Esep-Esep 1

rerho0xnkbmynodzexgd

  • Tapos na ang Pasko at bagong taon na. Gusto kong intindihin na kaya nagmahalan ang mga bilihin last month ay dahil na rin sa peak season at mataas na demand ng mga produkto. Pero por jos naman….bakit ang mahal pa rin ng mga bilihin sa palengke hanggang ngayon? Lalo na ang mga karne! Weeeee! Unano na lang talaga ang hindi tumataas. Ang hirap pa naman mag budget ng pera lalo na pag wala naman talagang babadyetin.

  • Parang gusto ko na tuloy tumanggap na lang ng labada sa kapitbahay para lang magkasya ang datung sa totoo lang. Pag nag-aplay kaya ako ng trabaho sa mga panahon na ‘to…may tatanggap pa kaya sa akin? Ang hirap lang dito sa Pinas..pag wala na sa kalendaryo ang edad mo…bomalabs ng makahanap ka ng matinong trabaho.
    Araw-araw may pumapasok na malaking palaka dito sa balay ko. Minsan iniisip ko…hindi kaya eto ang tunay na Prince Charming ko at hinihintay lang na halikan ko siya para maalis ang pagba-balatkayo niya? Yikessss!
  • Hanggang ngayon hindi pa rin makapag-angat ng mabigat na bagay ang kanan na kamay ko. Bakit? Eh kasi may pilay ang isang daliri ko, Mantakin mo, sa sampung daliri ko…yung right middle finger ko pa ang nagkapilay! Ang saklap talaga ng kapalaran ko! Wag kayong malisyoso, mga indot! Palagay ko may naipit na ugat ang middle finger ko sa kalalaro ko ng ZUMA Revenge. Napapahigpit siguro ang kapit ko sa mouse ng hindi ko namamalayan (palusot!).

Wala Akong Pinagsisihan

Quote from one of my readings on parenthood…

“Your children know you love them by your presence, not your presents.”

Pasintabi sa mga OFW’s na mga nanay na may mga naiwan na mga anak dito sa Pilipinas. Alam ko ang feeling ng isang magulang na nasa abroad na nagsasakrispisyo para lang makapagbigay ng medyo bonggang buhay sa pamilya na naiwan dito.

Si Kevin pa lang ang junakis ko noon ng nag work pa ako sa Dubai at may time na bigla na lang nalalaglag ang luha ko sa plato na kinakainan ko tuwing nakakaramdam ako ng pangungulila sa anak ko. Nakngwekwek! Belib me, ang hirappppp! Abot-langit talaga ang pagtitiis!

Sure ako na 100% sa mga OFW moms ay napipilitan lang na iwanan ang mga anak dito sa Pilipinas. Ang sabi ng iba, sa hirap ng buhay dito eh no choice sila. Ewan ko ha, pero naniniwala akong may choice pa naman tayo na iba. Solong-nanay din ako pero iba ang naging choice ko noon. Mas pinili ko ang iwanan ang Dubai kesa iwanan sa iba ang dalawa kong tsikiting.

Continue reading

Usap 002

EKSENA: kaming mag-nanay galing nag dinner-out at habang nakasakay sa jip pauwi.

Kevin: (Katabi ko at idinidikit ang bibig sa tenga ko para bumulong.) “Ma, pwede ko bang ipakilala sa yo ang gerlpren ko?”
Ako: (Mejo nagulat) “Ha? Sino? Yung nag-aaral sa you-pee?”
Kevin: “Hindi. Matagal na kaming break nun. O ano ‘Ma, ipakilala ko sa yo ha?”
Ako: “Eh bakit gusto mo ipakilala sa akin? Maganda ba? :D
Kevin: “Ipapakilala ko lang sa ‘yo para nakakapunta sya sa bahay. Oo naman, maganda.”
Ako: “Ay ayoko. Wag!”
Kevin: “Bakit?”
Ako: “Shy ako eh.” (Aktwali, wala talaga akong maisip ibang rason.  Ayoko lang talaga.)
Kevin: “Nyee! Sus!”
Ako: “Pang-ilan mo na bang gf yan?”
Kevin: “Pang-anim.”

‘O ha! First year college pa lang ang bagets ko pero nakaka-anim na syota na. Tulis!

