Singapore – 4

My Day 4 at Singapura.

Morning: Nakipag-chat at nakipaglandian kay Kups.

sauna room

Before lunch: Nagpapawis sa Sauna Room.

After lunch: Nag-shopping. Nuks!

Ang binili ko? PANADOL! Lol!

Paggising ko pa lang, medyo masakit na ulo ko. ‘Kala ko mawawala pag niligo ko at nag-sauna. Kaso wa! Kaya Panadol 500mg ang naging mabilis na solusyon ng headache ko.

intercon lobby

Late afternoon: Tumambay at nagblog sa hotel lobby.

my dinner

Dinner: Chicken Teriyake and Salmon.

After dinner: Rumampa na ang Mamaru kasama si brader sa buong Marina Bay Sands.

at marina bay sand

Tsk! Sayang, hindi kinaya ng “high end” cellphone camera ko ang ganda ng tanawin sa likod ko. Higit sa lahat, hindi kinaya ng 1megapixel kong camera ang ganda ng pose ko. Lol!

at marina bay

At dito nagtatapos ang Day 4 ng pag liliwaliw ko sa Singapoh’ at ng “5-day, no-pay,'” leave ko. Bow!

 

oOo

“NOVEMBER WISH: Less stress. Less pain. Less problems. More Happiness, More Laugh.”

Singapore – 3

Nasa 3rd day na ako ng Buhay-Petiks ko.

Sarap!

DSC07716

Imadyin, paggising ko sa umaga eh internet agad inaatupag ko imbis na magluto ng almusal para sa mga amo ko. 😀

DSC07715

Kahit ilang araw lang, hapi ako kasi pahinga ako sa pagliligpit ng hinigaan ko kasi may “muchacha” akong maya-maya lang ay aayusin ang hinigaan ko.

powerbreakfast

Habang inaayos ang kwarto, ako naman ay bumababa ng kwarto para lumafang ng power breakfast ko.

Uy! uy! uy! O di ba sabi ko, susulitin ko ang bakasyon kong ‘to at wala akong ibang aatupagin kundi ang sarili ko?

bubblebath

Eto na! Natupad din ang wish kong magswimming sa sandakmak na bula ng halos isang oras sa bath tub hanggang sa mangulubot ang mga daliri ko sa sobrang babad. (Hihi! Aym so julius babaw talaga. Bubble bath lang eh haping-hapi na. Hmp! Kever!)

Susmio! Walang kawala talaga pati ang mga libag at dalikdik ko sa katawan, nanlambot din sila at isa-isang kumalas sa bodylicious ko. 😀 Kaya ang feeling ko ngayon eh ang  linis-linis ko mula split ends ng hair ko hanggang ingrown ng toes ko.

After lunch, lumabas ako para mag ikot-ikot sa katabing mall, ang Bugis. Bakit pa nga ba ako magpapakalayo-layo pa eh may malapit naman na mga shopping malls. Naalala ko tuloy ang ate kong si Millette. Gustong-gusto nya ang Bugis na ‘to.

bugis

Siempre, walang salafi ang Mamaru kaya hanggang window shopping lang ang arte. 😀 Habang nasa mall, eksayted akong gumabi na kasi pramis ni brader na ilalabas nya ako at idi-dinner date nya ang ate Maru nyang tanging ganda lang ang meron. Lol!

As promised, we went out and he brought me to Orchard.

mandarin orchard-001

Dinala nya ako sa Chatterbox ng Mandarin Orchard kasi masarap daw at dinadayo ang Hainanese Chicken Rice nila ditey.

hainanese chicken rice

Alam ni brader sa Manila pa lang na naglalaway na ako ng Chicken Rice ng Singapoh’.

