Kung nagawi na kayo sa blog na HAY!MEN!, siguradong nabasa nyo na rin ‘tong manifesto ng tunay na lalake na nakabalandra sa sidebar nila dun.
MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE
- Ang tunay na lalake ay di natutulog.
- Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
- Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
- Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
- Ang tunay na lalake ay walang abs.
- Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
- Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
- Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
- Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
- Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.
Hindi ko maiwasan na hindi ‘to i-blog dahil sa nadiskubre ko kaninang umaga habang nilalabhan ko ang mga maruruming damit ng only bigatin son kong si Kevin (18 years old).




