Walang Dapat Titiin

ruffa_lloydie

Usapang showbiz muna tayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit yung ibang tao ay nanggagalaiti sa relasyon Ruffa G. and John Lloyd Cruz. Pwede ba, tama na yung si Annabelle Rama na lang ang maging mahadera sa lablayp ng anak nya. Hehehe! Tsaka, eweno naman ngayon kung mas matanda yung babae kay lalaki ng 9 years?

Di nga, eweno naman kung may mga junakis si Ropa? Problema ba yun kung nagkakaintindihan at tanggap naman nila ang isa’t isa? Tsaka, nagiging problema pa ba sa ngayon ang edad lalo na kung libog din lang ang pag-uusapan? Lols!

The last time I had a bf…10 years older ako dun sa lalaki and we lasted 4 years din. Hindi naging isyu ang pagiging tingle single mom ko. ‘Ika nga ni Bitoy, “Kung ato ay mag-aatawa, guto ko ay tingle. Dahil mahilig ato ta tingle.“ Ok naman kami ng bf ko noon kahit mom na rin ako…ako lang talaga ang abnoy at may sayad sa ulo kaya hindi kami nagkatuluyan.

Balik tayo kay Ropa-Lloydie. Wak na tayo mangealam pa kung nagkakagutushan yung dalawa. Kung magtatanong si Bitoy tungkol sa relasyon nila kung may dapat o kung “Tino ang dapat TITIIN?” WALA! Walang dapat titiin!

Paano Na Kaya

Habang nanonood ng Philippine Dream Academy at habang papalapit ang Dream Night, parang nakakasiguro na ako na si Bugoy na ang mananalo. Imperness, ganda naman talaga ng voice nya kaya sya ang bet ko. Swak na swak sya sa puso ng masang Pilipino.  

Hindi lang yun, yung kinanta nyang song na composed by Ryan Cayabyab dun sa album na PDA Scholars Season 2 Sings Cayabyab … mukang mabebenta ng todo. Ay naku, eto ang magiging sure hit! Siempre at dahil proud to be JOLOGS aketch, like ko na rin ‘to.

Dedicated to sa mga taong na-inlababo sa friend nila. 

Listen to this…

Continue reading

Kras Ko

Ang mga bagong kras ko ngayon.

Mamma mia! Tuwing napapanood at naririnig ko kumakanta sa tv ‘tong si Richard Poon, parang gusto ko baklasin agad ang hook ng bra ko. Parang nagsisikip na kasi agad ang dibdib ko.  Pag sya na yung kumakanta, ensigueda, inlab na ako agad sa boses nya. Kyut pa nya. Hays…

Hindi kagwapuhan tong si Marc Abaya pero siksik, liglig at nag- uumapaw naman ang  sex appeal.

I dunno, maybe it’s just me pero ang lakas ng arrive ng mokong na ‘to sa akin. Sarap dunggulin neto sa dibdib. Lols!

Unang nakita ko sya sa tv ad ng McDonalds, tapos as leading man naman ni Roxanne Guinoo sa Ligaw Na Bulaklak. Type ko ang pagka-angas nya dun sa teleserye. Sungit nya dun pero parang super naman kung magmahal at magtanggol sa babaeng mahal nya. Hays…(ulit)

Wala akong ideya kung sino sya noon. Nagtanong pa ako sa bagets kong si Kevin kung sino ang hombre na ini. Sus, rocker o miyembro pala ang mamang ‘to ng isang banda at junakis sya ng movie director na si Marilou Diaz-Abaya. Nakngtokwa, nahuhuli na ako sa mga impo-impormasyon a!

Ba-bye Lobo, Hello PDA

  • Malapit na matapos ang sinubaybayan kong teleseryeng LOBO sa Channel 2. Malapit na rin matapos ang pamimintas ng isang tao diyan kesyo bakit pinagkakaabalahan ko panoorin si papa piolo at si mama angel tuwing prime time. Lols. Kasalanan ko bang maging jologs ako? Mababaw lang happiness ko. Lols ulit!
  • At eto ngayon kinahuhumalingan ko, ang Pinoy Dream Academy Season 2. Hindi ako nanonood neto nung season 1 nila. Mga chaka kasi. Pero dito sa batch ng season 2, pansin ko mas ok ang mga scholars nila ngayon. Last saturday, F na F ko ang pagkanta ni Liezel Garcia ng kantang Dance WIth My Father ni Luther Vandross. Galing!! Two-thumbs up! Dyahi man aminin, pero teary-eyed ako sa kanta na ‘to. Na-miss ko bigla si Tatay ko. 
  • [singlepic=221,,,,]Liezel Garcia

 Click to play
“…if I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love, love, love to dance with my father again…”  … Awwww! LSS agad ang lola!

 

Buntot Mo, Hila Mo

Usap-usapan ngayon sa mundo namin sa showbisniz (lols!) ang maaga at madaliang pagpapakasal sa May 28 ng 18-year old Inah Revilla, daughter ni Senator Bong Revilla at Lani Mercado.

Howel, eh kasi buntis nga daw. Hehe! Chismax galore to-its! Medyo nakakagulat kasi the last time i saw Inah Revilla sa tv ay yung footage ng debut nya. Tapos biglang bubulaga na lang ulit na magpapakasal na – at buntis. Panis na ang mga ganitong klaseng balita. Pero napapailing pa rin ako ng ulo kasi dumadami na talaga ang kaso ng teen pregnancy.