 

* * * *

Quote of the Day:

“You can tell a child is growing up when he stops asking where he came from and starts refusing to tell where he is going.” ~Author Unknown

Nakakasiguro Ka Ba?

screenshot_58

FOR SALE ngayon ang Philamlife Insurance dahil sa pagka-bangkarote ng me-ari na AIG dun sa Amerika. Pinag iisipan ko kung sasaluhin o bibilhin ko na lang ang Philamlife dito sa Pinas para naman may pagka-abalahan ako bukod sa polvoron ko dahil bored na bored ako netong mga araw.

Lupit noh, kala mo bibili lang ako ng P20 all-text selpon load sa kanto.

Speaking of insurance and pre-need plan, nakow! Dismayado na ako sa mga yan. Napunta lang sa wala ang pinaghirapan kong bayaran na “educational plan” na kinuha ko sa CAPdati para sa mga bagets ko.

Halos nagpakapokpok pinokpok ko sarili ko sa kata-trabaho nun sa Dubai para makapag bayad lang. Yung kay Kevin, fully-paid na talaga yun pero yung kay Keziah ang hindi ko natapos.

College na ngayon si Kevin ko at sa awa ng Diyos, ni hindi ko man lang napakinabangan ang college plan nya na pinaghandaan ko noon dahil sa pagsara ng CAP. Hindi na rin ako naghabol pa. Eh ako fe! Wala akong ka tyaga-tyaga sa habulan.

Alam ko naman na pahirapan lang ang mangyayari. Nakita ko kaya sa TV ang hirap at galit nung mga naghabol na planholders. Kunsabagay hindi ko sila masisisi lalo na kung lahat ng anak nila ay ikinuha nila ng educational plan tapos mate-tenkyu lang?

Nakakapanghinayang na napunta lang sa wala ang mga tiniis kong pagbabayad sa mga kumpanyang pinagkatiwalaan kong makakatulong sana sa akin sa pagpapa-aral ng mga bagets ko. Akala ko makakaunawa mga yun sa paghihirap ng mga katulad kong solo parent.

AT dahil wala akong napala dun sa pre-need plan ko, eto, sa akin pa rin ang lahat ng gastusin at buti na lang skolar anak ko sa pinapasukan nyang school ngayon. Miscellaneous fee lang ang binayaran ko noong enrolment. Buti na lang at nagmana suckin’ ang junakis ko sa talino. Yey! Lols.

Sa pagbagsak ng CAP, Grepalife, PEP Plan, Leche Flan, at ngayon nga eh yungPhilamlife na rin dahil sa pagkalugi ng AIG… eto lang ang masasabi ko –WALANG SIGURADO DITO SA MUNDO.

Kahit anong yaman mo, kahit anong laki mo o anong tayog mo, wala pa rin kasiguraduhan na hindi ka babagsak. O di ba, sino mag aakala na lulubog ang Titanic? Na guguho ang Twin Tower sa NYC? Na maba-bankrap ang Lehman Brothers at malulugi ang AIG?

Wala pala talaga sa mga bagay-bagay ang kasiguraduhan sa mundo. Dapat dun lang pala tayo kay Papa Jesus humingi ng insurance. Naks! Amen? Ok, Raise da roof!

Enways, balik tayo sa nagpapagulo sa utak ko ngayon. Bibilhin ko na ba angPhilamlife?

Libreng Shampoo ‘Dai

Sabi ng mga hair expert, para daw mas lalong maging maganda ang buhok…wag mag-stick sa iisang brand ng shampoo. Kung pwede ay paiba-iba daw at sa kung anong rason, di ko na inalam. Keber ko ba!

Kahit hindi ko basahin yung sinabi ng mga expert, mahilig na talaga ako gumamit ng iba’t-ibang brand ng shampoo dahil madali ako magsawa sa iisang klase lang.

Paminsan-minsan andun yung trip ko subukan ang mga horse shampoo, o kaya dog shampoo, o kaya shampoo ng mga pusiket. Joke!

Pero since nung binigyan ako ng ate ko ng isang kahon ng shampoo + conditioner in sachets, hindi na ako nakakabili ng ibang shampoo. May grocery store kasi ang ate ko at kahon-kahon pag namimili ng supplies na paninda. Minsan nakaka-tiempo sya ng halimbawa, buy 2 boxes of Tide bareta with free 1 box din. Yung mga ganun.

