Tag Archive for SM Department Store

Nang Dahil Sa Plastik

Kahapon, maaga akong lumuwas papuntang Cagayan de Oro City Airport para mangolekta ng benta ng polvoron ko. Bago bumalik ng Iligan City, dumaan muna ako sa Home World ng SM-Cdo para bumili ng 6 pieces of new seater pads para sa dining set ko. Bulky yung mga chair pads na napili ko, parang throw pillows ang porma nya.

Sinamahan ko na rin ng isang kahon ng chocolate chips cookies na singlaki ng Kellogs cereals yung box para pasalubong ko sa bagets ko. Pagkatapos ko nabayaran yung pinamili ko, napansin kong pilit na pinagkakasya nung gwapong bagger yung 4 na pads at yung box of cookies sa iisang malaking SM plastic. Yung 2 unan (sa pwet) naman ay dun bale nya pagkakasyahin sa maliit na plastic.

Read more