Siempre, usap-usapan ‘to ngayon kasi mantakin mo nga naman…kung nagkataon din naging babae si Jolo Revilla noon, malamang at the age of 15 or 16 baka nabuntis din yun. Kaso lalaki sya kaya nambuntis na lang siya ng kapwa-bagets na anak ni Rosanna Roces.

Wala ako sa posisyon o kalayaan para manghusga. Hindi ako nakaramdam ng simpatiya dun sa nabuntis o sa ikakasal na si Inah. Mas naka-relate ako dun sa siguradong naramdaman ng mga magulang na Revilla. Sa kanila kasi ang hampas ng lahat.

Magulang din ako. May anak akong babae na dose anyos at God forbid, wag naman sana mangyari ang ganung kaso sa anak ko. Ako na lang! Ok lang sa akin kahit ako na lang ang mabuntis ulit. (bwahahaha).

Hindi nga, seryoso. Bilang magulang, sigurado kong durog ang puso ng mag-asawang Revilla pero humahanga ako kasi nagpakatatag din sila na hinarap ang publiko sa pag-amin na kesyo ganun nga, blah, blah, blah.

Ngayon ko lang din naiintindihan kung ano ang naramdaman ng magulang ko nung nalaman din nila na jontis ako out of wedlock. Pero iba rin naman ang kaso ko noon kasi nasa tamang edad na ako. May trabaho din ako at pinanindigan ko kahit mag isa ang sitwasyon ko. Hindi ako tinakbuhan ng nakabuntis sa akin kasi hindi rin naman ako naghabol. Pero hindi tungkol sa pagiging unwed mom ko ang topic dito.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Gaya ng sabi ko…hindi ko pwedeng husgahan kung anong klaseng pagpapalaki ng anak ang mga Revilla kasi ang totoo…walang masasabing ultimate guide para sa TAMANG pagpapalaki ng anak. Kahit nga sa bookstore, wala akong makitang libro na “How To Raise A Perfect Child”, yung mga chuvang ganun. Hindi sapat ang kayamanan o pera para makasiguro na magiging matino ang paglaki ng anak. Hindi assurance na pag sa abroad nag-aral anak mo o kaya nagtapos sa magagandang school ay matitino na sila. Minsan nga kahit sa sobrang pagmamahal at pag aaruga ng magulang sa anak ay napapariwara pa rin ang anak.

Mahirap i-explain ang sakit at frustration na pwedeng maramdaman ng isang parent pag nagkakaroon ng maling desisyon or choices ang isang anak.

Ako mismo, hindi ko masasabing tama ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Masyadong maaga pa para magyabang o magpasikat para sabihin na isa akong mabuting ina o magulang. Maki-claim ko lang siguro ang ganung title o karangalan pag nagkaroon na ng maayos at matitinong buhay sina Kevin at Keziah… pag may sariling pamilya na sila at pag nakita ko na ang mga apo ko.

Tsaka ko pa lang masasabi na tama ang pagpapalaki ko sa kanila – pag naging maayos ang mga choices o desisyon nila sa buhay. Afterall, life is a matter of choices. Life is what you maketh, ‘ika nga.

 

Samba Girl-Mariana Del Rio

Maganda na kung tutuusin si Sunshine Cruz pero kung ganito naman talaga kabata at kaganda ang kahumalingan ng mister nyang si Cesar Montano ay natural lang yata na ma-insecure sya dahil talaga naman kaselos-selos ang ganda ng girl na itetch. Nakaka-tibo nga eh.

Lupit din ni Manong Cesar, na-meet nya ang brazilian model na ‘to sa airport ng Bohol at inalok na agad ang bebot na isama sa 3 movies nya. Mala-palos talaga sa bilis si Cesar pagdating sa babae. Ang tulis! Hehehe! Ayun, naging berde bigla ang kulay ng jowa nyang si Sunshine at hiniwalayan lang naman siya.

Pero impernes to this brazilian babe Mariana Del Rio, wala naman daw talaga silang naging relasyon ng boholanong aktor. Napanood ko kasi interview nya sa The Buzz eh wiz daw nya type ang mga gurang na hombres.

She’s only 16 years old at 5’10” height ng girlalu na ‘to. Whoa! Siempre yung mga bata, at matatangkad daw ang type nya na maging bf. Ex-bf nya si Victor Basa.

Waaaa! Walang sinabi si Cristy Fermin sa mood ni Mamaru ngayon.

mariana2.jpg

Continue reading

Pacman’s Mystery Lady No More

Obyus naman na mga nenok lang ang pics na ‘to na ipinasa sa akin ni friendship Kiko noong kasagsagan ng kontrobersya na itetch. Naka-post na rin ‘to sa ibang blogs. Pero may nabasa kasi akong comment dun sa napuntahan ko. Ganito ang pagkasabi:

SAYANG BLURRED YUNG PICTURES NG MGA BABAE, DI KO TULOY MAKITA KUNG MUKANG PERA.

Hahaha! ‘La lang. Natawa lang ako.

O’ sya eto na yung fez ng mystery lady ni Pacman dun sa pakikipag-party nya last year. Hindi na mainit ang isyu na ‘to pero wala akong mai-post sa ngayon eh. Wahihi! Ang maldita! Naka leps to leps kaya ‘to ni Pacman?

Ok lang kaya ang mga ganito sa wifey ni Pacman? Di bale, may mga bagong labas na bags ang Prada sa ngayon. Mag-shopping na lang sya.

Continue reading