Continue reading

Himutok

Noong isang araw, Inabot na ako ng dilim sa kalalaba. Halos buong araw din akong naging labandera, alilang-alila ang dating.

Kunsabagay mahigit sampung araw din ako nalayo sa mga amo ko kaya ano pa nga ba ang aasahan ko kundi ang santambak na labahin sa pagbabalik ko.

Palit ng kurtina, palit ng bed covers, bed shits, pillow covers, table shits and etc. Linis dito at doon. Ayos dito, ayos dun. Ligpit, ligpit at ligpit.

Oo, full time stay-at-home-mom ako at pinili ko mag isa ang mapunta sa sitwasyon na ‘to dahil sa mga rason na alam ko na tama ako at umaasa din ako na balang araw may ibubunga na mabuti ang naging desisyon ko. Altho hapi naman ako sa pagiging fool-time nanay, may mga moments din na parang mas gusto ko pa ang umupo at umistambay sa harap ng ‘pyuter ko at mag blog na lang buong araw.

Continue reading

Buhay Single-Parent

I’m still down with lagnat.

Sa awa ni Lord talagang bihira lang kami nagkakasakit mag-iina, pero ‘tong papalit-palit ng panahon lately eh hindi na namin kinaya ng panganay ko. Last week, 4 days down with fever si Kevin ko.

Eto ang isang mahirap na kalagayan sa pagiging single-parent. Pag ang mga anak ko ay nagkakasakit eh andiyan ako para umalalay at mag alaga. Pero pag ako na ang nagkakasakit – alaws tumitingin sa akin. Wala man lang mautusan para bumili ng gamot, kumuha ng tubig and etc. Eh kasi yung dalawang bagets ko ay may mga pasok sa school nila at 5pm pa ang uwi.

Wala akong ka-reliyebo kumbaga. Kanina kahit mahilo-hilo pa ako at nanghihina, kelangan ko ang bumangon ng 5:30am dahil walang magluluto ng almusal ng mga alaga ko. Kahit marurunong naman magluto ang mga bagets ko eh naaawa naman ako at baka ma-late sila ng pasok pag sila pa ang maghahanda ng pagkain at baon nila.

Continue reading

Nenok

First year pa lang sa college ang panganay kong si Kevin. Akala ko noon ay mahihirapan sya sa adjustment sa buhay-kolehiyo nya. Eh kasi di ba ibang-iba naman talaga ang buhay ng isang high school sa college.

Mali ako, nakahinga na ako ng maluwag kasi nakita kong ganadong-ganado siya sa pag aaral.At mukang hindi lang ganado…mukang enjoy na enjoy pa ang mokong! Even my daughter Keziah na first year high school na rin at kalilipat lang sa bagong school ay nakapag- adjust na rin agad.

Buti na lang talaga at walang mga attitude problems ang mga anak ko. Siempre ako fah! Dehins ko ina-allow kahit noon pa man na magkaroon sila ng tantrums. Tama na yung ako ang bugnutin at may topak sa pamilya namin.

Continue reading

Kodak, Kodigo, Kape, Kuya

  • Nami-miss ko na ang komodak at sumali ulit sa Litratong-Pinoy. Naka-apat na Huwebes lang yata ako noon at hindi na ako nakapag-post pa ulit ng litrato. Ang hirap kasi wala akong sariling camera at nanghihiram lang ako noon sa kapitbahay. Kakainis, dahil tuwing nag-uumpisa ako mag-ipon ng datung para makabili ng kahit de-uling na camera – tsaka naman biglang may susulpot na gastusin o babayaran. Hay buhay… uber talaga sa pahirapan bago makamtan ang paisa-isang bagay na nagugustuhan.
  • Tuwing maggo-grocery ako…gumagawa muna ako ng kodigo para sa mga bibilhin. Andun yung excited ako kasi kasama siempre nakalista ang mga pang personal kong kailangan. Kaso naman pagdating ko sa grocery store o sa palengke, kadalasan kanselado ang mga bibilhin ko para sa sarili. Ipinapagpaliban ko na lang muna para lang magkasya ang budget ko. Bakit kaya ganun, andun yung nahawakan ko na yung item na gustong gusto ko pero biglang ibabalik sa istante dahil biglang may maaalala na kelangan pala ni Kevin ang ganito, ganun…nagpapabili nga pala si Keziah ng ganito ganun…kelangan pala sa bahay ng ganito ganun,… etsetera etsetera. Hays, at ako na rin ang sumagot sa katanungan ko — nanay nga pala ako.
  • Sabi ko sa sarili ko… one of this days, pag medyo naka-alwan sa gastusin – magpapa body scrub ako at magpapamasahe ako – yung magbabayad ako ng tao para kuskusin ang pwet ko at mga kasingit-singitan ko. Hehe! Trit ko sarili ko kasi deserve ko naman ang i-pamper ko sarili ko paminsan-minsan. Howel, as usual…kahit sa sarili ko hindi ko natutupad ang mga pangako ko at mukhang malabo na nga na mangyari pa kaya kanina, namataan ko yung binigay sa akin nung last Xmas na kapeng-barako galing Cavite.

