Walang Dapat Titiin

ruffa_lloydie

Usapang showbiz muna tayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit yung ibang tao ay nanggagalaiti sa relasyon Ruffa G. and John Lloyd Cruz. Pwede ba, tama na yung si Annabelle Rama na lang ang maging mahadera sa lablayp ng anak nya. Hehehe! Tsaka, eweno naman ngayon kung mas matanda yung babae kay lalaki ng 9 years?

Di nga, eweno naman kung may mga junakis si Ropa? Problema ba yun kung nagkakaintindihan at tanggap naman nila ang isa’t isa? Tsaka, nagiging problema pa ba sa ngayon ang edad lalo na kung libog din lang ang pag-uusapan? Lols!

The last time I had a bf…10 years older ako dun sa lalaki and we lasted 4 years din. Hindi naging isyu ang pagiging tingle single mom ko. ‘Ika nga ni Bitoy, “Kung ato ay mag-aatawa, guto ko ay tingle. Dahil mahilig ato ta tingle.“ Ok naman kami ng bf ko noon kahit mom na rin ako…ako lang talaga ang abnoy at may sayad sa ulo kaya hindi kami nagkatuluyan.

Balik tayo kay Ropa-Lloydie. Wak na tayo mangealam pa kung nagkakagutushan yung dalawa. Kung magtatanong si Bitoy tungkol sa relasyon nila kung may dapat o kung “Tino ang dapat TITIIN?” WALA! Walang dapat titiin!