Slow Cooked BBQ Pulled Pork

hamilton-beach-slow-cooker Nag i-enjoy ako sa kagagamit ngayon ng Hamilton Beach SLOW COOKER ng sister kong si Millette. Inarbor ko pansamanta since wala naman time para magluto si Sis. (At sana hindi na bawiin.)

Aktwali, never pa nya talaga nagagamit ang cooker nya, as in brand new pa itey. Nasa kahon pa nga noon kaso nabaon ng putik nang masalanta ng bagyong Sendong ang bahay ng ate ko.

Noong Holy Week lang namin ‘to na-recover mula sa pagkabaon sa putik nung naglinis kami dun sa bahay nila.  Sa awa ni Lord, nang hiniram at pinauwi ko dito sa bahay, ok pa naman at gumagana pa. Ang swerte nga naman!

Grabe! Kung may datung lang ako, gusto ko magkaroon pa ng at least 3 units of Slow Cooker! Napaka-convenient kasi gamitin, time and energy saver  pa. As in! Para sa mga working moms kong mambabasa, naku! mamahalin nyo talaga ang gamit na ‘to pag nasubukan nyo.

Heniweys, eto ang isinalang ko nang bininyagan ko ang latest beybi ko sa kusina –

SLOW COOKED BBQ PULLED PORK 

Ingredients:

  • 1 kilo Pork loin
  • 2 Onions- Chopped
  • 12 oz BBQ Sauce
  • Season with Salt and Pepper to Taste

Instructions:

  1. Place loin in your slow cooker.

 DSC06894

2. Season with salt and pepper.

DSC06895

3. Place onions on top.

lean pork in a slow cooker1

4. Pour BBQ sauce on top.

marinade  

For homemade Barbecue Sauce:

  • 1 cup Ketchup
  • 1/4 cup Vinegar
  • 1 Tablespoon Worcestershire Sauce
  • 2 cloves Garlic, minced
  • 2 Onion, chopped
  • 2 Tablespoon Brown Sugar
  • 1 Tablespoon Paprika
  • Salt and Pepper

pork in slow cooker 

5. Cook on low for 6-8 hrs.

slow cooked lean pork 

slow cooked pork 

6. Shred pork with two forks and mix with sauce.

rice topping

Serve as rice topping…

pork flakes sandwich

Or serve on buns or sliced bread. 😀

Gabi ng tinimplahan ko ang meat at isinalang sa slow cooker. Hinayaan, iniwan at tinulugan ko para tamang-tama paggising ko ay may ulam na kami na bagong luto.

 

oOo

“Madaling sabihin na maraming lalaki, pero di lahat madaling mahalin.”