Noon pa man ay wala na akong kaduda-duda na labs na labs talaga ako ng brader ko. Kagabi lang, kahit gusto ko himatayin sa MAHAL ng Mandarin Chicken Rice na nasa menu eh wa sya pakels basta mai-treat lang ako.

hainanese chicken

Hmmmn, eto ang Signature Chicken Rice ng Mandarin Orchard. Hinahanap ko yung “pirma” kasi sabi “signature” nila ‘to. Hehe! Corny ko. Hmp!

buko juice

Ang problema ko sa sarili ko…madali akong mabusog. Wish ko talaga na sana pang kargador na kain ang pwedeng i-accomodate ng bituka ko. Kaso ambilis ko talaga mabusog. Kahit I’m fool full na, pinilit ko pa rin ubusin at i-scrape ang laman ng buko ko. Sayang eh. Lol!

Hindi ko na nagustuhan halos ang pakiramdam ko kagabi. Parang gluttony na kasi yung ginawa ko. Parang puputok na rin ako sa kabusugan.

happy mamaru

Heniweys, isang mapintog at haping-hapi na Mamaru ang rumampa ng Orchard Road kagabi. Tama lang ako sa desisyon kong isuot na damit,dahil hindi nahalata ang kabundatan ko. 😛

oOo

“Puro kayo lovelife. Gayahin niyo ako, pagkain lang. Masaya na, busog pa.”

Singapore – 2

Sa pagpapatuloy ng Singapoh’ chika ko…

intercon_reception

Habang busy ang partner ko sa pag-aasikaso ng magiging room namin kaninang umaga…

Hinila ko ang Indianong doorman at pinakiusapan na piktyuran akels.

d_tourist

For a moment, nag-feeling Angelina Jolie ng pelikulang The Tourist muna si Mamaru. Tsk! Sayang at kinapos ako sa height. The Tourist na sana dating ko. Lol!

Eto ang Da Room namin.

intercon_singapore1

Siempre Twin Bed. Hindi kami pwede magtabi ng partner ko noh!

Ang partner kong tinutukoy ay si– Evan, ang younger brother ko.

intercon_singapore2

For 4 days, mag roommate kami ni brother ko.

Apat na araw ko lang naman pagtitiisan ang lakas ng paghihilik ng kapatid ko.

intercon_singapore3

Bakit kaya ganun? Pag nagtsi-check in tayo sa hotel, agad-agad ay sisilip tayo sa tsura ng banyo.

Hmmnn…pero baka ako lang yun. 😀

intercon_singapore4

 

cinnamon and bath salt

Nang makita ko ang bath tub, bath salt, bath gel na itey, alam ko na agad ang isa sa pwede kong gawin sa mga susunod na araw habang buong araw nasa ,ga meeting at appointment si brother dun sa opis nila sa Sentosa.

toiletries

Palibhasa sanay lang ako maligo sa isang baldeng tubig sa banyo namin sa bahay, kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ‘to. Magpapakalunod ako sa bath tub na puno ng bula sa susunod na mga araw. Lol!

view from the hotel

View ng nebor namin sa harap ng room.

view from the hotel1

View sa ibaba.

study table

Workstation ko for 4 days.

maru1

Habang nagbo-blog kanina.

maru2

O ha! At naka-pantulog na.

maru3

Sey nyo? Kunyari hindi ko alam na kinukunan ako ng picture dito. Hahaha!

 

oOo

“Ang tunay na PAG-IBIG yun yung hindi mo alam kung bakit mo sya nagustuhan, pero minahal mo siya sa hindi mo maipaliwanag na dahilan.”

 

 

 

Singapore – 1

Dahil sa ako ay isang PROMDI, ginugol ko ang first day ng 5-day leave ko sa kabibiyahe para makarating lang sa final destination ng lakwatsa ko.

rural_transit

Una, nagbus ako galing Iligan City papuntang Cagayan de Oro City.

Uy ha! Na-miss ko ang sumakay ng bus. Gulat-gulatan pa ang beauty ko kasi ang sushal na ng mga bus ngayon sa probinsya namin. Mga bago at may Free WiFi pa! At hindi man lang nila ako na-inform noon sa mga bagong kaganapan. Chos!

