eh.”

Oists! Kayong mga lalaki, sa presinto na lang kayo magreklamo. Kung ako nga mismo di ko maintindihan pagkababae ko (nananaig kasi ang pagka-bakla ko minsan), kayo pa kaya?
Pero sorry na lang, um-agree na lang kayo, ang naturalesang pagiging krung-krung namin, yan ang mas lalong nagpapasarap sa aming mga girlash. 😛

Kaya naman mas lalo kaming napapamahal sa inyong mga betlogins ay dahil walang sinabi ang Calculus kung hirap o pagiging kumplikado din lang ang pag uusapan para maintindihan kami. You guys, simply love challenges, di ba?

Uyeh! Panahon na nga siguro na mapabilang kami sa totoong 8th Wonder of the World.

 

 

oOo

“Lalake lang ‘yan… malayo sa bituka” – Empress Schuck, BFF: Best Friends Forever (2009)

 

20 Things Guys Shouldn’t Ever Do To Girls.

Isa akong basurera sa cyberworld kaya eto ang isa sa mga pulot ko kung saan-saan. Dedikeyted para sa mga betlogins kong mambabasa.

aint_love_grand

20 Things Guys Shouldn’t Ever Do To Girls

  1. Make fun of her hair, face, body, or clothes. Seriously, don’t.
  2. Overuse sarcasm. It’s one thing to joke, it’s another to speaker sarcasm as a second language.
  3. Flirt with other girls. It doesn’t make us want you more, it just makes us angry.
  4. Cheat. Never in any way will you get away with it.
  5. Make promises they can’t keep. If you can’t follow through, don’t say it.
  6. Say “I love you” when they don’t mean it. If the girl you “loved” gained 300 pounds, would you still love her? That’s what I thought.
  7. Lie. You will get caught. Don’t ever under any circumstances try to keep a lie going with a girl. It will not work.
  8. Deny things that are true. If a girl confronts you about something, she knows the truth. Denying it makes her more angry. Grow some balls and own up to it.
  9. Pressure her. If she wants to do something with you, she will.
  10. Talk about other girls. Don’t say they’re hot, pretty, or even nice. We don’t want to hear it.
  11. Talk to her about their exes. If you’re saying nice stuff, we’ll assume you still like them, if you say shit, we’ll assume you’ll do the same about us.
  12. Say shit behind her back. No matter how much you try to keep it a secret, she will hear about it.
  13. Be a dick to her in front of their friends. They might think it’s funny, but she will definitely not.
  14. Try to make it look like something was her fault to get yourself out of trouble. It will make things much, much worse.
  15. Ask why she’s mad at you. Say you were wrong and apologize. Do not say you didn’t do anything wrong. If she’s mad, you obviously did something.
  16. Joke about wanting to break up. It won’t be taken as a joke, and you’ll be single before you can tell her you were kidding.
  17. Tell her she’s overreacting. If you thought she was mad before, prepare to meet the she-beast from hell.
  18. Go to parties or hang out with other girls without your girlfriend. No matter how much she trusts you, she will be worried.
  19. Make excuses. If you screwed up, don’t try to get out of it.
  20. Talk to her when you’re mad. You will screw something up and end up regretting it.

 

Nang mabasa ko ‘to, may mga bagay na sang-ayon ako, at meron din na kung tatanungin ako kung may katotohan sa akin bilang babae – eh dedma lang maisasagot ko. Gaya ng number 3, flirt with other girls. Sows! Kever ko naman kung makikipag flirt ang lalaki ko sa ibang girls. Ewan ko ha, hindi lang siguro ako ganun ka-selosa kaya oks lang sa akin kahit pa makipaglandian pa ang be-ep ko sa ibang bruha. Lol!

Ganun din sa number 10. Hindi isyu sa akin yan. Ako pa nga ang mismo ang pasimuno nagtatanong sa jowa ko kung ano ang masasabi nya dun sa isang Kulasa. Kung pretty ba sha or hot? Walang masama para sa akin ang pag usapan ang ibang babae o kahit yung mga naging ex nya.

Sang-ayon naman ako sa number 7, 8 at 19. Masakit ang napagsisinungalingan. Mas mabuti pang sinasabihan ako kung ano ang totoo kahit gaano pa yun kasakit. Mas gusto ko ng deretsahan kesa pinagtataguan ng katotohanan.

Para sa mga mambabasa kong may mga pukengkeng…agree ba kayo lahat dito? Ano naman sey nyo, mga teh?

 

oOo

"Babae ang nagdadala ng relasyon" – Kaye Abad, MMK (2011)

.

Five tips for a woman

Mga ateng, kung naghahanap ka ng jowa, eto ang mga  importanteng katangian na dapat taglay nila. 

1. Importante na may trabaho ang lalaki at marunong gumawa ng mga gawaing-bahay.
2. Importante na marunong magpatawa o patawanin ka ng lalaki mo. Kumbaga yung may sense of humor.
3. Importante na mapagkakatiwalaan mo ang lalaki at hindi sinungaling. 
4. Importante na mahal na mahal ka ng lalaki at paminsan-minsan ay ini-spoil ka.
5. Importante na ‘tong apat na lalaki na tinutukoy ko ay hindi magkakakilala sa isa’t isa.

