Cheapipay Kong Hulmahan

Tinatanong ako ng FB buddy kong si Ruz of Ruzikeks kung saan ko daw naharbat ang ginagamit kong springform pan sa mga cheesecakes ko.

Ruz dear, cheapipay lang ‘tong mga springform pans ko. Nabili ko ‘to dito sa pinagkukutaan ko sa halagang P179.00/set of 3, two years ago. Mura noh? Ewan ko lang kung meron pa until now.

set of 3

Nakaka-relate ako sa pinagdadaanan mo ngayon. Uu, medyo mahirap maghanap ng mga hulmahan na ‘to. Maalala ko, tuwing lumuluwas ako ng Manila noon, hanap din ako ng hanap ng mga affordable springform pans. Kaso lintek naman, ang nakikita ko sa mga department stores eh ginto ang presyo!

Pinakamura na yata sa nakita ko yung tig P1,200.00 ang isa! Mga imported kasi. Wa-afford ni Mamaru ang mga ganung presyo. Kunsabagay hanep din kasi sa quality ang mga yun. Non-stick at anonized aluminum ang pagkayari. Para sa pang-matagalan na gamitan talaga.

tag price

46 years muna ang hinintay ko bago ako nagkaroon. Ang tagal! Ang lagay eh hindi pa mamahalin ang mga hulmahan na meron ako ngayon.

Oo, chipipay lang. P179 pero tatlong piraso na, iba’t ibang sizes. Nang makita ko ‘to noon, hindi na ako nag-sekantot. Buy ko na agad. Kako, Ok na ako dito! Hindi ko naman kelangan ang mamahalin kasi pang-okasyon ko lang naman din gagamitin. Bibigyan ko na lang sila ng alagang-Mamaru para humaba ang buhay nila. 😛

Aminado akong mumurahin lang ang mga springform pans ko pero labs ko sila. Yari lang sa ordinary aluminum na madaling mayupi! Manipis ang base at madaling mangitim pag hindi aalagaan ng punas. Impernes, di naman sila tumutulo. Pero sabi nga nila, kahit anong mahal ng gamit mo, kung di mo naman bibigyan ng kaukulang TLC� eh madali rin masisira. Again, wala sa presyo yan. Nasa pag-aalaga.

Haweber, Ruz dear, kung gagamitin mo ‘to sa negosyo, I suggest na bumili ka na ng trustworthy na springform pans. Mag invest ka na dun sa may quality. Tutal mababawi mo naman ang puhunan mo pag bonggels na ang orders sa ‘yo, di ba? Try mo pumunta ng Trinoma, madami din silang mga bakingwares dun na affordable, baka maka-tyempo ka.

springform pans

Sabi ko nga, iingatan ko na lang ‘tong mga cheapangga kong mga hulmahan. Kaya naman everytime matapos ko silang gamitin, bago itabi eh pinupunasan ko muna then kinukumutan ng plastic tsaka ibinabalik sa orig nilang kahon. 😛 Tsura lang ng mga mamahaling springform pans na libo-libo ang halaga!

 

oOo

“Too much love will kill you, sometimes it makes you pregnant."