Pagdating ng CDO Airport, fly naman ako papuntang Manila para paghandaan ulit ang isa pang flight papunta sa saktong patutunguhan ko.

jetstar boarding pass

Medyo eksayted ako sa biyahe ko kasi first time kong sumakay ng Jetstar.

Kebs ko naman kung isa syang budget airline. Sa katayuan kong ‘to, sa lagay eh magiging choosy pa ba ako?

Parang Cebu Pacific lang ang Jetstar pero impernes OK naman sha. Sa awa ni Lord, smooth naman ang biyahe ni Mamaru.

Mag-isa lang ako ULIT. 😀 Istir lang!

Siempre, may kasama ako pero yung kasama ko ay nakasakay na sa ibang eroplano na hindi isang budget airline at nauna na ng ilang oras ang lipad kesa akin.

Dumating ako ng 1am sa destinasyon ko at nagkita-kits na lang kami ng partner ko sa arrival area ng airport. Alanganin ang oras ng dating namin. Alanganin din oras na i-check in agad sa hotel kaya nag decide kami na tumambay na lang muna sa airport departure area  at hintayin na lang na lumiwanag muna ang mundo sa labas ng erport.

coffee shop

Tumambay kami sa coffee shop na may WiFi, nagkape, at nag post update ng blog.

Walang katapusan na chikahan ang ginawa namin ng partner ko habang nagkakape at nag i-internet. Todo-todo ang bonding namin. Buti na lang talaga eh madaldal ako kaya di kami ulit inantok. Hehe!

mamaru

Walang tulugan as in!

Kaya ang resulta? Lumabas ako airport na NGARAG.

7am na at kelangan na namin maghanap ng makakainan ng almusal.

TCC

Dito kami napadpad.

breakfast

Habang abala ang partner ko sa ka o-order,

Nakyutan naman ako sa napkin nila. Lol! (Kung anu-ano na lang napapansin ko.)

Kahit di ko gets ang ibig sabihin ng mga naka-print sa napkin, pinabasa ko pa rin sa kasama ko sabay sabing…cute noh? Hehe! Umandar na naman kababawan ko. May masabi lang.

table napkin

Eto pa. Hindi ko alam kung dahil sa puyat, pero I am seeing images sa glass of water ko.

iced glass of water

Ang tingin ko, parang may “praying hands” na porma sa pagitan ng mga yelo. Minsan naman, ang tingin ko eh para syang legs ng babae na naka-bikini at nakabikaka.

Pucha! Ngarag na talaga ako!

Buti na lang ilang minuto lang ay nai-serve na rin ang power breakfast ko.

my power breakfast

Express ang kain ko kasi kelangan ko na talaga bumawi ng tulog.

Buti na lang malapit lang at mga ilang hakbang lang kami sa hotel kung saan kami naka-reserve.

intercon_singapore

Sa mga nebor countries ng Pinas, peborit ko talaga ang Singapoh’.

This is my third time here in Singapoh’.

Pers taym ko ay noong 1993. At virgin pa ako noon. Joke!

Second time ko ay noong 1996, kapapanganak ko lang kay Keziah noon.

2012, eto na uli ako sa bansang ‘to na isang virgin ulit. Charot!

Wala akong pics noong 1993 kasi na-exposed ang lahat ng film ko noon. Year 1996, film pa rin ang uso noon at buti na lang kahit papano ay nabawasan na ang pagiging shunga ko at naingatan na ang film. Eto yung mga alaala ko noon:

old_singapore_pics

My kodak moment noon with the Merlion ek-ek.

Sentoza Island, Singapore (12-13-96)

Ikot-ikot noon sa Sentosa.

old_singapore_pics-002

Hindi ko alam kung buhay pa until now ang musical fountain kembular na itey ng Singapore.

old_singapore_pics-003

Sa hotel…MAG-ISA noon! Hahaha!

Syet! Para akong mongoloid tsura ko dito. 🙁

oOo

“Yung feeling na masaya ka pero kulang kasi wala siya.”