Ang Puso Ng Lalaki

Madalas sabihin ng mga guys na “mas sensitibo” daw ang mga babae. Mas madaling mapikon. Mas madaling maasar. 

Ang mga lalaking nagsasabi ng ganito, palagay ko hindi lang nila masyado kilala o kabisado ang sarili nila o kaya nagmamaang-maangan. 

Ang totoo nyan ay “mas sensitib” silang mga lalaki, mas pikon kesa mga babae. Sows, in-denial lang sila na minsan ay mas balat-sibuyas sila o mas pusong mamon kesa mga bebot. Magaling lang talaga magtago ang mga lalaki ng nararamdaman nila. Ang pa-plastik nga eh. Hehe.

Continue reading

Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

Minsan, naitatanong ko, ilan pa kayang Robin Padilla ang meron sa mundong ‘to?

Naalala ko, nasa college pa ako noong kasikatan ni Binoe. Susme! daming chiquititas, artista man o hindi ang talagang nahumaling kay Robin. Siempre isa na ako dun sa mga arista. (Oo, artista ako, kasi ang arte-arte ko di ba?)

Pag katrabaho nga daw ‘tong si Robin sa paggawa ng pelikula, bihira sa mga leading lady nya ang nakakaiwas na hindi ma-inlab sa kanya. Daming nagtaka kung bakit at kung ano ang sekreto meron si Padilla eh hindi naman sya kagwapuhan (pero nag uumapaw naman sa mala-hayup na sex appeal, dai!).

Continue reading

Burara

Bumisita ang ate ko noong isang araw. Sarap pag bumibisita yun dito sa bahay kasi laging may dalang —-LAFANG!  Nahalata yata na wala syang nadadatnan lagi na pagkain dito sa haybols ko kaya ayun – nagdadala na. Hehe! Last time nga, bukod sa dalang isnaks, may dalang lechon manok din para hindi na daw ako mag abala pa sa pagluluto ng pang dinner namin. O di ba, kung ganyan lahat ng Ate sa mundo eh sigurado hapi-hapi ang lahat. 

Siempre chikahan kami. Update ng mga chizmax tapos naitanong ko kung bakit hindi nya kasama si Bayaw. Ayun, may LQ pala sila! At alam nyo ba kung ano pinag awayan nila? Yung mga kalat lang naman ni Bayaw sa workstation nya dun sa likod ng bahay nila. Dun kasi nagbubutinting si Bayaw ng mga kung anik-anik.

Nangingiti ako sa habang naglilitanya Ate ko. Kesyo ang gulo-gulo daw ng mga gamit, eyesore daw ang mga kalat, blah blah blah at pag nililinis o nililigpit naman nya eh nagagalit daw si Bayaw. Nag aalburuto dahil ayaw nga nya na ginagalaw yung mga kalat nya.

Continue reading

Sex Myths: Trulili o Eklavu?

Sagutin kung ang mga sumusunod ay TRULILI (true) o EKLAVU (false): 

1. WOMEN GET MORE JEALOUS THAN MEN.- Eklavu. Anuvah! Men and women get equally jealous. Pareho lang noh at walang MAS! Pero more on biological grounds ang pagseselos ng lalaki, dahil kung halimbawa kayo ay mag asawa siempre gusto ng lalaki makasiguro na anak niya yung lalabas sayo at hindi kay kumpare o kaya sa kapitbahay. Habang tayong mga babae naman, we get jealous of emotional territory, mas nag aalala tayo na maaagawan ng lalaki (as if 3 na lang ang natitirang lalaki sa mundo at ang isa dun ay hindi pa tiyak).

Continue reading

Flirt Ka Ba?

“If you’re a gifted flirt, talking about the price of eggs will do as well as any other subject.” — Mignon McLaughlin

Naniniwala akong halos lahat ng babae ay flirt, kahit na yung mga shy type. Sus, wag na i-deny!

Kumbaga nasa buto na yan ng mga babae ang pagiging natural sa landian. Yun nga lang, merong iba na nahihirapan pang ilabas ang pagiging flirt nila at yung iba naman yung natututo pa lang.

Alam ko some women are very good flirts and they are seeking to improve their skills pa nga eh. (Isa na ako dun!) Ay oo! Isang skill na maituturing ang pakikipaglandian. Lols. Madalas nga lang iniisip natin na kawalan ng pagiging seryoso ang flirting. Para bang it is just an act of seduction, bolahan o palitan lang ng sweet nothings sa isat isa.

Continue reading

Tiwalang Seksi

Kung kelan naman isinama ko na sa new year’s resolution ko ang sumagot agad sa mga meme or tag…tsaka naman ako dinedma ng mga friendlalu ko sa blog na pasahan ng mga ganitong laro-laro. Gusto ko na sana magtampo sa mga kabagang ko kasi di na nila ako labs pero siempre charoot ko lang yun. Pampam ko talaga.

At last, naisipan din ako ni Lingling na walang sawang nagmamahal sa akin na isama dito sa isang “kalandian” na meme. Thank you, Lingling pie! Hehehe! Eto yun, What Kind of Sexy Girl Are You?

Continue reading