Ano pa nga ba ang ginawa ko kundi ang nagkulong sa banyo na may dalang mixtures of coarsely ground coffee, brown sugar and olive oil.Hindi ako nagkape sa loob ng banyo. Nagtaboy ako ng stress sa pamamagitan ng pagkuskos. Nabasa ko kasi na bukod sa nakakatulong sa pagbawas ng formation ng cellulite at varicose ang coffee scrub. Magaling din na exfoliant.

Ayun, mahigit isang oras lang naman ako sa banyo at dun ko na ginawa ang coffee body scrubhomemade spa treatment. hehehe! Siempre tiyaga-tiyaga lang sa pagkuskos ng mixture sa buong katawan pero i swear, as in maniwala kayo sa akin – super kinis o smooth ng skin nyo pagkatapos. Pag hinagod mo balat mo….parang bagong kiniskis ng papel de liha o bagong varnish ang katawan mo! Langit ang pakiramdam paglabas ng banyo. Ang gaan! Sa sobrang kinis sa pakiramdam, parang gusto ko tuloy maglakad-lakad ng naka-borles hanggang kanto. Joooke!

  • Nalulungkot ako sa balitang na-stroke ang kuya ko na nasa Surigao. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng update kung ano na talaga ang tunay na kalagayan niya. Kung may maitutulong lang sana ako. Tsk! Pero bahala na si Batman. Hindi naman din sa pang-aano, kuya ko kasi…sunog-baga din kasi yun. Hindi na rin ako nagugulat, sa totoo lang. Yang paninigarilyo talaga at pag iinom, mapa-lalaki o babae man…darating at darating din talaga ang araw na maniningil sa katawan ang bisyo na yan.
  • Pero kahit ano man ang mangyari….tuloy lang ang buhay. Matira na ang matibay. Lahat naman tayo eh nakikiraan lang. (emo ang lola)

May Mga Paraan Kung Gugustuhin

Kapapanood ko pa lang kanina sa TV Patrol ang tungkol sa kahindik-hindik na ginawa ng isang ina sa kanyang dalawang anak edad 6 at 2. Pinagsasaksak lang naman ng nanay ang mga bagets nya dahil ayun sa balita, nasisiraan ng bait yung nanay dahil sa problema sa kawalan ng pera.

Kinikilabutan ako habang nanonood. Naknampating! Naghahapunan pa man din ako. Sa panahon ngayon, hindi imposible ang mawalan ka ng katinuan dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya pag hindi talaga matibay-tibay ang pananampalataya mo dun sa itaas…taong-grasa ang kababagsakan mo.

Ako man ay nalulukring din sa mahal ng mga bilihin ngayon kaya para maka-survive, importante ang marunong ka talaga DUMISKARTE.

Share ko sa inyo ang pandadaya na ginagawa ko sa budget para lang medyo marami naman ang mapuntahan ng datung ko. Sa isang meal namin, maniwala ba kayong 35-50 pesos lang ang budget ko sa ulam? Howel, hindi kami nakaka-angat sa buhay kaya madalas paisa-isang ulam lang kami. Nagiging praktikal lang po, ang importante ay may quality ang nag iisang ulam at hindi kami pumapalya sa pagkain. Kunsabagay, 3 lang naman din kami at alam ko ang capacity ng bituka ng mga anak ko. May pagkakataon pa nga na sumusobra pa ang ulam namin. Lols.

Continue reading